Hi! This is my first story. Hope you like it. :)
Chapter 1
Natalie's POV
Hi. Ako nga pala si Natalie Reyes. Maganda, Matalino, Mayaman, etc. Pero simple lang ang buhay ko. Mabait ako sa mabait saken. Medyo mataray ako. Medyo lang naman. Hahaha. 3rd High school na pala ako sa darating na pasukan. Speaking of PASUKAN. Hay. Bukas na pala pasukan. Sa Bright Shepherd University ako nag-aaral.
---
Hay. Gabi na nga. Time to sleep. Nag-alarm na din ako. Maaga pa bukas eh. Good night! Zzz..
Kinabukasan..
*riiing! riiing!*
Oh. That's my alarm clock. 5:30 am na pala. Maaga talaga ako gumising para di malate. Haha. Nagtoothbrush, naligo, nagbihis at nag-ayos na rin ako. Baba na ako.
"Hi Ate! Good morning!" bati ni Nathan pagkababa ko.
Oo nga pala, may kapatid ako. Si Nathan Reyes. Grade 5 naman siya.
"Good morning din. Mukhang excited kang pumasok ah?"
"Oo naman. Syempre. Makikita ko na ulet crush ko eh. Hehehe."
"Aba! Kaya pala. Inlove na lil'bro ko. Hahaha! Sino siya? Pakilala mo naman ako oh."
"Sge Ate. Sigurado ako, magugustuhan mo siya." sabay ngiti.
Mukhang gusto nya talaga yun ah. Sino kaya yun? Makikita ko rin siya. Soon! Hahaha.
"Oh. Mamaya na kayo mag-usap tungkol sa mga crush niyo. Kumain muna kayo. Baka dumating na rin school bus niyo." sabi ni Mom.
Ang Dad ko naman. Nasa Canada. Syempre, business. Every year pumunta siya dito. Or minsan kami pumupunta dun.
"Opo Mom. Salamat po."
Tapos na rin kami kumain ng kapatid ko. Nandyan na rin ang school bus. Nagpaalam na kami ni Nathan kay Mom.
Pagpasok ko. Andun na ang barkada. Woah. Kumpleto na kami. Sila nga pala sila Claudia Santiago, Ericka Alfonso, Ethan Fernandez, Miguel Cruz at Gabriel Narciso. Umupo na ako. Katabi ko nga pala ngayon sila Claudia at Ericka. 3 seats naman yun. Nasa likod naman namin sila Ethan, Miguel at Gabriel
"Good morning Natalie!" bati nila Claudia at Ericka.
"Good morning din!"
"Oh. Natalie. Kamusta?" sabi naman ni Miguel sakin.
"Eto. Okay naman. Ikaw? Kayo?"
"Okay din naman kami. Nakakamiss mga libot natin. Hahaha." sabi naman ni Gabriel.
"Oo nga eh."
Si Ethan na lang di kumakausap sakin. Oo, barkada ko siya. Pero siya ang hindi ko masyadong kaclose. Crush ko siya since 1st year kami. Crush lang ba? Hm. Di naman niya ako napapansin eh. Hay :(
Gusto niyo ba malaman kung bakit kami naging magbabarkada? Eto..
FLASHBACK...
Natalie's POV
1st day ko dito sa Bright Shepherd University. Transferee ako dito. Pero kasama ko mga kaibigan ko. Si Claudia at Ericka. Sabi kase namin sa isa't isa. Hanggang college dapat classmate or schoolmate kaming tatlo. Since nursery kase kami magkakaibigan na kami. Tatag namin no? At eto nga High school na kami. Nasa canteen nga pala kami ngayon. Medyo maaga pa kasi eh. Naka-upo lang kami dun. Habang nag-uusap. Mamayang konte na lang namin hahanapin kung anong section kami.