M.E 3

31 1 0
                                    



Chapter 3

Mga ilang minuto na ring gising ang diwa ni Kylie pero ayaw pa rin niyang iminumulat ang kanyang mga mata, medyo inaantok pa kasi siya pero alam niya na kailangan na niyang gumising dahil sobra-sobra na ang tulog niya.

Mula kasi ng magkulong sila ni Nathan sa kuwarto nito ay hindi na sila lumabas, mukhang pagod na pagod nga talaga ito at maging siya ay ganoon din, bukod sa pagod ay kaunti lang naitutulog niya sa gabi nasa 3-4 hours lang. Sa laki ba naman kasi nitong bahay ni Nathan ay halos sila anim nina Mika lang ang naglilinis mula ng dumating sila dito tapos madalas ay ipinapasa sa kanila ng mga kasama nila ang mga trabaho ng mga ito dahil mga bago sila kaya pinagkakaisahan sila, lalo na yung Jinky at Tina na iyon kaya madalas ay masakit ang mga katawan nila.

Kahit nga sobrang haba na ng pahinga niya ay ayaw pa rin talaga niyang bumangon, napakakomportable naman kasi ng hinihigaan niya at ang bango-bango pa ng unan na yakap-yakap niya kaya hindi niya mapigilan na amuy-amuyin ito.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, imbis na unan ay ang nasilayan ng kanyang mga mata ay ang gwapong mukha ng lalaking mahal niya na natutulog sa kanyang tabi, hindi pala unan ang yakap-yakap niya kaya pala sobrang bango, nakakaadik.

Napangisi siya ng dumantay sa baywang niya ang isang braso nito at hinapit siya palapit sa katawan nito saka niyakap siya ng sobrang higpit. Matagal-tagal na rin kasi mula nang makatabi niya ito sa pagtulog, kung tutuusin ay noong huling bisita nito pa iyon, siguro ay ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas pero syempre na-miss niya ito. Tuwing bumibisita kasi ito sa kanila sa LA ay magkatabi talaga silang natutulog, hindi tumututol ang mga magulang niya roon dahil bata pa lang siya ay talagang ginagapang pa niya ito sa mismong kuwarto nito para lang makatabi niya ito, kahit nakalock ang pinto nito ay nakakapasok siya, wala namang nakakapansin sa kanya dahil magkatabi lang naman ang kuwarto nila kaya para hindi na daw siya mahirapan pa sa paglabas-masok sa kuwarto nito at ito sa kuwarto niya ay pinalagyan nito ng connecting door na sila lang dalawa ang nakakaalam ng passcode. Ito mismong kinaroroonan nilang kuwarto ngayon ang kuwarto niya dito sa Renaldi estate noong bata pa siya.

Pero kahit naman lagi silang magkatabing matulog ay nirerespeto siya nito, for now, he was just contented in kissing and cuddling. She touched the tip of his nose with her fingers then she kissed him there before she get up, naka-sando at boxer short na lang si Nathan at hindi yung suot nitong business attire noong tabihan siya nito na siyang nakatulugan niya kahapon.

"Lyn, it is still early." He mumbled while his eyes are still close and pulling her to lay down again but she resist.

Hinaplos niya ang mukha nito. "I already slept very long." Tumingin siya sa wallclock na nasa kuwarto nito, it is only 3 in the morning. "You don't have to get up, it's only 3 am. Mas kailangan mo ng tulog, I can take care of my self."

"Fine." Then he remove his arm which is wrapped around her waist. Kahit tulog at may muta pa ay napakaguwapo pa rin nito at parang pagkabait-bait na hindi nito kayang gumawa ng masama, when he's so deadly and dangerous.

Lumipat siya papunta sa kanyang kuwarto to get some clothes but she plans to take a brief shower in Nathan's room. Balak niyang magte-train muna bago tumulong sa household chores, kumain ng breakfast at maligo ng mga isa't kalahating oras since ilang araw na rin siyang hindi nakakapag-training dahil sa pagpapanggap niya, she wore a black tights and a tank top with the same color then arrange her brown-hair into a bun. She suddenly smiled when she remembered that Nathan unpacked her luggage and put everything into place. Imposible naman kasing isa sa mga tauhan nito o kahit ang mga maids ang gagawa noon dahil alam niya na ayaw nito na pinapahawakan ang mga gamit niya sa kahit sino at ito pa talaga ang mas maarte sa kanilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon