Chapter Two

15 0 0
                                    

Chapter Two:

Redd's POV:

Tinititigan ko si Marie habang nagluluto siya. She's wearing a loose white shirt and red boxer shorts, naka messy ponytail at glasses lang siya pero sobrang ganda pa din niya. Hindi siya nakakasawang tingnan.

"What are you looking at? Marunong din naman akong ma-conscious ano." natatawa niyang tanong habang naghihiwa.

Niyakap ko siya from the back at ipinatong ko yung baba ko sa balikat niya. "Ang ganda mo kase eh."

Natawa lang siya sa sinabe ko. "Ang bolero mo talaga."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabe niya. Hinarap ko siya sa akin at tinaasan ng kilay. "Muka ba akong nambobola ha?"

Namula siya sa ginawa ko. Nilapit ko ang muka ko sa kanya, hindi naman siya pumalag kaya I kissed her. It went deeper and deeper kaso biglang may pumasok sa pinto causing her to break away from the kiss.

"Ate, asan ka?" si Maemae pala. Yung younger sister niya. Dalawang taon lang naman agwat nila.

"KUYA REDD!" sigaw niya sabay takbo at yakap saken. Oo, close kame neto. Pareho din kase kameng nasa basketball club.

"Oy! M-mae, a-ano ba! Bitawan mo n-nga s-s-siya!" naiinis namang saway ni Marie. Nakakatuwa talaga tong magkapatid na to.

"Selos ka lang eh!" binelatan niya ang ate nya sabay takbo paakyat sa kwarto nya.

Nang makaalis na si Mae, binulungan ko si Marie, "I won't touch you until we get married. Pag pantasyahan mo nalang muna ako."

"Ang kapal mo!" mahina niya akong hinataw bago siya yumakap. I hugged her back.

After a few hours umuwi na rin ako. Dadaan muna ako sa appartment ni Akane since may pinapabigay si Marie. Gusto ko rin naman bumisita, miss ko na rin naman bestfriend ko.

Pagdating ko sa appartment niya may narinig akong nagtatawanan. Bigla na lang nagbukas ang pinto at nakita ko si Gab na nasa harap ko at akmang aalis na.

"Alis na ako, pre!" tinap niya ang balikat ko at naglakad na palayo. Lumapit naman si Akane sa pinto at kumaway na kay Gab. "Ingat, Gab!"

Natauhan naman ako kaya hinawakan ko si Akane sa pulso at kinaladkad papasok. "Masakit, Redd!" bigla siyang natapilok at galit akong sinigawan.

"Ano bang problema mo?! Bigla-bigla ka nalang pupunta dito at kakaladkadin ako!" nangingilid na ang luha niya sa inis.

"Ako dapat ang nagtataanong sayo nyan! What's wrong with you? Bakit ka nagpapapasok ng lalaking you barely even know! Look at you! Tingnan mo kung paano ka manamit! Are you trying to seduce him?!" hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako nagalit nung nakita kong kasama niya si Gab. Plus the fact that he saw her wearing a sleeveless top with her cleavage almost exposed and short shorts. Bigla nalang nag-init ang dugo ko.

Nakakagat labi lang si Akane at nakatingin sa taas, nagpipigil ng luha. "I'm sorry I can't be as perfect as your girlfriend." napatigil ako. No. That was not what I was trying to imply.

"That's not..."

"That's not what?" pagpuputol niya sa sasabhin ko. Tumayo siya ng hirap na hirap at iika-ikang lumapit sa pinto. "I was mad at myself. Nawala ka nalang sakin nang hindi man lang ako lumaban. Sa sobrang galit ko natapilok ako. Funny, right?" she smiled bitterly. Napatingin naman ako sa paa niya. Namamaga pala yung right ankle niya.

"Gab was here because he helped me. I was not trying to seduce him. All of this is just...me. Hindi lang ako makapaniwala na of all people ikaw pa ang magsasabe ng mga yon saken."

"Akane. I'm sorry. I didn't know."

"Because you didn't try to." binuksan niya ang pinto. "Sabe mo wag ako magpapapasok ng di ko kakilala. Redd, get out. I barely know you now."

I silently stepped out of her appartment. Narinig kong sumara ang pinto sa likod ko, and for once in my life, I felt...alone.

What have I done?

Itutuloy...

HEARTBEATS (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon