Chapter 4

102 3 0
                                    

-Denise' POV-

Days had passed at ilang linggo na lang aalis na ako. Anyway, iku-kwento ko pa ba yung nangyari nung graduation at grad ball? Sige na nga. Mabait naman ako eh. ^_^v

*Flashback*

March 22, 2013, graduation, as usual pagkatapos picturan tapos sulatan sa uniform. May nagpa-picture din sakin. Hindi ko naman kilala. Oha! Ganda ng lola niyo. Chos! Syempre pagkatapos ng mala-photoshoot na picturan eh pumunta kagad ako sa family ko. Halos maluha-luha si Papa na makita akong nakasuot ng toga at graduate na sa high school. :') Nagpaalam muna ako sa kanila para puntahan si Marj at Jason. Nang makita ko na si Marj, hinanap namin si Jason para sabay-sabay kaming magpa-picture sa stage kasama ang crush niya. After that, I hugged and say goodbye na kay Jason. Nung una ayaw pa akong paalisin pero napilit ko rin naman kasi hinahanap na ako.

Nung graduation ball naman, super saya kahit nadapa ako. >:D Nakarating na kami ni Marj galing sa salon. Hinahanap ko si Jason. Maya-maya pa, tinatawag na ang bawat section para maupo na sa mga designated seats nila. Hindi ko pa rin siya makita. :3

"The dance floor is now open. Everybody, let's dance!"

Ayan, open na ang dance floor kaya naman sinuot ko na ang sandals ko na medyo mataas ang heels para makasayaw na. Pero, may nag-lean para ayain akong sumayaw. Tinignan ko kung sino at booom! Si Jason pala. Akala ko hindi siya pupunta eh. So ayun, siya ang first and last dance ko. Time goes by at tapos na ang ball. Pupunta pa sana kami ng bar kaso lang tinawagan na ako ni Papa kaya nagpaalam na ko sa kanya at nag-taxi na pauwi.

*End of flashback*

So, ayun ang nangyari. Dahil hindi alam ng papa ko na may boyfriend ako, wala akong magawa para makipagkita kay Jason kahit miss na miss ko na siya. Tanging text at call lang kapag wala si Papa ang communication namin.

Mai-text nga muna siya. Gusto ko ng magpahinga eh.

To: Sungit <3

Tulog na ko sungit. Hindi ko na talaga kaya eh. Goodnight. I love you! :*

MESSAGE SENT!

-------------

***1 message received***

Hmm.. hmm.. Ano ba yan! Sino ba 'tong nagtext na 'to?! Inaantok pa ako eh. Pagtingin ko sa clock sa side table, 10:00AM na pala. Kinapa-kapa ko kung nasan yung cellphone ko.... at ayun! Nakapa ko na. Matignan nga kung sino 'tong istorbo na 'to.

From: Sungit <3

Good morning sungit. Bangon na. I love you! :*

Oh. Si Jason pala. Kala ko kung sino na. Teka nga, bakit parang hindi ata naka-lock etong phone ko? Ang alam ko ni-lock ko 'to eh. May nagbukas kaya? Sino naman? Tsaka bakit yung mga text ni Jason kagabi nung pagkatapos ko siyang i-text eh bukas na? Oh, well. Baka dahil lang sa sobrang antok ko kagabi, nakalimutan ko na binasa ko at ni-lock ko.

Makabangon na nga at makapaghilamos. Gutom na ako eh. Gusto ko ng kumain. HAHAHA!

I went down to take my breakfast.

"Kumain ka na dyan. Mag-uusap tayo pagkatapos."

Uh-oh. Hindi kaya.... OMG!! Si Papa yung nag-unlock ng phone ko at nakabasa ng mga text ni Jason kagabi?! Patay! Lagot na!

Dahil sa takot, kaba at nerbiyos ko, natapos ko kagad pagkain ko kahit gutom pa ko.

"Halika dito sa sala. Dito tayo mag-usap."

As soon as he say that, naupo kagad ako. Ano kayang pag-uusapan namin? Kabado much! T^T

"Wala ka bang aaminin sakin? Aminin mo na hangga't maaga pa. Hindi yung magsisinungaling ka pa tapos aaminin mo din." Eto na nga ba sinasabi ko eh. Si Papa nga yung nag-unlock at nakabasa ng mga text ni Jason.

"Papa, may boyfriend po ako. Jason ang pangalan."

"Sabi ko na nga ba eh. Siya yung sungit sa phone mo?"

"O-opo. Siya po."

"Makipag-break ka dyan Den. Kilala mo ko. Alam mo ang gagawin ko kapag hindi mo sinunod yung sinabi ko." Sabay tayo niya at umalis. Nako naman! Pano 'to?! Ang shunga mo kasi Den eh. Dapat dine-delete mo kagad mga text niyo. T^T

Mr. Paasa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon