Chapter 2Ilang beses niyang sinubukan na magdahilan para hindi siya makapunta sa opisina ni Nathan pero walang epekto, kailangan daw talagang silang anim ang pumunta doon at huwag nang paghintayin pa ng matagal ang amo nila kung mahal pa niya ang kanyang buhay dahil mainit daw ang ulo nito sa mga oras na ito.
Pare-pareho silang anim na kinakabahan sa pagpunta roon kaya sobrang tahimik noong lima, iyon nga lang iba ang kaba niya kaysa sa mga ito kaya heto siya todo yuko at tago ng kanyang mukha sa kanyang buhok habang papasok sila sa opisina ni Nathan, yung mala-Sadako lang ang peg baka sakali na makalusot siya. Kung pwede nga lang na maging invisible na lang siya kaya lang ay wala siyang ganoong talent.
"Good afternoon po, Master Nathan." Bati nilang lima sa mokong na ito habang siya ay kagat lang ang ibabang labi, kapag kasi nagsalita siya ay baka makilala siya nito.
"May gusto lang akong itanong." Simula ni mokong. "Magkababata kayo hindi ba? Sa iisang lugar lang kayo lumaki?"
"Ah, opo. Magkakaibigan rin po kasi ang mga nanay namin."
"Ganoon ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang pares ng sapatos sa kanyang harapan. "Pinaimbestigahan ko kasi kayong anim pero wala silang nakuhang impormasyon tungkol sa isa sa inyo."
Ramdam niya na napatingin yung lima sa kanya, siya lang naman ang bagong kakilala ng mga ito at wala silang alam tungkol sa kanya. Naku naman, kung bakit naman kasi ang hilig ng mokong na ito na paimbestigahan ang mga nagiging tauhan nito.
"Walang may pangalan na Kaye ang tumira at nakatira sa lugar kung saan kayo lumaki." Sinabi nito sa napakaseryoso at napakalamig na tono. "Kaya sino at saan nanggaling ang kakambal ni Sadako na nasa harapan ko."
Ang sarap talagang sapakin ng lalaking ito. Ang dami pang paligoy-ligoy at hindi na lang tumbukin kung anong pinupunto nito. Nakakapikon talaga! Isa pa, napakahaba kaya ang buhok ni Sadako kaysa sa light brown niya buhok na nakalayer.
"Master, hindi naman po namin kababata si Kaye. Nakita lang po namin siya sa labas ng gate ninyo, ipinadala rin po siya noong agency na pinag-applyan namin."
"No. She was not sent by the agency, I already called the agency and they said that they only sent 5 which are friends, and they don't know any Kaye." Malamig na sagot nito na ikinagulat ng halos lahat ng naroroon at nabaling ang mga tingin ng mga ito sa kanya, ramdam niya ang talim ng tingin ng mga ito sa kanya. "It means this Sadako-look-a-like isn't really what she says she is and I think her name is not even Kaye, am I right?"
"Kaya ba hinatak mo kami sa music room kanina noong marinig natin si Master Nathan, kasi baka mahalata ka niya na nagpapanggap ka lang?" Tanong sa kanya ni Aiza.
"So, your inside the music room when I passed there and you heard I was talking to Katie. Tsk. Hindi man lang na guilty." Pabulong yung huling sentence na sinabi nito pero narinig niya iyon. "Damn!"
Naman! Pakonsensya talaga ito pero hindi siya aamin agad-agad, as in magmamatigas siya! Hindi uubra ang pangongonsenya nito, kung ito nga wala noon kaya magdusa ito sa inis at sana mas lalo pang uminit ang ulo nito hanggang sa sumabog na.
"Big boss, baka espiya iyan mula sa mga kalaban natin." Ani ng boses ng isang lalaki na hindi niya kilala. "Baka kung anong impormasyon ang nakuha niyan dito."
"Pack her things immediately." Mariing utos ni mokong. "Kumpiskahin ninyo nga pala yung mga libro niya at kung may mga chocolates kayong makikita, lalo na yung pink na teddy bear."
Aba! Siraulo talaga ang mokong na ito pati ba naman ang mga treasures niya ay kukumpiskahin pa nito pero hindi pa rin iyon uubra sa kanya. Manigas ito! Masyado siyang naiinis rito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Empress
ActionShe's beautiful... She's intelligent... She's rich... She's loyal... But she has multiple personality... She's a bookworm, reading and buying books are her addiction and holding one makes her ecstatic, walang makakaistorbo sa kanya kapag nagbabasa s...