AKANE'S POV:
Pagpasok ko sa room namin pinagtitinginan ako ng mga classmates ko. Now wonder. I look awful. Ang dami kong cuts and bruises. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at pumasok ako ngayon with my condition. Ayoko din naman sa bahay eh. Masyadong tahimik. Magpplay back lang sa isip ko yung mga pangbibintang sakin ni Redd kagabe.
“Akane, hinahanap ka ni Gab sa labas.” Sabi sakin ng isa kong kaklase.
Inayos ko lang ang gamit ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Pagkalabas ko ng room nakita ko si Gab na nakatingin sa lapag, nakasandal sa pader at nakapamulsa. “Hi.” I said. Agad naman niyang tinaas ang tingin niya sa akin at muka siyang nagulat.
“Hi. You look...uh...awful?” sabi niya at nagkibit balikat pa.
“Try mo kayang magpabugbog tingnan natin kung hindi magiging awful ang itsura mo.” I said while rolling my eyes heavenwards.
Tumawa lang siya at naglakad palapit sa akin. Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad paalis. Pinagtitinginan kami, yung iba nagbubulungan pa. Sikat kase si Gab sa school. Isa sa mga public figure kumbaga.
Since bukas na ang school fest, naghahanda na ang mga teachers at students kaya wala kaming klase. Bale, free time lang kami buong araw.
“Nagkita na ba kayo ni Redd?” -Gab
“Bakit mo naman natanong yan?”
“Kase kanina lutang siya sa training. At hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na ikaw yung pinoproblema niya that time. Nag-away ba kayo?”
Sinilip ko si Gab. Seryoso siya. Diretso lang ang tingin niya.
“Nagbago na kase siya eh. Hindi na kase siya yung Redd na nakilala ko.” Natahimik kame pareho.
Nung nakarating kame sa bleachers malapit sa open field, hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mata.
“Akane...sabihin mo sakin na hindi mo ako iiwan.”
“Ano bang sinasabi mo, Gab? Saan naman ako pupunta?”
Natigilan ako bigla. Niyakap niya kase ako. Walang nagsasalita sa amin pareho.
“Tell me that you won’t leave me. That’s enough reason for me to stay.”
Sinubukan ko siyang itulak palayo. “Gab, hindi kita maintindihan...”
Kumalas na siya sa yakap naming tapos hinilamos ang kamay niya sa muka niya. “Who am I kidding?” sabi niya nang nakangiwi. “Kalimutan mo nalang kung anong sinabi ko sayo.” Pagkatapos nun eh tumayo na siya at nagsimula nang maglakad palayo.
Naiwan ako doon na nakatunganga. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
REDD'S POV:
Pumunta ako sa room ni Akane para kausapin siya. Gusto kong humingi sa kanya ng sorry. Pero sabi ng mga kaklase niya kasama daw ni Akane si Gab. Nanaman. Tangina lang. Ano bang meron sa kanila? Bakit lagi nalang silang magkasama? Sila na ba? Edi ba may fiancé na si Gab? Subukan lang niyang lokohin si Akane, masasampiga ko talaga siya!
“Oh? Mainit nanaman ulo mo?” speaking of the devil.
“Pake mo?” napatawa naman siya.
“Sabi ko nga wala akong pake.” Nilagpasan niya nalang ako. Nung magsisimula na ulit akong lumakad bigla naman siyang sumigaw.
“Ayusin mo yung sa inyo ni Akane. Ngayon na habang pinagbibigyan pa kita. Bahala ka, ikaw din ang magsisisi sa huli.” Nilingon ko siya. Naglalakad na siya palayo. Ano bang sinasabi niya?