Chapter 1Hindi mapigilan ni Kylie ang mapangiti nang lumabas siya ng international airport kahit na hindi maganda ang mood niya, sino ba ang hindi makakaramdam ng kahit katiting na saya kung makabalik ka sa bansang iyong sinilangan pagkatapos ng 10 taon. Bata pa lang siya noong nag-migrate ang pamilya niya papunta ng Los Angeles at ni minsan ay hindi sila umuwi kahit bakasyon man lamang, busy kasi lagi ang parents niya with the business and all.
Biglaan ang pag-uwi niya ng Pilipinas, dapat kasi sa susunod pang linggo ang plano niyang pagbabalikbayan dahil tatlong linggo pa bago ang pagbubukas ng klase kaya lang kasi yung mokong na lalaking mahal niya ay may hindi ipinaalam sa kanyang napakahalagang bagay na maaaring makasira sa relasyon nilang dalawa kaya kailangan niyang umuwi nang maaga kung hindi ay baka mawala ito sa kanya at para na rin bigwasan ng marami ang lalaking iyon. Kaya humanda ito ng todo dahil hindi lang suntok niya ang uulan rito kundi pati bala kapag hindi niya nagustuhan ang mga alibi na hahabihin nito.
Ayon sa isang very reliable source, may gaganaping parang isang contest to select the woman he would marry, kind of absurd, isn't it? Saan ka naman nakakita ng ganoon, tinalo pa ang isang tunay na prinsipe na talagang may contest pa para lang sa mapapangasawa niya, kung sino man ang nakaisip noon ay medyo exaggerate and out of this world mag-isip. Kapag talaga nalaman niya kung sino ang may pakana o nag-isip ng walang kakuwenta-kuwentang contest na iyon, ibibitin niya ito ng patiwarik sa labas ng bintana ng opisina ni Nathan na nasa highest floor ng Renaldi Towers.
According din sa very reliable source niya, napakarami daw gustong sumali sa absurd contest na ito from different rich clans. Ang lupit 'no? Well, hindi naman nakakapagtaka iyon kung si Nathaniel Renaldi ang pinag-uusapan, sa napakabatang edad ay hindi lang ito multi-billionaire mas higit pa kaya sobrang maimpluwensya ito sa kahit saang parte ng mundo bukod pa doon ay napakagaling nitong businessman at napakaguwapo pa. Any parents would do anything para ang anak nila ang maging asawa nang isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa buong mundo, though the qualifications are rather complicated, as in very complicated.
Sumakay siya nang isang taxi para magpahatid sa Renaldi Estate kung saan nakatira ang kanyang pinakamamahal na fiancé. Buti na lang at alam noong taxi driver kung saan iyon dahil medyo mahina talaga siya sa direksyon at isa pa, ang tagal rin niyang nawala at bata pa siya noon kaya lalong wala siyang idea sa direksyon papunta doon. Wala kasing nakakaalam na napaaga ang pag-uwi niya, maging ang reliable source niya ay hindi niya pinagsabihan kaya walang sumundo sa kanya sa airport.
"Ma'am, nandito na po tayo." Wika sa kanya ng driver bago ito bumaba para i-unload yung mga bagahe niya sa likuran ng taxi.
Tumingin muna siya sa labas ng taxi bago bumaba, hindi niya napigilan na muling mapangiti pagkakita pa lang sa malaking gate na may simbolo ng pamilya ng Renaldi na isang R na nasa loob ng bilog at sa itaas ng bilog ay may king's crown, meron pang ibang detalye pero mahirap i-describe.
"Ma'am, naibaba ko na po lahat ng bagahe ninyo." Tawag pansin sa kanya ng driver.
Nginitian niya ito saka inabot ang bayad niya. "Keep the change po, Manong."
"Naku, maraming salamat po, Ma'am."
Nang makaalis na ang taxi ay natuon ang tingin niya sa limang babae na nasa may harap ng malaking gate na tulad niya ay may mga bagaheng dala, hindi niya napansin ang mga ito dahil nakatingin siya doon sa itaas ng gate. Sino kaya ang mga ito? Kasali kaya sila doon sa absurd na contest na iyon? Pero mukha rin namang hindi, ang alam niya ay sa isang buwan pa yata magsisimula ang contest na iyon, ano kaya ang ginagawa nila rito sa harap ng gate ng Renaldi Estates at may mga dalang bagahe.
BINABASA MO ANG
The Mafia Empress
ActionShe's beautiful... She's intelligent... She's rich... She's loyal... But she has multiple personality... She's a bookworm, reading and buying books are her addiction and holding one makes her ecstatic, walang makakaistorbo sa kanya kapag nagbabasa s...