Chapter 21 - Endless

41.8K 947 27
                                    


Chapter 21 - Endless

~

DINALA NILA sa pinakamalapit na Hospital si Roxsan upang maagapang magamot ito. Sila Leon at Jaguar na ang kumausap sa mga staff ng Hospital at pati ang mga Doctors. Hindi kasi nagci-circulate ng maayos ang brain cells ni Falcon. Okyupado ang kanyang utak sa mga nangyayari kay Roxsan at sa.. sa baby nilang dalawa.

God! Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na nagdadalang tao na ang dalaga at panigurado naman siyang siya ang ama ng dinadala nito. But for the second time around, nanganganib nanaman ang buhay ng bata sa sinapupunan nito dahil sa kagagawan niya.

Oo sinisisi niya ang sarili niya dahil naging duwag siya at hindi ipinaglaban si Roxsan. Naging bulag, pipi at bingi siya ng malaman niyang kasal ito which is fake naman according to his brothers. Malaki talaga ang pasasalamat niya na narito ang mga kapatid niya.

Tinabihan siya ng kapatid niyang si Leon. Tinapik nito ang balikat niya.

"Everything is gonna be alright, bro."

Tinangoan niya ito. "How did you know that I am here."

"I told you, our gēgē never stop looking for you. Siya mismo ang nakasunod sayo. Hindi ka niya pinabayaan at ng mapagtanto niyang seryoso ka talaga doon sa FBI Agent na 'yon, pina-imbestigahan niya ito at doon namin nalaman na fake ang kasal nito kay Raven Hauxford." He explained.

Napatingin siya kay Jaguar na nakasandal sa pader habang kunot na kunot ang noo at nakahalukipkip ang mga braso nito.

He stand up, lumapit siya sa nakatatanda niyang kapatid. Alam niya kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya, iyon ay sa kadahilanang tinalikuran niya ang pamilya niya--which is the EET at silang mga kapatid niya dahil sa isang babae.

Alam niya namang masakit iyon sa parte ng mga kapatid niya pero kailangan niyang gawin iyon. At least that time nagpakalalaki siya para sa babaeng mahal niya.

Humugot siya ng malalim na hininga bago tinawag ang kapatid.

"Gēgē."

He stared at him with an icy cold chinky eyes. "What?!" Tila ba iritableng tanong nito.

Hindi na niya pinigilan ang sarili niya at niyakap ang nakatatanda niyang kapatid. Jaguar never let them alone. Palagi itong nasa tabi nila at ito na ang tumayong magulang sa kanila ni Leon. Kahit kailan hindi sila nito pinabayaan at pinagpapasalamat niya na hanggang ngayon ay hindi pa din ito marunong magtanim ng galit sa kanila kahit na gaano pa katindi ang ginawa nilang kasalanan. Like now, kahit na malamig ang pakikitungo nito ngayon sa kanya alam niyang deep inside sa puso nito ay miss na miss siya rin nito tulad niya.

"Xiéxié." He hugged him tight. "Thank you very much, Gēgē."

Naramdaman niya ang pagtapik ni Leon sa balikat niya kaya humiwalay siya ng yakap kay Jaguar. Umakbay ito sa nakatatanda nilang kapatid habang malapad na nakangiti sa kanila.

"C'mon Jaguar. I know how much you missed our little brother here. Pabalikin mo na siya sa atin."

Natawa siya ng bahagya ng inis na tinanggal ni Jaguar ang pagkaka-akbay ni Leon dito.

"Shut up!" Jaguar hissed. Binalingan siya nito ng tingin. "Make sure that you won't stubborn again Falcon. This is the last time I can accept your shit decision. I still don't like her."

"Come on brother! She's already pregnant with our little bro." Leon looked at him. "Sharp shooter ka bunso! Ako pinagta-trabahoan ko pang maigi iyong kasunod ni Zera at Zendrix. I want quadruplets." Pabirong anito.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon