Last Chapter

169 3 2
                                    

-Denise' POV-

"Pano yan sungit? Anong gagawin natin?"

"Ewan. Di ko din alam. Sorry talaga."

"Okay lang. Wala namang may gusto ng nangyari eh."

"Ganito na lang. Iibahin ko name mo sa phone ko tapos bawasan na lang natin yung sweet words. Okay lang? Hindi ko kayang mawala ka eh."

"Hindi, okay lang. Ano ilalagay mong name ko.?"

"Bespren. Para kunyari ikaw si Marj."

"Sige.sige"

"Wait lang ha? Text ulit kita mamaya. Baka mahuli kasi ako ni Papa na text ng text eh."

"Sige. I love you! :))"

"I love you too. :*"

And... inbox folder is empty. Mabuti ng mag-ingat. Mamaya mahuli pa.

---------------

Naging maayos naman lahat. Hindi naman kami nahuli ulit ni Papa. Kaya lang, parang naging cold sakin si Jason. Kapag tinatanong ko naman siya, sasabihin niya busy lang daw talaga siya. Pero parang nagbago talaga siya eh. Dati maya't-maya siyang nagtetext. Ngayon mabibilang mo na lang mga text niya. Hays. Ewan! Maloloka na ko kakaisip.

The days went so fast at bukas aalis na ko. Maraming nangyari, maraming nagbago. Katulad na lang ni Marj. Since college na kami, naiintindihan ko na iba na ang circle of friends niya. Pero sana kahit minsan lang maalala niya na nag-eexist pa ako. Magtetext lang siya kapag may kailangan. Si Jason naman? Ayun, he didn't left me even a single word to explain what had happened to him, to us. Ang ganda ng pabaon nilang memories sakin noh? Nakakatouch. *sarcasm*

Nakapagpaalam na rin ako sa mga kaibigan, classmates at churchmate ko through facebook kasi wala na akong time makapagpaload. Tapos na rin ako mag-impake ng mga gamit ko. Anyway, pinapatulog na ako ni Papa dahil magsisimba muna kami bago umalis. Goodnight people!

----------------

Here at church. Late na kami nakarating kaya baka hindi na namin matapos ang service.

Habang nakikinig ng Word of God, kinalabit na ako ni Papa at tita para makauwi na at kunin na ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako sa church leaders at sa mga youth. Ayaw nila akong paalisin pero no choice eh. Ang bestfriend sa church na si Alyssa, niyakap ako at nagsimula ng umiyak. Hanggang sa lahat na sila nag-iyakan. Sa totoo lang, ayoko pa talagang umalis kasi dahil sa church na ito, nagbago ang buhay namin. Pero, God has a purpose on everything. I said my last goodbyes to them at umuwi na.

Pagdating namin sa bahay, nagpahinga muna ako saglit. Kinuha ko ang phone ko para i-check kung may nagtext o tumawag man lang. Pagkatingin ko, andaming text galing kay Marj at sa mga youth sa church. May missed calls din galing lahat kay Marj. Inaasahan kong may text si Jason pero wala talaga.

Maya-maya, tinawag na ako ni Papa para kunin na ang mga maleta koo at aalis na kami. Dali-dali kong kinuha at sumakay na sa kotse.

Habang papunta kami ng airport, I keep on checking my phone baka kasi sakaling magtext si Jason. Pero wala pa rin talaga. Hanggang sa kakahintay ko, nakatulog na pala ako.

--------------

"Anak, gising na. Nandito na tayo."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nandito na pala kami sa airport. Bumaba na ako at kinuha ang mga maleta ko at nagpaalam na sa tito ko na nag-drive samin. Pumasok na kami ni Papa sa airport at nag-check in.

Nang matapos na kaming mag-check in, umupo na kami at naghintay na tawagin ang flight number namin. Then, tears started falling down my face. Buti na lang nakatulog si Papa.

"Bakit Jason? Bakit?!  Anong nangyari sayo? Sa atin? Hindi mo man lang sinabi kung bakit. Hindi ka man lang nagrereply sa mga text ko sayo. Kahit salitang 'goodbye' lang, okay na. Pero wala talaga. Sana maging masaya ka. Mahirap ang kalimutan ka pero kailangan kong gawin. Ayoko nang umasa na meron pang tayo, na babalik sa dati ang lahat. Jason, I love you and goodbye."

------------

After two months ..

Naging maayos naman ang pag-aadjust ko dito sa culture, sa language, sa climate at lalo na sa pagtulog. Nung pagdating ko dito, nag-open kagad ako sa facebook. Pagka-open ko, may message sakin.. si Jason. Ang sabi niya, "Mag-iingat ka dyan sungit. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita." Hindi ko na siya nireplayan. Sa ginagawa niya, sa sinasabi niya, lalo akong nasasaktan.

--------------

Hays. Ang boring naman dito. Hindi ako makagala dahil hindi ko alam mag-commute. Makapag-open na nga lang ng facebook.

Pagka-click ko ng home..... booooom! Bumungad sakin ang picture ng isang babae at naka-akbay sa kanya.... si Jason. Parang dinurog ang puso ko ng makita yun at parang gripo ang mga mata ko dahil sa tuloy-tuloy na agos ng luha ko.

Bakit Jason? Akala ko ba sabi mo sa huling message mo na hihintayin mo ako? Na mahal na mahal mo ako? Siya ba ang dahilan kung bakit naging cold ka na sakin dati at wala ka man lang iniwan na paliwanag/. Ang sakit. Ang sakit-sakit! <///////3 T^T

I logged out on my facebook and shutdown the laptop. I lay down my bed and cry hard. Kaya pala... kaya pala. T_______T

----------------

May tao talaga na sa una, sweet sayo pero sa huli, sweet din sa iba.

Sasabihin sayo na mahal ka pero hindi kayang patunayan.

Ipapakitang mahalaga ka pero iiwanan ka din.

Masakit ang umasa pero mas masakit ang sabihin mong mahal mo ako na hindi naman pala totoo.

Makakalimutan din kita, Mr. Paasa. <///3

A/N: Sana po magustuhan niyo. Ito ang first short story ko. VOTES ANDCOMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. :)) Follow niyo na rin ako. Thank you! :">

Mr. Paasa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon