Chapter 26 : Christmas Part 2

2 0 0
                                    


KARAOKE 

Tulog na silang lahat, nakanganga at amoy alak na sila,
Dahil hindi naman ako heavy drinker tulad ng mga taong ito,
Nagsisisi ako ngayon kung bakit gising pa ako...

Dahil ang lalaking  nasa harapan ko ay ang taong mahal ko at umamin pa ako sa harap nya sabay reject sa sarili ko as if walang nangyari... ngayon ay may sasabihin sya tungkol ...

"tungkol doon sa---, hindi bagay yung buhok mo sa damit mo ngayon" blunt nyang sabi, bigla syang tumayo sa likod ko, inayos nya ang buhok ko...

Hindi ko alam kung madidissappoint ba ako o kikiligin sa nangyayari.
Pero, mabuti na lang at hindi niya brining-up yung nangyari---

"Seryoso ka ba sa sinabi mo sa akin?" pabulong nyang sinabi
Nanlaki ang mata ko at ang sakit ng pagkasipa ng internal organs ko..

Bakit bigla bigla na lang siyang nagsasalita, hindi ko sya mabasa...
"A-ano? Hahaha, anong sinabi ko ?" kunyari na lang di ko alam

"Huwag mo ngang gawin yan," iritadong sabi nya,
"Alin?" shunga-shungahan sabi ko
"Yan" masamang titig nya sa akin
"Ano sinasabi mo ? wala naman ako ginagawa ah!" iritado na rin na sabi ko...

Bigla nya akong hinarap sa kaniya...
*Ba-dum

Hindi ako makatingin...

"Hindi kita maintindihan" bigkas ng mga labi nya...
Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko..

"Izumi.." napatingin ako sa mga mata nya..

Rin, ito yung mata nung una kaming nagkita, ito yung mga tingin na may care sayo, ito yung mata na nariyan para sayo, ito yung mga mata na laging nandyan para sabihin kaya mo yan, ito rin yung mga mata na nagcheer up sayo pag may love life ka, at ito rin yung mga mata na pag na broken ka.... Ito yung gusto kong makita sa kaniya, ito rin naman yung ayaw ko mawala...

"Rin,hahahahhaha... Yung sinabi ko non, Dare lang yun" napausod sya sinabi ko
"Dare?" ulit nya, 
"Oo ahh haha kilala mo naman ako, mabilis mauto haha, wag ka na mag-alala doon sa mga nangyari, dare lang talaga yun. Natutuwa nga ako ngayon kasi kaibigan pa rin kita kahit ginawa ko yun ahhahahah " sabay hampas sa kaniya.

Tumitig ulit sya, kelangan ko rin titigan sya,  
"Sorry ah, naconfuse ka ba? ganito talaga ako sorry talaga... wag mo na isipin yun, please..." napapapikit na rin yung kaluluwa ko.

"Ok." sabay bitaw nya sa akin, "Mauna na ako." kinuha nya yung coat nya at umalis sya.
Nang walang lingon lingon.

Alam ko na mali yung ginawa ko, nagmumukhang play girl ako, pero gusto ko rin na magstay kami as friends, at wala nang iba pa, magiging payapa rin naman siguro tong naglalandi kong puso...

Pagtingin ko sa likod ko...gising si Yukito...

Nagbigkas sya sa mga labi nya "Tanga"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fix MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon