Chapter 1

245 2 0
                                    

-John Denise De Jesus' POV-

Ano ba yan! Kanina pa ako text ng text kay Jason pero wala man lang reply kahit isa. Malapit pa naman na magsimula practice ng graduation. Saan ba kasi nagpunta yun? Bigla na lang nawala eh.

Oo nga pala, ako si John Denise De Jesus, 16 years old. At yung boyfriend kong nagmamala-Dora na lalaki ay si Jason Marquez. Graduating na kami pareho sa high school. Hindi kami classmates. Teka, tama na muna ang mala-biodata na pagpapakilala. Text ko muna siya.

To: Sungit <3

Sungit! Nasan ka na? Malapit na magsimula ang practice. Bumalik ka na dito sa school!

SENDING MESSAGE... MESSAGE SENT!

Sana naman magreply na siya kahit isa lang. Pasaway eh. :3

"Uy be! Ano yang itsura mo? Badtrip?"

Si Marj Gregorio, bestfriend ko since grade 6. Tibay namin noh? HAHAHAHA. Love namin isa't-isa eh. ^_^

"Oo eh. Hindi kasi nagpaalam sakin kung saan siya pupunta tapos hindi pa nagrereply kahit isa."

"Yaan mo na be. Babalik din yun."

"Okay, sige. Bahala siya sa buhay niya."

"Tara be. Punta tayo ng canteen. Bili tayo ng candy."

"Sige. Nagugutom din ako eh. Hindi pa naman pala magsisimula ang practice."

Habang naglalakad kami, biglang nag-vibrate cellphone ko sa bulsa ng palda ko.

From: Sungit <3

Malapit na kami dyan. Pumunta lang kami sa bahay ng isa naming classmate kasi wala namang ginagawa kanina.

Bahala siya. Hindi ko siya rereplayan. Manigas his nose! >__<

"Uy be. Anong bibilhin mo?"

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa canteen. Badtrip kasi eh.

"Ah, eh, piattos na lang sakin tsaka tubig." Ayos ba ng pagkain ko? Ganyan talaga ako minsan eh. HAHA!

Pagkadating namin sa classroom, napansin ko na nandyan na siya. Bahala siya dyang maghintay. Kainis eh! At dahil sa inis ko, mabilis kong natapos ang kinakain ko. Ganun talaga eh. Idaan na lang sa kain ang kabadtripan.

"Neng, magsisimula na daw ang practice. Nagtatawag na si Sir Torres."

"Sige. Tara, labas na us. Mamaya matawag pa section natin sa mic eh."

Finally! Section narin namin ang natawag. Mauuna muna kasi ang last section. Since nasa special section ako, kami ang pinakahuling tatawagin at maglalakad sa quadrangle.

Nung malapit na ako sa pila ng section nila, nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya. "Wag mong pansinin Denise. Bahala siya dyan." Sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng practice, kinuha ko na ang bag ko sa room tapos sabay na kami naglakad ni Marj para umuwi..

"Uy Den. Ayun pala si Sungit mo oh! Hinihintay ka sa  gate."

Oo nga. Nandun siya sa gate at hinihintay ako. Akala ko umuwi na eh. Magagalit talaga ako nun.

Mr. Paasa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon