Chapter 16 - Chosen

41.5K 1K 27
                                    

Chapter 16 - Chosen

~

TAHIMIK ANG lahat sa loob ng opisina ng Reyna habang tila hinihintay ang kanyang pagpasok sa silid na iyon. Tinapunan siya ng masamang tingin ng kanyang panganay na kapatid. Napatingin siya kay Sean na nakatingin lang din sa kanya. He sighed. Dito na yata matatapos ang lahat. Fuck!

"Why did you bring her here again Falcon?! Hindi mo ba alam na nag iingat na tayong lahat dahil buhay pa si Lizana at hindi naman lingid sa kaalaman mong kakampi niya na si Lizana Aviona." Umpisa ng Reyna. "Buti sana kung tayo tayo lang e! Kaso inisip mo ba ang mga batang narito sa headquarters bago mo dinala ang babaeng iyon dito?! Paano kung isang araw magising nalang tayo na wala na sina Aiszel, Rocky, C.A, at ang mga pamangkin mo dahil tinangay na niya?! Falcon nag iisip ka ba?!" Asik nito. "Hindi na tayo iyong torturers na tulad ng dati na walang pakialam sa mundo. Isipin mo kung ilang bata ang mapapahamak sa ginawa mo."

"Hindi niya iyon gagawin."

Sinamaan siya ng tingin ng Reyna. "At paano ka nakakasigurong hindi niya iyon gagawin?! Fuck! I am putting my trust in your palms pero mukhang nagkamali pala ako. Ikaw ang magdadala ng malaking kaguluhan sa grupong ito." She smiled bitterly. "I can't accept the fact that the person I once help to stand and continue living is now plotting my own death."

Hindi naman makasagot si Falcon. He can't find a words to say. Alam niyang delikado pero hindi naman talaga niya balak dalhin si Roxsan dito. Kung wala lang sanang check point nung gabing iyon, malamang nasa ibang lugar sila at wala sila dito.

"Paalisin mo siya dito Falcon."

Napatingin siya sa Reyna bago bumaling ng tingin sa kanyang mga kapatid na kanina pa tahimik, parang ang lahat ay takot na magsalita sa nag-aalburutong Reyna.

He sighed. "I'm coming with her."

"What the heck Falcon!!" Leon hissed. "Fuck Jaguar let me punch this son of a bitch!"

Tinitigan siya ng nakakatanda niyang kapatid bago ito bumuntong hininga. "What's happening to you Fal? Alam mong ikapapahamak mo ang paglapit mo sa kanya."

Bullshit! "I'm coming with her and that's final!"

Tumalikod na siya. Hindi siya naiintindihan ng mga tao sa silid na ito. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Roxsan kaya siya din ang dapat na maging dahilan para maayos ang babaeng sinira niya.

Kaya nga siya sasama kay Roxsan, alam niyang delikado at hindi niya hahayaang may madamay nanamang iba.

Hinawakan na niya ang pinto ng doorknob. Akmang pipihitin na niya iyon ng muling magsalita ang nakatatanda niyang kapatid.

"If you will leave this place you were no longer a torturer, Falcon!"

"What the heck man! Nabibigla ka lang." Dinig niya pang sabi ni Ross.

"Jaguar.." Queen called his name, hindi naman sumagot ang kapatid niya.

Siya naman ay bahagyang natigilan sa sinabi ng kapatid. Alam nilang lahat na mahal nila ang grupong ito, na kahit na anong mangyari hindi nila ipagpapalit ang organisasyon maliban nalang kung pamilya na ang pinag uusapan.

"Choose Falcon, it's either us or that FBI Agent."

"Jaguar don't push it! Hindi naman kailangang umabot pa sa ganito! Falcon will always be one of us!"

"Rule numbe 536: You can eliminate one of the leaders when it's needed." Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. "Niw Falcon, choose!"

"Stop it Jaguar! Kapatid pa din natin siya." Binalingan siya ng tingin ni Leon. "Bro don't make this hard for us, paalisin mo nalang siya."

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon