⭐⭐⭐
Ginabi na ako , andito ako ngayon sa park. paduyan duyan na lang .Nilakasan ko ang pagswing ng bigla akong tumalsik. 😢 nakakaiyak .
Magdradrama na sana ako ng biglang may nagswing...
Paglingon ko
"RIN!" sumulpot na lang bigla si Rin
"Bakit ka nandyan sa damuhan ?" tanong nya
"Ah, wala wala." lumapit ako
"Nakita ko ,tumalsik ka ." nakita pala nya nagtatanong pa, hmp.
"saan ka nanggaling ? bakit nagskiskip ka ng klase ?! aba aba . Hindi mo ata sineseryoso ang pag-aaral mo" para akong nanay sa sinabi ko
"Ayos lang balak ko rin namang huminto" Nakakagulat ang mga pinagsasabi nya , Pero Infairness di sya nagagalit sa pagiging nagger ko LOL. :3
"Huh ? saan ka naman ngayon nyan ?" tanong ko
"Masaya kasi ako sa trabaho ko ngayon, at malaki ang kinikita ko. Nagpunta kami ng London kaya wala ako ng isang linggo" sabi nya sa akin
"London? wow , maganda doon ah , teka ano ba trabaho mo ? dealer ka ba ng drugs ? " seryosong tanong ko
Kinotongan nya ako ng mahina sa ulo kotong na mahina... meganun
"Make up artist ako at editor ."
oohhh bagay sa kanya kaya pala ,napaganda nya ako ng sobra
"Wow, ang saya naman." sabi ko
"Ikaw , ano na nangyari sayo ? " tanong nya
😢 Naalala ko na naman ...
"oi bakit ?" tanong ni Rin"Kasi brineak ko yung boyfriend ko" sabi ko ..
"Oh, kelan ka pa nagkaboyfriend?" tanong nya
"Kanina lang" 😢😢
"Kanina lang?" nagtaka sya . "Paanong nagbreak agad ?"
"Oo, isang oras lang" sabi ko
"Sinungaling kasi . Syaka hindi naman ako nalulungkot dahil sa pagkabreak ko sa kaniya ,dahil sa dissapointment ko sa sarili ko ." 😢 umiiyak na ako,pinipigilan ko pero natulo na ang sipon ko"Ahh , atleast , atleast triny mo. Hindi naman lahat ng bagay madali at syaka mabuti ng ikaw mismo ang nakaalam at hindi ka na nagbulagbulagan pa . Malay mo mahanap mo rin yung taong mamahalin ka talaga"
Wow from Rin the great ang haba ng sinabi nya ,
😢😭😭😭 hindi ko na napigilan umiyak...
"Rin...huhuhu waaaahhh" iyak ko sa kanya
"Tahan na ," sabi nya napakagentle ng taong to .
After ng iyak moment ko with Rin hinatid na nya ako pauwi.
"Akin na ang cp mo" sabi nya
hmm? aanhin nya ?"Waaahh , wag mo sabihing may kapalit yung pag iyak ko sayo? sige ibibigay ko na sayo ang cellphone ko wala naman tong kwenta" sabi ko .
tumingin lang sa akin si Rin,
inabot ko yung phone ko tapos pinindot nya ."Ayan. nakabili na ako ng phone ko kaya pwede mo na ako tawagan." sabi ni Rin
"Ohh, ganun pala yun. " sabi ko
"Kaya hindi na walang kwenta yang phone mo, sige alis na ako" umalis na sya at nagbye bye na ako.
Rin
nakalagay sa phone contacts ko ,agad kong pinalitanRIN THE GREAT