😡😡😡😡
"Sorry na Izu-chaaan" Nakapamewang ako sa harap ni Allie .
"Bakit mo ako iniwan ?" nagpout ako.
"Kasi nga nakita ko na may nakikipag-usap sayo, nang malaman ko sa mga kasama ko na gentleman si Mr.Sukou Sabishi , syempre naman sinundan ko kayo ." sabi nya sa akin
"Haaaay," nagbuntong hininga na lang ako.
"Nakita ko yun, eeek, magkakaboyfriend na ata ang Izu-chaan namin!" sigaw ni Allie
Tiningnan ko sya
"Nagkaroon na ako ng boyfriend nung wala ka ""Huh? oh sino naman ? Di mo nakwento sa akin " patampo pa sya.
"Hindi naman kasi maganda yung nangyari , saglitan lang yun mga 1 hour. hahaha" tinatawanan ko pa .
hinug ako ni Allie ..."Ok lang yan dear, Itry mo na lang ulit, malay mo kay Mr.Sukou mo pala mahanap yung hinahanap mo "
"Baka nga, haha pero napakabata ko para sa kanya!" sabi ko kay Allie na may patalon talon pa
"Age does NOT matter nga di ba , syaka idadate ka pa lang naman nya figure it out " sabi ni Allie "Ako susuntok dun kapag may ginawa sayo"
nilabas nya yung kamao nya haha natatawa ako kay Allie nagiging lalaki na naman ang boses .
"ehem, basta hah friend sige matutulog na ako"
KINABUKASAN...
Can we meet tonight ?
-Mr.Sukou SabishiPaggising na paggising ko eto agad ang bumungad sa kin waaah
Magrereply na sana ako ng ~~
Patay hindi ko alam kung paano magayos para mag mukha akong mature huhuhu , tinanggal ko yung eyeglass ko nakacontact lense naman ako advice kasi ni Rin na sanayin ko na wala akong eyeglass maganda naman daw ang mata ko, ...
si Rin!!
*ding dong
Agad akong bumaba at binuksan ang pinto.
Nakatayo si Rin sa labas dala na naman nya ang mahiwaga nyang Make up kit !
"Rin!😭" tuwang tuwa na naiiyak ako.
Sa kuwarto ko,
"Oh, 23 years old ?" sabi ni Rin habang inaayos nya ang make up kit nya
"Oo, inaaya nya ako mamaya . Hindi ko kasi alam kung paano magmukhang matured ." sabi ko sa kanya "Ayoko namang istorbohin si Allie kasi natutulog yun for sure ."
"ok, ok" sabi lang ni Rin , tinitigan nya ang mukha ko..
1...minute . 2 minutes...
medyo awkward ,"Ok, sisimulan ko na " sabi nya ..
ang tagal nyang nag scan ah , ganun ba kahirap ang pagmukhain akong mature"Mahirap. lalo na pagbaby face ka" 😅 narinig nya ang nasa isip ko
"ah, ganun pala yun" sabi ko sa kanya.
After an hour...
Tumingin ako sa salamin,
"Shocks eto na ang itsura ko pag nasa 25 o 30 na ako? ang ganda naman " waaahh totoo ... pinasuot nya sa akin yung red dress tapos red killer heels na hindi ko kinasanayan ...at inilugay nys ang buhok ko at kinulot ng kaunti
medyo hard make up ang ginamit nya sa akin."Ilugay mo palagi ang buhok mo o ibrush up at lagyan ng clip , at magsuot ka ng dress tapos heels o wedge shoes. " sinusulat ko yung sinasabi nya .