PROLOGUEKahit na malapit nang maghating-gabi ay nagtratrabaho pa rin siya, parte na iyon ng kanyang daily routine, kahit nakauwi na siya sa Renaldi Estate ay tuloy pa rin ang trabaho kaya nag-uuwi siya ng ilang papeles o may ka-video conference siya para matutukan ang lahat ng negosyong hawak niya, national and international. Sa napakabata niyang edad na 20 ay siya na ang Chairman ng Renaldi International, posisyon na minana niya sa kanyang ama, who recently passed away due to an unfortunate accident. While his mom died after giving birth to him, kaya wala siyang pagpipilian kundi ang akuin ang responsibilidad sa kanilang kompanya kahit na nag-aaral pa siya sa college.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya sabay pagpikit ng kanyang mga mata baka kasi sakali na mawala ang sakit ng ulo niya, pagkalipas ng ilang minuto ay sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya kaya bigla siyang napamulat sabay kuha ng kanyang baril mula sa ilalim ng desk. Mabilis pero alertong lumabas siya ng kanyang opisina para pumunta sa pinanggalingan ng putok ng baril. Nang wala na siyang narinig na mga putok ay mas binilisan niya ang paglabas papunta sa may likurang bakuran kung saan nanggaling ang mga putok. Naabutan niya ang kanyang mga underlings na nakapalibot habang nakatutok sa kung sino man na nasa gitna ang kanilang mga baril.
"What the hell is going on here?!" Sigaw niya habang naglalakad palapit sa mga ito.
"Master!" Sigaw ng mga underlings sabay bow at binigyan siya ng daan.
Sa gitna ay nandoon ang limang lalaki na kaedad niya na siyang tumatayong mga leader ng mga underlings ng Renaldi at kaliwa't kanang kamay niya. Pero mas natuon ang atensyon niya sa hindi lalagpas sa bente na tao na siyang pinalilibutan ng kanyang mga tao. Sobrang dungis nila dahil sa putik at mantsa ng dugo sa damit at balat ng mga ito, may iba't ibang mga sugat at galos na tila nanggaling sa isang giyera ang mga ito.
"Renaldi." Tawag ng matangkad na lalaki na siguro ay in his 40s, kilala niya ito nang dahil sa mundong ginagalawan niya.
"Boss, almost all of them are wounded." Pagbibigay-alam ng isa sa limang pinaka-pinagkakatiwalaan niya. "They arrived like that, our men didn't hit any of them. Gio, immediately stop them since they didn't fight back and they said they needed to talk to you personally."
"Anong ginagawa ng ilan sa head ng mga clan ng Joyau sa teritoryo ng Renaldi?" Seryosong tanong niya habang matiim ang tingin sa mga ito dahil kahit na parang babagsak na ang mga ito ay lalaban pa rin ang mga ito para sa kung ano mang prinoprotektahan ng mga ito na nasa pinakagitna. "Mukhang galing kayo sa isang matinding bakbakan."
Biglang nahawi ang mga ito at mas lalong tumalim ang kanyang mga mata ng makita kung ano ang prinoprotektahan ng mga ito, isang babae na punong-puno ng dugo ang damit at dalawang bata, yung isa ay walang tigil sa pagtulo ng luha pero walang maririnig na tunog mula rito at yung isa na yakap-yakap noong babae ay walang malay at may umaagos na dugo mula sa ulo nito.
"P-please, Renaldi...s-save my d-daughter...k-k-keep her and my...n-niece...safe." Umiiyak at tila nanghihina na sabi noong babae. "Y-you're...t-the only...o-one I could...t-trust."
"Mistress, save your energy. We must also tend to your wounds first." Sabi rito ng isa sa mga head.
"Your underling is right." Sabi niya saka binalingan ang mga tao niya. "Bring them to the med~"
"N-no! Y-you must promise me first! I-I don't...c-care what happens to me! I just... I just want your...promise!" Sigaw nito.
Mukhang seryoso talaga ito na mangako siya rito para sa anak at pamangkin nito kahit na malubha ang mga sugat at tama nito. Natuon ang tingin niya sa batang babae na yakap-yakap nito, may kung anong pumitik sa dibdib niya nang matitigan ito.
Tinitigan niya ulit ang Mistress ng Joyau. "Why are you asking me something that you and your husband could do more effectively than I do as the number one in the underground society?"
Nag-iwas ito ng tingin mula sa kanya at tila naiiyak. "W-we can't do that...a-anymore...m-my Brylle was ambushed by...h-his own...b-brother...I-I don't know... i-if he's still alive... s-so...p-please take care...o-of my daughter...a-and niece...y-you're the only one we...c-could trust...r-right now..." Pagmamakaawa nito.
"Pero may kapalit ang lahat ng tulong ko, Miss Kyrelle." Sabi niya rito.
Nakatitig lang silang dalawa sa isa't isa. "A-anong kapalit?" Seryosong tanong nito. "I-I'll give you...a-anything...for my daughter and niece."
Nginisian niya ito. "Are you sure you'll give me anything?"
"Y-yes...what do you want?"
Mas lalong lumawak ang ngisi niya dahil iisa lang naman ang gusto niyang makuha mula sa Joyau.
"It isn't a what but a who. Your daughter. I want your daughter."
🌸🌸🌸🌸🌸
All Rights Reserved.
11leigh
BINABASA MO ANG
The Mafia Empress
ActionShe's beautiful... She's intelligent... She's rich... She's loyal... But she has multiple personality... She's a bookworm, reading and buying books are her addiction and holding one makes her ecstatic, walang makakaistorbo sa kanya kapag nagbabasa s...