Akane's POV:
Pagkasarang-pagkasara ng pinto, napapikit ako. Nag-flow na yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kung alam ko lang na aabot kame sa ganito edi sana noon pa lang iniwasan ko na siya. Edi sana hindi ako nagkakaganito ngayon.
(The next day...)
"Akane, umiiyak ka ba?" tanong sakin ni Marie pagkapasok ko ng room. Buong gabi kase ako umiiyak kaya magang-maga ang mata ko ngayon.
"Tingin mo?" I sarcastically answered without even looking at her.
Natahimik kami for a while hanggang sa magtanong siya, "Is this about Redd?" sabi niya na parang nahihiya. Alam niya kase ni Marie na matagal na akong may gusto kay Redd. Yun din ang reason kung bakit di niya sinabi sakin na may gusto din siya dun at niligawan na pala sya non. To think na bestfriend ko sila ha. Pinagmuka nila akong tanga.
"YOUR BOYFRIEND?" I said emphasizing the word 'boyfriend'. Yumuko lang siya. Natawa naman ako sa reaction niya. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
"Marie. Mas mahal kiya kaysa kay Redd. Seeing you happy makes me happy." yumakap din naman siya sa akin tapos may naramdaman akong basa sa likod ko.
"Hoy, ano ba! Wag ka ngang umiyak! Nababasa uniform ko eh!" sabi ko sakanya kahit ang totoo nyan ay ayaw ko siyang umiiyak.
Hindi siya sumagot . Umiyak lang siya ng umiyak habang ako naman sinusubukan ko siyang tanggalin sa pagkakayakap sa akin. Kaso di ko nagawa. Nung dumating lang ang teacher namin tsaka siya bumitaw.
Buong morning session wala akong naintindihan sa mga nilecture. Lutang ako. Iniisip ko pa rin yung nangyare kagabe. Buti nalang at wala na kameng sunod na mga klase. Naghahanda kase sila sa school festival na magaganap sa Friday. Habang nakaupo ako sa isa sa mga benches biglang may tumabi sa'kin.
"Akane, pwede ba tayo mag-usap?" kilalang-kilala ko yung boses na 'to. For the past few years eto yung boses na minahal ko.
"Ayoko. Wala na tayong dapat pag-usapan. Lumayo ka sa'kin." sinubukan kong lumakad papalayo kahit medyo namamaga parin ang ankle ko. Pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Akane, please let me explain my side." his hand was shaking. I looked up to him since mas matangkad siya sakin. Namumula ang mata niya. Umiyak ba siya? Umiling-iling ako at binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"I don't want to talk to you right now. Please stay away." nagkatinginan lang kame sandali nang dumaan si Gab.
"Gab!" tawag ko sakanya. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Hi, Akane. Bakit?" tanong niya nung makapunta na ako sa tabi niya.
"Please, ilayo mo ako dito." mukang naguluhan naman si Gab sa sinabi ko kaya tumngin siya sa likod ko.
"Ahhh..." tumango-tango siya. "Tara na." aya niya habang inaalalayan akong maglakad palayo.
Buong araw si Gab lang ang kasama ko. Tinutulungan niya akong umiwas kay Redd. He even skipped his practice para samahan ako. Something Redd wouldn't do. For me, at least. Bakit kase hindi nalang ako kay Gab nagkagusto? Bakit hindi nalang siya ang una kong nakilala? Nakaupo kame ngayon sa ilalim ng oak tree sa likod ng school. Wala namang napunta dito eh. Tsaka kanina pa kame iwas nang iwas kay Redd. Nakakapagod.
"Ibig sabihin si Redd pala yung reason kaya ka umiiyak kahapon sa field. Nakakainggit naman." sinamaan ko siya ng tingin.
"Relax! Joke lang! Grabe talaga to!" sabi niya habang tawa nang tawa. Siniringan ko lang siya. Tumigil siya sa pagtawa kaya napatingin ako.
"Dati pa lang kilala na kita. Ikaw yung laging kinukulit ni Redd. Natutuwa ako pag akikita ko kung paano mo siya tarayan. I knew you were different. Kahapon, I watched you practice. From the way you ran, I knew there was something wrong. Then, ayun nga. Nadapa ka." sabi niya nang natatawa.
"Ang sama mo!" hinataw hataw ko siya.
"Wait! Let me finish." pinigilan niya yung kamay ko.
"I couldn't bear seeing you cry over him again. You don't deserve that. I know it's a little bit early to ask this, but, akne, I like you, so..."
"So?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Pwede bang manligaw?" natahimik kame.
"Ano ba yan! Nakakahiya!" ginulo niya ang buhok niya, tinakpan ang mata niya at tumalikod sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
Kinulbit ko siya. Tumingin naman siya sa akin at kita kong pulang pula na siya. Ngumiti ako tapos sumagot. "Okay."
Siguro nga kailangan ko nang mag move-on kay Redd.
Agad naman siyang humarap sa'kin at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Seryoso ka?"
Tumango-tango ako habang nakangiti.
Tumayo naman siya at nagtatalong habang nasigaw ng, "YEEEEEEEEEEEEEEEEES!!"
Hinila ko naman siya. "Hoy, ano ba!" umupo naman siya at niyakap ako. "Promise, Akane! I promise! I would do everything for you!" napangiti nalang ako sa sinabi niya. Sana talaga siya nalang ang mahal ko ngayon.
We stayed like that for a while hanggang sa mag ring ang phone niya.
“Excuse me. I have to answer this call.” Gab said. Hindi na niya ako inantay sumagot at dumistansya muna sakin sandali. I wonder who’s calling.
I felt someone watching us kaya napalingon lingon ako sa paligid. Sakto namang bumalik si Gab na nakasimangot at nakapatong ang isang kamay niya sa ulo.
“Akane, I’m sorry. Kelangan ko nang umalis eh. It’s urgent.” He looked problematic.
Nginitian ko nalang siya. “No, it’s okay. Pauwi narin naman ako eh.”
“Aysh! Kapag sinuswerte nga naman oh!” kinuha niya ang bag ko at tinulungan akong tumayo. “Tara, hatid nalang kita sa may school gate.”
“Sure.”
Bago kami umalis lumingon muna uli ako.
“May problema ba?”
“Ah, wala.” I answered while shaking my head. I just want to know who was watching us. I just know someone is.
Nang makarating kami sa school gate may nakaparada dong limousine. “Sundo mo?” I asked Gab.
“Unfortunately, yes.” Sabi niya na parang iritang irita.
May lumabas na lalaking naka black suit at glasses from the driver’s seat at pinagbuksan si Gab ng pintuan. This must be his bodyguard. Rich kid.
“Go ahead. You have to tell me this tomorrow.” I teased him.
Nag-sigh nalang siya then binigay na niya sakin yung bag ko. “Ingat ka.” He said, looking worried.
“I will. Ano ka ba. Alis na!” sabi ko while pushing him to the car.
Finally pumasok na siya sa kotse. Nung paandar na sila binaba naman niya yung window at sumigaw.
“Make sure that you’ll be fine okay?”
Napangiti nalang ako. “Okay.”
Tuluyan nang nawala ang limo ni Gab. Nung paalis na ako may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Nung nilingon ko kung sino yon I saw five boys galing ibang school na may hawak na mga batuta. Bigla akong napalunok sa kaba. Anong kaylangan nila sakin?
“Ikaw ba si Akane?”
