Chapter 2 :)

17 1 0
                                    

Chapter 2

Kinabukasan...

Hay. Narinig ko na alarm clock ko. 5:30 na agad? Parang ang bilis? -_- Makaligo na nga.

*after ilan minutes*

Tapos na rin ako maligo, etc. Bababa na ako para makakain.

At Dining Room

"Good morning Mom and Nathan!" bati ko sakanila na nandun na. Si Mom, naghahanda na ng pagkain si Nathan naman naka-upo na.

"Good morning din Natalie. Upo ka na din." sabi ni Mom.

"Tulungan ko na po kayo Mom."

"Wag na Natalie."

"Sige po." umupo na rin ako.

"Hi Ate! Good morning." bati ni Nathan na katabe ko ngayon.

"Hello. Nga pala, kelan ko makilala yung crush mo?"

"Soon Ate!"

"Haay. Basta, papakilala mo saken ah?"

"Oo naman Ate."

"Oh, ako? Kelan ko makilala yung crush mo? Bakit kay Ate mo lang ata siya ipapakilala." may halong tampong sabi ni Mom.

"Mom talaga. Agad nagtatampo. Papakilala ko siya sa inyo ni Ate at ni Dad. Pagnililigawan ko na siya. Maaga pa masyado kung ngayon. Bata pa kami eh. Chaka Study First muna." sagot naman ni Nathan.

"Good boy!" sabi ni Mom. "Kain na tayo at baka dumating na school bus niyo." dagdag ni Mom.

Kumakain na kami ng biglang may naalala ako. Oo nga pala, may itatanong ako kay Mom.

"Nga pala Mom, kachat niyo po daw kagabe si Dad?" tanong ko.

"Oo Natalie." sagot niya.

"Ayaw niyo nga po daw paistorbo eh. Ano po pinag-usapan niyo?"

"Namimiss ko lang ang Dad niyo. Kaya sabe ko kay Nathan, kami muna ng Dad niyo mag-usap." sagot ni Mom.

"Ayieee!" sabay sabi namin ni Nathan. Tumawa lang si Mom.

Natapos na rin kaming kumain. Dumating na rin kase ang school bus namin.

"Bye Mom! See you later." sabay sabi namin ni Nathan habang papalabas ng bahay. Nagwave na lang si Mom.

At School bus

"Ate, puntahan ko na barkada ko ah?" tanong ni Nathan.

"Osige. Ako din, pupuntahan ko na barkada ko."

Pumunta na si Nathan sa pwesto ng barkada niya. At pati ako.

"Good morning!" bati ko sakanila.

"Oh, Natalie. Andyan ka na pala." sabi ni Miguel.

"Ay. Wala ako dito Miguel. Impostor ko lang to." umupo na ako sa tabi nila Claudia at Ericka. Nasa likod naman ang boys.

"Good morning Natalie!" sabay sabi ni Claudia at Ericka.

"Good morning din Girls!" bati ko sakanila.

"Good morning Natalie." sabi ni Ethan. Ni-ni Ethan!? O.o Di ko naman siya makita kase nasa likod siya.

"H-hi. Good morning din Ethan." sagot ko.

"Ayieee!" sabi ng barkada.

"Tsk! Magtigil nga kayo!" sabay sabi namin ni Ethan. Teka, sabay kami!? O.o

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon