TWO
Naudlot yung beauty sleep ko.
I slowly opened my eyes nang marinig ko yung tunog ng aircon. My AC mysteriously went dead, eh hindi ko naman siya pinatay... at mag-isa lang ako sa kwartong 'to.
Fuuudge, ayoko ng mga kababalaghang ganito eh! Lalo na't things became even more eerie in the dead silence of the night.
Naramdaman ko na lang kasi na may humihila ng kumot ko pero wala naman akong naririnig na footsteps ng tao. Whoa, t-timeout, what the hell?
Halos kakapatay lang ng aircon pero nakaramdam na ako ng malapot na pawis na tumutulo from my forehead.
Napalunok ako ng ilang beses pero hindi muna ako kumilos, I glanced at my side table drawer instead.
Titignan ko sana yung digital alarm clock ko to check the time kaya lang, ang nauna kong nakita eh yung box na galing kay Key kahapon.
Tsss, asar. How could I possibly forget?! Uulanin nanaman ako ng sandamakmak na blackmail nito. Ihhh, bahala na nga.
I ignored the little box saka ko na tinignan yung oras. Naparami na yata ako ng inom ng laway ko kasi napalunok nanaman ako.
3:00a.m.? 3:00 a.m. na? Oh, my god!
H-hindi ba alas-tres ng umaga nung nagkaroon ng katatakutan at sanib-saniban moments 'dun sa Exorcism of Emily Rose?! Ay fudge, naiihi ako!
Gumalaw yung kama ko, its weight shifted all of a sudden.
Oh, no you didn't.
Hanep ah, that's it! Kahit anong klaseng nilalang ng kadiliman pa 'yan, wala na akong pakialam dahil oras na.
Oras na para maglaho na siya. Excuse me ha, walang ibang may karapatang humiga sa kama ko kung 'di ako lang. It's called MY bed for a reason.
I sat up MY bed at tuluyan na yata akong naihi sa nakita ko. What the?
Fudge! Anong ginagawa ni Key sa KAMA KO?! At suot pa niya yung matchy-matchy naming Spongebob pajamas na regalo ni Grammy sa amin last Christmas! Yuck, terno kami, sagwa!
Ugh, sinong lalaki na nasa matinong pag-iisip ang pupunta sa kwarto ng isang dalagang Pilipina sa ganitong abnormal na oras? Kanina pa ba siya nandito? Paano siya nakapasok? Hay, jusmiyo.
I shoved my pillow on his face hanggang sa mapagod siyang magpanggap na natutulog na. Asa naman, kakahiga lang, tulog na nga?
Kinuha niya brusquely sa mga kamay ko yung unan at saka siya umupo mula sa pagkakahiga from MY bed.
"Are you trying to murder me in your own bedroom?!" His sleepy, bedroom voice sounds irritated and he looks annoyed.
Wait lang ah, 'di ba ako dapat yung naiinis dito? Tch, pwede ba. I shot him an evil glare, "Kung hindi ka mawala sa paningin ko in 10 seconds, yes, I will murder you."
"Bukas na natin pag-awayan 'to, I'm not in the mood. Let's just go to back bed."
Bumalik siya sa pagkakahiga sa kama KO na para bang normal lang ang lahat. Kinumutan pa niya yung ulo niya dahil mukhang nasisilaw siya sa liwanag ng buhay ng lampshade ko – hindi kasi ako makatulog in total darkness.
"Well, congratulatons dahil wala na rin ako sa mood!" Tumayo ako at pumunta 'dun sa side kung saan siya nakahiga at saka ko siya sinimulang hilahin pababa ng kama.
"Get out! Get out or sisigaw ako ng rape!" I threatened.
"Rape?" He mocked, "Wow, ang taas naman ng ambition mo when I wasn't even thinking of kissing you."