Chapter 2

162 4 0
                                    

-Denise' POV-

Ayun nga, sabay kaming naglakad papunta ng terminal ng mga jeep at nagkabati na kami. Hindi ko din matiis eh. Syempre mahal ko! ^_^ At wag niyo na itanong kung paano kami nagkabati dahil mahabang istorya. Makulit eh.

KINABUKASAN..

"Graduation na bukas noh? Magkakahiwalay na tayo."

Papasok na kami ni Jason. Sabay kami laging pumapasok pero magkalayo kami ng bahay. Naghihintayan lang kami sa terminal ng mga jeep.

"Oo nga eh. Hindi na kita makikita. Tapos malapit ka ng umalis."

Ayan na naman kami sa usapan tungkol sa pag-alis ko papuntang U.S. Anyway, hindi ko pa pala nasasabi. By August, aalis kami papuntang U.S para doon na mag-migrate. Kaya ayan na naman siya sa pangungulit.

"Malayo pa naman eh. Enjoyin na lang natin ang mga araw nang magkasama habang nandito pa ako."

"Hays. Sige, sabi mo eh. Wag ka mag-alala, hihintayin naman kita eh."

"Talaga? Kaya mo kahit matagal bago ako makabalik?"

"Oo naman! Mahal na mahal kita eh."

"Ayieeee! I love you too!" Sabay kurot sa pisngi niya. xD

Sa kadramahan at kiligan moment namin, hindi namin namalayan na nasa gate na pala kami ng school at kailangan buksan namin ang mga bag namin para inspeksyunin.

"Kita na lang tayo mamaya sungit. Punta muna ako ng canteen kasi hindi pa ako kumakain ng tanghalian."

"Sige. Text mo na lang ako. Bye!"

Papunta na ako ng room at siya naman sa canteen. Naglalakad na ako sa tapat ng room namin nang makita ko si Marj na nakaupo, nagtetext.

"Aga mo bebe ah." Sabi ko as I enter our classroom. Pagkalapag ko ng bag ko, lumapi ako sa kanya at nakipagbeso-beso.

"Ganun talaga neng! Bagong buhay na 'to kasi malapit na tayong grumaduate."

"Bagong buhay kung kailan patapos na tayo ng high school? Yan tayo eh." Sabay kaming napatawa. Lagi kasi siyang late kapag pumapasok. At dahil konti pa lang kami sa room, chika-chika muna ang peg naming dalawa.

-Jason Marquez' POV-

Ano ba yan! Graduation na namin bukas tapos hindi ko na makakasama si Den. Tapos aalis pa siya. Hays. Matapos na nga itong kinakain ko at nang makapunta na sa room.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako ng room. Nakita ko kagad si Paul, bestfriend ko.

"Bakit ganyan mukha mo Jason? Dahil na naman ba yan ka Den?" Oo, alam na alam na ni Paul ang dahilan kapag ganito itsura ko.. Lagi ko kasing sinasabi sa kanya.

"Oo eh. Hindi ko kasi talaga kayang hindi siya makasama ni makita."

"Alam ko, Jason. Ilang beses mo na bang sinasabi sakin yan? Sa ngayon, gawin mo na lang yung sinabi niya. Enjoyin niyo muna habang nandito pa siya."

"Oo, tama ka. Tara nga, laro muna tayo ng sipa. Wala pa namang practice eh."

Mr. Paasa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon