"Gusto mo bang malaman kung bakit sinusundan ni Rin si Ms.Minami"
----
napatingin ako kay Yukito
Gusto ko malaman pero dapat ko bang paniwalaan ang taong ito ?
"Kababata ko si Rin, pero di ko sya bestfriend no, lagi ko lang sya nakikita na nagbibike palabas palagi ng bahay , nung mga 14 years old sya noon, excited lagi ang mukha nya ."
nagkwekwento na sya
"Kasi may pinapanood sya , yung mga nagmomodel sa may isang building , pinapatry syang kumuha ng litrato, at pinapanood nya kung paano sila mag edit.. kaya ayan pumasok sya lugar na ito ."
Ahh kaya pala..
"One time sinundan ko sya , may minemake up-an sya, tuwang tuwa si Rin.. napaganda nya yung babae na yun , everyday ata laging binibisita ni Rin yun, pumasok na rin kasi ako sa modeling company at madalas ko na nakikita si Rin , Lagi syang nakabuntot dun sa babae na lagi niyang minemake up-an , laging nakangiti itong babae na ito pero di alam ng lahat may madilim na nangyayari sa kaniya at yun si Ms.Minami. "
tahimik lang ako na nakikinig sa kanya
"Hindi ko alam , pero hula ko lang aah, mukhang gusto ni Rin si Ms.Minami, hmm, narinig ko kanina na magkikita sila bukas , alam ko kung saaaan"
eh?
stalker neto"Kung interesado ka kita tayo ng 3pm sa Bakeshop" sabi nya
"Magpaganda ka aah" sabay alis nya
Nakakagulat naman ...
Dun sa kwento nya at sa Yukito na ito
Pupunta ba ako ? baka inuuto lang nya ako
************************************
"Oh,! Hi" wave niya
ang daming nakatingin sa kaniya ,
oo sya na ang guwapo
kinikilig pa yung mga babaemay dala pa syang gitara
Lumapit sya sa akin"Disguise ko! " sabi nya, ng may pagmamayabang
Kung makipag usap sa akin ang taong ito para bang matagal na kaming magkakilala
nagthumbs up na lang ako
"Izumi pala ang pangalan ko" nagpakilala na ako
"Oh, Izumi. Izumi. okay ! Izu-chaaan" parang siyang si Allie !!
bigla nya akong hinila pababa
"Aray ?"
"ssshhh"
biglang nakita ko si Rin at si Ms.Minami naglalakad sila..
Pumasok sila sa bake shop
dito ko lagi dinadala si Rin...
"tara pasok tayo" hinila ni Yukito ang kamay ko
"ah san--"
....
nasa likod lang kami nila Rin ...
napansin kaya nya ako ?hindi naman akonnakadisguise eh
"oh" bigla nyang sinuot sa akin yung black na wig na mahaba at salamin
bat ang daming props nito
nagwink lang si Yukito
"Rin,"
narinig kong sabi ni Ms.Minami"Mag-order ka muna" sabi ni Rin
"hmm, okay" sabi ni Ms.Minami
Nagorder sila, inorder ni Rin yung lagi kong inoorder sa kanya
"ang sarap naman dito, paano mo nalaman ang lugar na ito ?" tanong ni Ms.Minami
"Sa kaibigan"
KAIBIGANKAIBIGAN
Friends lang talaga kami ...
oo naman Izumi ano ineexpect mo sabihin ni Rin?
"Ahh, buti naman at nakikipagkaibigan ka na" sabi ni Minami para syang nanay ni Rin
"Hmm" sabi lang ni Rin
"Kumusta naman sa abroad?" tanong ni Rin
"Masaya naman , nagiging okay naman ako . akala ko nga makakalimutan na ako eh " sabi ni Minami
"Bakit naman kita makakalimutan"
shocks parang di ko na kaya ang convo nilang dalawa
naiiyak ako
gusto ko umalis dito
"Nga naman hahah , eh , ako ang first love mo"
</3 nadudurog na po ang puso ko
hindi nagsalita si Rin
Tumayo na ako at lumabas
sinundan ata ako ni Yukito
"oi,!! ambilis mo naman!" hinihingal sya
Hinawakan nya ang kamay ko at nakita na umiiyak ako
"Hala,... sorry" nabigla ata sya
Ang arte mo Izumi...
maya maya bigla na lang nya akong niyakap
umiyak na lang ako doon kay Yukito
....
"Sorry talaga" sabi ni Yukito sa akin
"Ayos lang , " sabi ko "Ako naman ang may kasalanan dapat di na ako pumunta"
"Kasalanan ko dapat di ko na rin sinabi sa iyo" sabi ni Yukito
"Okay lang atleast alam ko , hahaha " oo tinawa ko na lang
"Uhm, okay ka lang ba ?" tanong ni Yukito
tumango ako
Okay naman ako, atleast nalaman ko na yun...
Hindi pa rin naman ako titigil eh , mahal ko kaya yung tao haha
Syaka Di pa naman sila ni Ms.Minami
Kahit alam kong 50 50 ako
maghihintay na lang ako pero mag eefort syempre
"Ako na lang kasi ang Idate mo" sabi ni Yukito
Tiningnan ko sya
"Joke hahaha !" sabay bawi , syaka kahit ayain nya ako hindi na ako makikipag date sa kahit kanino man
Kay Rin lang , hanggat humihinga pa ako sa kanya
hanggat tumitibok ang puso ko sa kanya...
"Mukhang si Rin pa din naman ang gusto mo" sabi ni Yukito
"Oo eh" kahit namumula na yung ilong ko
"Hmmm... bakit di mo pa sinasabi sa kanya ?" sabi ni Yukito
"Sasabihin ko din. hintay lang. haha tara ice cream libre ko" sabi ko sa kaniya
Tutal sinamahan nya ako
tinanggal ko yung wig at salamin .nagsmile ako kay Yukito , mabait naman syang tao eh.
At yung kay Rin....
Hihintayin ko na lang
Mareject man ako atleast sinabi ko..
Oo ..
Mahal ko nga talaga sya ,
ibang iba ito kay Satsuki o sa iba pa,
Alam ko mahal ko si Rin .
Sya lang...