Chapter One

42 1 0
  • Dedicated kay Kenneth Adrian Sarinas
                                    

Chapter One:

Ako si Akane Tsukoshi. Half Filipina, half Japanese, and I’m willing to do anything for the one I love. At si Redd yon. Kababata ko, bestfriend at katropa. Bata pa lang kame, crush ko na siya. Kinikilig ako sa mga pinapakita niyang ka-sweetan kahit sa kanya eh wala naman malisya. Pero simula nung  nag-highschool kame may mga nagbago na sa friendship at pakikitungo namen sa isa’t-isa. Nagkaroon kame ng mga sariling katropa. Lalo na nung nagging varsity siya. Dumami na ang mga mukang sugpong umaaligid sa kanya. Sobrang busy pa niya sa practice. Napag-iwanan ako. At doon pumasok sa buhay ko si Marie. Mabait siya, maganda, mestisa, maama ang muka at mapupula ang pisngi, sobrang hinhin at parang hindi makababasag-pinggan. Siya ang naging bago kong bestfriend at kasa-kasama. Hindi na kase kame nagkakasama hanggang one time, nag-usap kame...

“Hi Akane. Namiss mo ba ako?” nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. Ramdam ko namang nag-init ang muka ko kaya tinanggal ko yung braso niya na nakaakbay sa akin.

“Nahihibang ka na ba? Bakit naman kita mamimiss?” sagot ko sa kanya na kunwari naiinis. Namiss ko naman talaga siya. Ayoko lang aminin.

"Ouch naman! So ganyanan na? Akala ko bestfriends tayo?" nilagay niya pa yung hand niya sa dibdib niya na kunwaring nasasaktan.

"Hindi ikaw ang bestfriend ko.  Si Marie." pagkabanggit ko ng pangalan ni Marie eh biglang na lang nagseryoso ang muka ni Redd. Natahimik kame sandali nang nagsalita siya ulit.

"Akane kase, kaya kita kinausap eh kase ano eh..." namumula siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sumagi na sa isip ko yung posibleng dahilan pero ayaw tanggapin ng puso ko. Hindi pwede.

"Ano?" huminga sita ng malalim bago sumagot.

"Kame na ni Marie..." napakagat ako ng labi. Nangingilid na yung mga luha ko pero nakuha ko paring ngumiti.

"Kelan pa?"

"Last week pa...galit ka ba?"

Tumawa ako ng mapait. "Ano ka ba? Bakit naman ako magagalit? Hindi ba dapat masaya ako kase mag-on na yung dalawang bestfriend ko?" oo, tama. Kelangan maging masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Talaga?" sobrang saya ni Redd. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Siguro nga mas mapapasaya siya ni Marie. "Thanks, Akane." niyakap niya ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

Simula nung araw na yon, napag desisyunan ko nang kalimutan ang mga nararamdaman ko para kay Redd. Alam ko naman kaseng wala na akong pag-asa.

Nang mga sumunod na araw madalas nang sumabay sa amin si Redd mag lunch. Nakita ko kung gaano siya ka-sincere si Redd kay Marie. Hindi naaalis ang tingin niya kay Marie. Kahit hindi sila mag-usap hindi mawawala ang ngiti niya sa muka tuwing kasama niya ito. At hanggang holding hands lang ang ginagawa niya. At tuwing nakikita ko kung gaano niya kamahal si Marie, di ko maiwasan masaktan. Sumali ako sa track and field para may maidahilan ako sa hindi pagsama at pagsabay pauwi sa kanila.

Kanina pa tapos ang training namin pero di pa rin ako nauwi. Baka kase makasalubong ko si Redd. Malapit lang kase bahay nila samin. Kanina pa ako tumatakbo, nagfflashback sa isip ko yung mga tingin ni Redd kay Marie, nawalan tuloy ako ng balanse at natumba sa may damuhan.

"Sht!" mura ko. Na-sprain pa ata ako. Ang sakit. Pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko. Okay lang sigurong umiyak dito, mapagkakamalan lang sigurong pawis ang luha ko.

Niyakap ko yung mga tuhod ko. Yumuko lang.

"Eto oh." napatingin ako sa lalakeng nag-abot sa akin ng tubig. Eto yung madalas kasama ni Redd. "Pag tumatakbo ka kase, hindi dapat pre-occupied ang isip mo. Nawawala ka tuloy sa concentration."

"Ano gagawin ko dito?" tanong ko habang nakatingin dun sa bottled water. Like hello? Bigla-bigla na lang siya nagbibigay tapos sinesermonan pa ako? FC masyado?

"Seriously? Are you really asking me that?" naiirita niyang tanong.

"Muka ba akong hindi serious?" tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Titigan mo baka sakaling maubos."

"Oh talaga. Ikaw kaya. Idea mo yan eh."

Nagkatinginan kame sandali tapos sabay kameng tumawa.

"I'm Gab." pagiintroduce niya sa sarili while offering his hand.

"I'm Akane." I took his hand tapos nag shake hands kame.

Nag-usap at nagtawanan pa kame for a while bago siya mag-offer na ihatid ako pauwi. Akmang tatayo na ako nang biglang... "Ouch!"

"Uy, Akane! Bakit?" worried niyang tanong sa akin.

"Na-sprain ata ako nung nadapa ako." I said while scratching my head.

Umupo siya ng nakatalikod sa akin and said, "Sakay."

"Huh?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Bingi ka ba or stupid lang? Sabi ko sumakay ka sa likod ko para maihatid na kita pauwi. Gets?"

"Ayoko nga! Ano ka!"

Nag poke face naman siya, kinuha yung bottled water at naglakad palayo. Hala. Aalis na siya! Pano ako?!

"Uy! Gab! Don't leave! I need you! Gab!" natatarantang sigaw ko sa kanya. Tumigil naman siya at humarap sa akin na naka-smirk.

"Please?" pag mamakaawa ko sa kanya.

Umiling-iling siya at lumapit ulit sa akin. Nung naka-piggy back ride na ako sa kanya, pinalibot ko yung arms ko sa leeg niya, tama lang para di ko siya masakal. Tinanong niya lang sa akin kung saan ako nakatira tapos natahimik na kame for a while.

"Why were you crying?" he asked out of the blue. Di ko alam kung dapat ko ba sabihin or not. Kaibigan kase siya ni Redd eh.

"I...don't know." yun nalang ang nasabi ko.

"Baliw." sabi niya ng natatawa. Hinampas ko naman siya sa balikat.

"Joke lang!" natahimik nanaman kame. "Sabi mo kanina you need me...do you?" mapang-asar niyang tanong.

"Kapal mo!" hinampas-hampas ko siya sa balikat habang siya naman eh tawa lang ng tawa.

"Hey, Akane. Stop it! Isa!"

"Ayoko!" hindi pa rin ako tumigil.

"Sige ka! Ihuhulog kita!" nung akmang bibitawan niya ako eh napayakap ako sa leeg niya.

"Ano ba!" reklamo ko sa kanya. Nahiya naman ako sa ginawa. Habang yung loko, tawa lang nang tawa.

"I'm glad I met you, Akane." after he said that, I found myself smiling.

Itutuloy...

HEARTBEATS (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon