Chapter Four

14 0 0
                                    

Redd's POV:

Nandito ako ngayon sa school basketball court, nakatayo sa harap ng ring at tinititigan lang ang bolang dinidrible ko. I feel so pissed off. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nagsimula to kanina nung sinundan ko sina Akane at Gab kanina. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yon pero kase iniiwasan ako ni Akane. Every time na nagaattempt akong lumapit sa kanya eh agad naman siyang lalayo. I watched them the whole time nung magkasama sila sa ilalim nung puno. Narinig ko din yung confession ni Gab at ang pagpayag naman ni Akane na magpaligaw sa kanya. Nung narinig ko yun parang tinusok ng isang libong karayom yung puso ko. I got rooted to the spot I was standing on. Nakita kong nakakapansin na si Akane, kaya naglakad na ako papalayo papunta dito.

Ano bang problema ko? Diba si Marie naman ang mahal ko? Bakit ganito nararamdaman ko ngayon?

I attempted to shoot the ball I was dribbling. Pero sumala. Nakakainis. Pati ba naman sa basketball palpak pa rin ako? Can’t I at least do one thing right?

Kinuha ko na ang bag ko from the bleachers at umalis na. Hindi ko kasabay umuwi si Marie ngayon. Meron  kase siyang piano lessons. Dadaanan ko sana siya sa music room nang may narinig akong mga noises galing sa boy’s CR. Lumapit ako.

“Wag ka na ngang pumalag. Wala ka nanamang magagawa eh!”

“Please, don’t do this to me!”

Teka. Alam ko yung boses na yun ah. Bigla akong kinabahan.  I tried opening the door pero naka lock. Nagpapanic na ako that time kaya wala na akong ibang maisip gawin kung hindi ang sipain ang pinto hanggang sa matanggal yung pintuan. I saw five guys na tiga ibang school and my girlfriend half-naked habang umiiyak.

“Fck!” Agad kong sinuntok yung isang lalaki at napabagsak. Nagsisugod naman yung iba pa nyang kasama pero napatumba ko din sila. Lumapit ako kay Marie na iyak ng iyak habang sinusubukang takpan ang katawan niya.

“Don’t look at me...”

“Shh...Marie, stop crying...everything would be fine.” Tinanggal ko ang jacket ko at nilagay sa balikat ni Marie.

Napalingon naman ako nung magkamalay na ang isa sa mga lalaki. Agad ko syang hinawakan sa kwelyo at hinarap sakin.

“Sino nag-utos sainyo gawin to?”

He smirked at me. “Gusto mo ba malaman kung sino? Kilala mo ba si Akane? Kanina kase nakasalubong namin siya. Tinuro niya sa amin kung nasaan si Marie at inutos na gawin naming to.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila. Liningon ko naman si Marie. Nakita kong nagulat din siya.

“Walang kwenta!” binitawan ko ang kwelyo nung siraulong yon at lumapit na ulit kay Marie. Paalis na kame doon nung bigla nanaman siyang nagsalita kaya napatigil ako.

“Ayaw mong maniwala? Subukan mo kaya siyang tawagan para malaman mong totoo ang sinasabi ko!”

Pagkahatid na pagkahatid ko kay Marie umuwi na agad ako. Humiga ako sa kama ko at tinitigan lang ang kisame ng kwarto ko. Hindi ko maisip kung bakit naman magagawa yun ni Akane sa bestfriend niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o hindi.

Bigla namang tumunog ang cellphone sa tabi ko kaya tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

Akane calling...

“Hello?”

“Redd! Is Marie okay?” bakit parang ang tamlay niya ngayon? Hindi ko nalang pinansin. Baka pagod lang.

“Bakit mo tinatanong?”

“Kase bestfriend ko siya?”

“Bestfriend? Are you joking me? Bestfriend ba ang tawag sa pinaparape ang bestfriend niya sa mga gangster?” Tangina Redd. Ano bang pinagsasasabe mo.

“Ano bang sinasabi mo? Are you accusing me?”

“I’m just asking...”

“No. You are accusing me! Ganyan na ba ang tingin mo sakin ngayon ha, Redd? Nakasalubong ko yung mga yun kanina, they asked me where Marie is, I told them. But I did not order them to-“

“Did you know they were gangsters?” pagpuputol ko sa sasabihin niya.

“Yes, but-“

“Alam mo naman pala eh. Bakit sinabi mo pa sa kanila kung nasaan si Marie? Pede naman magsinungaling ka sa kanila, di ba? Pero hindi mo ginawa! Kase ginusto mo din na mangyare yon sa kanya!”

Bigla kameng natahimik pareho. After a few seconds nagsalita na ulit siya.

“Kung yan ang gusto mo paniwalaan, edi okay.” Pagkatapos niyang sabihin yon agad niyang pinatay ang tawag. Napahilamos nalang ako ng kamay sa muka.

Binato ko ang cellphone ko sa pader at nagtakip nalang ng unan sa muka.

“Ano bang nangyayare sakin?”

Next day at school...

Kakatapos lang ng training namin at kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers nung lapitan ako ni coach.

“Marfil. May problema ka ba? Kung meron man iwanan mo na muna yan once na tumapak ka dito sa court. Nakakaapekto na sa laro mo eh. Remember, next week na ang laban natin. Fix yourself.” How can I fix myself if I’m so damned broken? Pagkaalis ni coach agad naman akong tinabihan ni Gab.

“Problema mo?” he asked.

“Wala.” I replied habang nakatingin sa Gatorade bottle na hawak ko.

“Ako meron.”

Nanahimik nalang ako. Naa-awkwardan kase ako eh.

“My dad wants me to marry the daughter of one of his business partners. Maganda naman siya, sexy nga actually. Kaso ayoko sa kanya eh. Hindi ko siya mahal. Hindi naman kase siya si Akane eh.”

Bigla akong nainis. Nakakuyom na pala ang kamay ko nang hindi ko namamalayan. Parang gusto kong suntukin tong katabi ko kaso pinipigilan ko ang sarili ko.

“Ano ba tong sinasabi ko! Hahahaha!” bigla siyang huminto sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.

“Kamusta si Akane?”

“What do you mean?” nagtataka kong tanong.

“Huh? Hindi mo ba alam? She was hospitalized yesterday.”

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. “Ano? Bakit?”

“May mga gangster daw kaseng nambugbog sa kanya. Yun lang yung sinabi niya sakin yesterday nung tumawag siya sa akin sa kalagitnaan ng dinner namin with dad’s business partner. I visited her sa hospital and she doesn’t look okay. Pero sabi ng doctor she would be discharged mamayang tanghale.”

Bakit...hindi niya sinabi sakin kagabe nung tumawag siya...tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

“Hoy? San ka pupunta?” hindi ko nalang pinansin si Gab at naglakad na paalis. Naririnig ko pa ring tinatawag niya ako pero tuloy tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa may school gate. Sakto namang papasok palang si Akane. Nagkatinginan kame. I looked at her. Ang dame niyang mga pasa at sugat. May cut pa siya sa may noo. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at dire diretsong naglakad papasok. Hinawakan ko kaagad siya sa braso.

“Bakit...hindi mo sinabi sakin?”

“Sinubukan ko naman eh. Pero hindi mo pinakinggan yung side ko...” sabi niya nang hindi pa rin ako nililingon.

Binitawan ko siya. At nagsimula na siyang maglakad papalayo. Ako naman, eto. Pinapanuod siyang lumayo sakin. Wala akong magawa. Ganito na nga lang ba ako? Panunuorin ko nalang ba siya laging umalis?

HEARTBEATS (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon