Chapter 3
*after 1 week*
Still Natalie's POV
1 week na nga kaming 3rdyr. High school. Ang saya din naman. Wala pa rin nagbago, buo pa rin ang barkada at nagpapanggap pa rin kami ni Ethan pero di pa rin kami tinitigilan nina Bea at Andrew. Kairita talaga. tsk. Nasa classroom kami ngayon.
"Good morning class. Napagmeetingan namin na mag-eelect tayo ng student councils. Ang sabi ni Mrs. Almeron (principal) na every level ng highschool ay kukuha ng 6 candidiates. 2 partylist ang maglalabanan. So, let's start to nominate para sa section natin." tuloy tuloy na sabi ni Ms. Villanueva. "Unahin natin ang Chairman. Sino innominate niyo? Raise your hand." sabi ni Ms. Villanueva. Biglang nagtaas ng kamay si...
"Ms. Villanueva. I nominate Natalie Reyes for Chairman." biglang sabi ni Ethan. O.o Arg. Parang ayoko ata..
"Okay. Nice choice Ethan." sabi ni Ms. Villanueva. tsk. Di na ako makatanggi. -_- "Wala bang kakalaban kay Natalie?" dagdag ni Ms. Villanueva.
Bigla naman nagtaas ng kamay si...
"Ako po! I nominate myself Ms. Villanueva." sabi ni Bea -_- tsk. Talagang kinakalaban ako. Akin lang si Ethan! Tandaan mo yan! Waah! Erase erase! >.<
"Oh. Confidence ni Bea ah." sabi ni Ms. Villanueva. At sinulat na sa board name ni Bea. "Sino pa?" tanong ni Ms. Villanueva. Walang sumasagot samin. Biglang may sumigaw si...
"Okay na po yan Ms. Villanueva. Let's start to vote na po." sigaw ni Andrew. tsk.
"Sige. Raise your hand kung kanino niyo gusto. Unahin natin si Natalie." kinakabahan ako bigla. O.o "1, 2, 3.. 26" woah! Halos buong section binoto ako pati syempre ako, binoto ko sarili ko. Hahaha. Ang barkada lang ni Bea ang hindi ako binoto. "Nakikita naman natin na si Natalie ang nanalo. So, Natalie ikaw ang Chairman. Ikaw lalaban sa ibang party list." Omg. "Natalie, dito ka sa harap. At kung may nais kang sabihin. Go ahead.." tumayo na ako.
"Thank you classmates sa pagvote sakin. Gagawin ko lahat para manalo. Thank you ulet." sabay ngiti ko.
"Natalie. Stay here mo na." sabi ni Ms. Villanueva. "Okay, next ang Vice Chairman. Raise your hand kung sino gusto niyo inominate." dagdag pa ni Ms. Villanueva. Nagtaas ng kamay si Claudia.
"I nominate Ethan Fernandez." sabi ni Claudia. Mukhang nagulat naman si Ethan.
Sinulat na ni Ms. Villanueva pangalan ni Ethan sa board. "Sino pa inonominate niyo?" Biglang nagtaas ng kamay si Laureen.
"I nominate Andrew Suarez." nag-apir naman sila ni Bea. tsk.
"May kakalaban pa ba?" sinabi ni Ms. Villanueva. Pagkatapos niyang isulat pangalan ni Andrew sa board.
"Wala na po Ms. Villanueva. Magvote na po tayo." sigaw ng kaklase kong lalaki.
"Okay, let's start kay Ethan. Raise your hand if siya ang gusto niyo." sabi ni Ms. Villanueva. "1. 2. 3...26" aba! Parang ako lang ah. Hahaha. Syempre, vinote ko siya. :'> Pati din siya syempre vinote niya sarili niya. Hahaha. "Wow! Parang yung kay Natalie lang ah--" di na natuloy ni Ms. Villanueva ang sasabihin niya ng sumigaw ang mga kaklase ko except Bea chaka ang barkada niya. "AYIEEE!" sigaw nila. Namula ako bigla. tsk. Kakahiya. Nasa harapan pa naman ako. >///< "Namula si Natalie oh!" sigaw pa ng kaklase kong isa. Arg. Mas lalo akong namula. Yumuko na lang ako. Pati na din si Ethan, nakayuko. Tiningnan ko kase siya kanina eh.
"Parang yun lang. tsk." mahinang sabi ni Bea. Pero narinig ko yun. Mainggit ka! *bleeh* hahaha.
"Quiet na class." tumahik naman ang mga kaklase ko. "Ethan, come here dahil ikaw ang Vice Chairman, ikaw din ang lalaban sa ibang partylist." sabi ni Ms. Villanueva. "May nais ka bang sabihin?" tinanong ni Ms. Villanueva ng nakarating na sa harap si Ethan. Katabi ko siya ngayon.
"Salamat mga classmate." maikling sabi ni Ethan.
"Sa secretary naman tayo." sabi ni Ms. Villanueva. Nagtaas ng kamay si Miguel.
"Ms. Villanueva. I nominate Claudia Santiago." sabi ni Miguel. Di na nakatanggi si Claudia. Sinulat na kase ni Ms. Villanueva pangalan niya sa board. Hahaha.
"Sinong kakalaban kay Claudia?" tanong ni Ms. Villanueva.
"Siya na lang po!" sigaw ng kaklase naming babae.
"Osige. Claudia, come here. Ikaw ang secretary at lalaban sa ibang partylist." pumunta naman si Claudia sa harapan. Di na siya pinagsalita, para bumilis daw.
"Sa treasurer naman tayo." nagtaas ng kamay ang isa naming kaklaseng lalaki.
"I nominate Miguel Cruz." nagulat si Miguel. Hahaha.
Sinulat na ni Ms. Villanueva pangalan ni Miguel sa board.
"Wala bang kakalaban kay Miguel?" tanong ni Ms. Villanueva.
"Wala na po Ms. Villanueva." sigaw ni Gabriel.
"Miguel, come here." pumunta naman si Miguel sa harap kung nasan kami. "Sa monitoring officers naman tayo. Girl at Boy." nagtaas ng kamay ang isa naming kaklase.
"Ms. Villanueva. Sila Ericka Alfonso po at Gabriel Narciso." sabi ng isa kong kaklse.
"Oo nga po. Sila na lang po. Wala na rin pong kakalaban sakanila." sabi ni Miguel. Sabay apir nila ni Ethan.
"Okay then, sila na ang kakalaban sa ibang partylist." sabi ni Ms. Villanueva. "Erick & Gabriel, come here." pumunta naman sila sa harap. "Kumpleto na. Good luck sa inyo!" dagdag pa ni Ms. Villanueva.
"Teka po, wala po bang Auditor, PRO at Representatives?" tanong ni Audrey.
"Sa 1st year kukunin ang mga yan." sagot ni Ms. Villanueva. Teka, sa 1st year? O.o
"Sa 1st year po?" tanong ko.
"Oo. Sila ang kakampi niyo." sagot ni Ms. Villanueva.
"Ah, edi po 2nd year at 4th year ang magkakampi?" tanong ko ulet.
"Exactly." sagot ni Ms. Villanueva. "By the way, Natalie, Ethan, Claudia, Miguel, Ericka & Gabriel. Punta kayo after class sa office ni Mrs. Almeron, magmemeeting kayo." dagdag pa ni Ms. Villanueva.
"Opo Ms. Villanueva." sabay sabi namin ng barkada.
"Okay. Thank you. You may now take your sit." umupo na kami ng barkada.
Teka, ngayon ko lang napansin. Kami pala ng barkada ang mga nanominate. Woah! Talagang lagi kami magkakasama. Hahaha. Sana manalo kami! :)