Chapter 20 - Not this time

40.8K 1K 68
                                    


A/N: Natutuwa kasi ako sa mga comments niyo kaya tataposin ko muna si Fal-baby para maloka kayo sa story ni Sean. Lol

Chapter 20 - Not this time

~

HINDI MAKAPANIWALA si Falcon sa narinig. Hanggang ngayon ay dini-digest pa din ng utak niya kung ano ba ang nangyari. Kung ano ba ang kanyang mga narinig. Putang ina! Kulang ang salitang nagulat siya sa mga nalaman niya. Hindi niya kayang tanggapin.

Ang buong akala niya ay napatawad na siya ni Roxsan. Ang buong akala niya ay maayos na ang lahat. She even said the she love him, funny thing it was fake. Lahat ng ito ay planado, kalkulado ng babaeng mahal niya at ang sakit sakit. Parang bubuwal si Falcon sa kinatatayoan niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Bakit ganoon? Kung kailan akala niya okay na, saka naman darating iyong ganito.

Gusto niyang magalit kay Roxsan. Gusto niya itong sigawan at itanong kung bakit ngunit alam niyang wala siyang karapatan. Wala siyang karapatang magalit at kwestyunin ang mga ginawa nito sa kanya dahil mas matindi pa nga ang pagpapahirap na ginawa niya sa dalaga noon.

He deserve all of this.

"F-falcon.."

He looked at Roxsan who was crying out loud. Fuck! He wanna wipe those tears but he just.. just can't. Ang sakit sakait kasi.

"You fooled me." Mapait siyang ngumiti. "I love you."

Tumalikod na siya. Hindi na niya kayang titigan pa ang dalaga sa mga mata nito. Hindi niya kaya dahil kapag patuloy niya pa itong tinitigan, baka makalimutan lang niyang kasal ito at itanan ang dalaga sa kahit na anong paraan.

Mahal niya si Roxsan kahit na ang sakit sakit ng katotohanang ginamit lang siya nito para makaganti. Natagumpay naman ang dalaga dahil nasasaktan siya ng lubos ngayon.

"F-falcon makinig ka muna. Mahal kita." Namamaos na ang boses nito kakaiyak.

Gusto niyang maniwala pero hindi niya magawa. May asawa ang dalaga at alam niya kung gaano ito kagalit sa kanya noon na pati pala hanggang ngayon.

Muli, ngumiti lang siya ng mapait. Hindi na niya inabala pa ang sarili niyang tumingin pabalik kay Roxsan baka hindi niya mapigilan ang sarili niyang yakapin ito ng mahigpit.

"Let's go wife." Anang lalaking asawa ng babaeng mahal niya.

Naikuyom niya ang kamao at napapikit. Nagbingi-bingihan siya sa pagtawag sa kanya ng dalaga at patuloy na naglakad palayo. Epic! Worthless! Fuck! Wala siyang kwentang tao! Hindi niya magawang ipaglaban ang babaeng mahal niya.

Para siyang desusing manika na naglakad pababa. Tulala siya ar hindi alam ang gagawin. He feel so lonely, helpless and heart broken. Gusto niyang nagwala at lunurin ang sarili sa alak.

"Fuckkk!" Hiyaw niya at saka sinutok ang kongkretong pader ng hotel. "Fuck! Fuck! Fuck!"

"Stop it!"

Nag-freeze sa ere ang kamao niya ng marinig ang pamilyar na boses ng matapang na babae. Napalingon siya ng di oras sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi naman siya nagkamali dahil tama nga siya ng hinala, ang Reyna iyon.

At hindi lang ito nag iisa, kasama nito ang buong torturers.

"L-LET GO of me! Fuck you! Fuck you!" Pilit na binabawi ni Roxsan ang kanyang braso kay Raven Hauxford ngunit halos bumaon na ag kuko ng binata sa braso niya dahil sa sobrang pagkakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanya.

She was crying, crying so hard because she didn't see it coming. Inaasahan na niyang magpapakita sa kanya si Raven o si Lizana pero hindi ngayon. Hindi pa ngayon. It's too early, kung kailan naman na-realize niyang mahal niya si Falcon saka naman nangyari ito.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon