-Denise' POV-
Sa wakas! Natapos na rin ang general rehearsal dahil bukas na ang graduation. Babalik na lang kami sa room para kunin mga toga namin. Teka, text ko nga muna si Sungit. Baka hindi ako hintayin eh.
To: Sungit <3
Sungit, wait lang ha? Kukunin ko lang yung toga ko sa room. Kung mauuna ka sakin, hintayin mo na lang ako sa gate.
Loading.... MESSAGE SENT!
Naku naman! Ang tagal dumating nung toga ng section namin. Baka iwanan na ko nun eh. Kainis naman! >__<
***1 message received***
From: Sungit <3
Sige lang. Papunta pa lang naman ako sa gate eh. Kakakuha ko lang ng toga ko. Hihintayin kita. Text mo ko kapag nakuha mo na yung sayo.
Buti na lang papunta pa lang siya ng gate. Akala ko kasi kanina pa siya naghihintay dun eh.
After 123456789 minutes, nakuha ko na din yung sakin. Kinuha ko na kagad and bag ko at nagpaalam na kay Marj. Binilisan ko na lang maglakad.
"Oh. Di ba sabi ko text mo ko kapag nakuha mo na?"
"Nagmamadali na kasi akong makapunta dito. Sorry ha? Tagal dumating nung amin eh."
"Okay lang. So, tara na?"
"Sige. Hinahanap na ko sa bahay eh."
Pagkadating ko sa bahay, nag-kiss ako sa papa ko at dumiretcho na ng kwarto ko para magbihis at magpahinga.
Hays. Bukas na ang graduation. Ang bilis talaga ng panahon. Sabi nga, time flies when you're in love. Sa kakaisip, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
---------
*tok, tok, tok*
"Den, gising na. Bumaba ka na para magtanghalian."
"Opo papa. Susunod na po ako." Sabi ng nag-uunat pa. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at pagkatapos dumiretcho na sa baba para kumain. Gutom na ko eh. Hindi ako nakapaghapunan kagabi."

BINABASA MO ANG
Mr. Paasa (Short Story)
Teen FictionIsang babae na pumunta ng ibang bansa at pinangakuan na hihintayin pero nang makita niya ang picture sa facebook, may girlfriend na pa lang iba. Paano niya haharapin ang pangyayaring ito? Magiging dahilan ba ito upang hindi na siya muling magmahal...