Chapter 1 : My Hero

54 2 1
                                    

Lahat ay busy sa kanila kanila buhay , buhay estudyante . Mga magaganda ang bida dito sa school at ang mga normal hindi pinapakelaman at ako ? wala pa ako sa normal 😒

kaya eto ako invisible sa lahat pati sa teacher . Pero tao din naman siguro ako di ba nagkakagusto din ,pinangarap ko din magkalovelife .
Pero 👽💔 para akong isang alien walang kaibigan , pero atleast nakakapasa ako .

P.e namin ngayon at tagalinis na naman ako .

"Ikaw na ang bahala dyan" sabi sa akin nung maganda na si Chizara pero ang totoo kasama ko sila dapat na naglilinis pero ayun iniwan ako ..

nakakapagod 😒😩 magpapalit siguro muna ako .
Pagdating ko sa locker ko , may letter na nahulog 😨

LETTER?! LOVE LETTER BA ITO?
Kinikilig ako na ewan , binuksan ko agad walang pangalan na nakalagay..

Gusto ko ang iyong ngiti
kelan ba ako ngumiti ?
Natutuwa ako pag nakikita kita
Stalker ko ba ang isang to ?
Sana pagbigyan mo ako , mag-kita tayo sa likod ng school pagkatapos.
-Cupcake

Cupcake ? 😓 natawa ako .
mukhang cute ang isang to .
Pero 😊 kinikilig ako hindi ko alam na darating ang araw na may magcoconfess sa akin ...

Nagsisiuwian na ang iba agad akong nagpunta sa Likod ng school.

At... nandun sya nakatalikod ❤❤❤ kinakabahan ako.

"Uhmm.. cupcake ?" mahinang sabi ko, hindi nya narinig..

Lumapit ako ng kaunti,
"Cupcake ?" sabi ko

humarap sya at normal lang .

Nahihiya ako kahit na mukhang normal lang itong si kuya kinikilig ako, first time kasi na may magbigay ng letter sa akin.

"Sino ka ?" tanong nya .

Ako na ngayon ang naguluhan.

"Uhm," pinakita ko sa kanya yung letter

Tumingin sya sa akin na may pandidiri
tumaas ngayon ang kilay ko

"Stupid." sabi nya
"Kanino mo sinasabi yanh stupid word mo na yan ? sa akin ba o sayo?" tanong ko

masama ang tingin nya sa akin

"Tsk. Hindi ka ba nagisip?" galit na sabi nya

Ano ginawa ko sa kanya ?

"Nasa locker ko yung letter" sabi ko na lang.

"Hahaha Di mo ba naisip na baka nagkamali lang ng lagay yung tao ,sino naman ang magsusulat ng love letter sayo??" tawa na sabi niya na may panduduro pa.

Nanginig ako at namawis , sa hiya siguro oo nga naman hindi ko agad naisip masyado akong excited kasi at nagbaka sakali...

"Pasensya na." sabi ko na lang

"Nakakainis akala ko si Kat ka na , nasusuka tuloy ako. Umalis ka na nga ang panget mo kaya mag ayos ka muna" sabi nya sa akin

"Hmp. Akala mo kung sino kang guwapo pwe hindi ko gusto ang letter mo napaka cliche ! at cupcake mo mukha mo ikaw na ngang shunga na naglagay ng letter sa locker ko! Hmp'
tumalikod na ako sa kanya

Fix MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon