Ikatlong Kabanata

37 3 0
                                    

Ikatlong Kabanata

I'm in the mall. Waiting for Dom. Yes, this is it. Eto na yung pinakainaabangan kong araw ng pagkikita namin. 

Kinakabahan talaga ako. Sino ba namang hindi diba? First time naming magmimeet and I hope it will went well.

Nandito ako sa foodcourt to be exact. Having water in front of me. Sa sobrang nerbyos, kada minuto ata ang pag-inom ko ng tubig.

Panay din ang tingin ko sa phone ko. Tinitignan ko kung nagreply na si Dom. Sabi nya kasi kanina, malapit na daw sya. Pero hanggang ngayon hindi ko pa din sya nakikita. Nagsabi ako kung anong suot ko, and I'm sure na kilala na nya ko, nakita na nya ko sa mga pictures so alam kong makikilala nya ako agad.

My hands were terribly shaking. Ewan ko ba, kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi niya ko magustuhan? Paano kung ayawan nya ko? Ano naman kaya ang dahilan kung bakit gusto nyang makipagkita? 

Nakayuko na ko dito habang hawak ng mahigpit ang phone ko. Hindi pa kasi nagrereply si Dom at hindi ko alam kung nasaan na sya ngayon.

"Myks?" Unti unti akong nag-angat ng tingin and saw him. 

Unti unti akong napangiti at napakagat sa labi. Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo.

"Dom?" I smiled at him.

Ngumiti din naman sya at inabot ang kamay sa akin.

"Nice to finally meet you Mikayla Michole Pineda." And then he smile! 

Napakagat lalo ako sa labi ko nang makita ko syang ngumiti. Grabe ang swerte ko naman ata!

"Nice to meet you too Dominique Keyzer Angeles." Lalong lumapad yung mga ngiti nya. Nakita ko yung chinito nyang mata na lalong lumiit. Yung magaganda at perpekto nyang ngipin na nangingintab sa puti. He's so dmn perfect.

"So where we're going?"

"Hmm, ikaw ang bahala!"  Then naglakad na ko pauna sa kanya. I'm smiling widely nang bigla nya kong hawakan sa wrist na dahilan para mapatigil ako.

Feeling ko ay kinuha na ko ni Lord. Heaven ang feeling! So eto na ba yung start na kikiligin ako?

"Tara, let's go on a date." 

Really date? Tas hinila na nya ko kaya hindi na ko nakapagsalita.

Kumain lang kami. Nagtatawanan. We'd make stories sa mga taong dumadaan tas bigla kaming tatawa. Parang ang tagal tagal na naming magkakilala pero sa totoo'y first time pa lang naming magkasama.

Naglaro din kami sa arcade. Nagpataasan pa kami ng score sa basketball. Tas tatawanan nya ko pag natalo ako.

"Paano ba yan, talo ka? Dapat may parusa!" Sabi nya sabay tawa.

"Hoy, madaya ka. Wala namang pinag-usapan eh." Nagpout pa ko.

Pinisil nya ko sa cheeks at ngumiti na naman sya. Natunaw naman ako dun. Parang gusto ko na lang sundin lahat ng sasabihin nya.

"Ang cute mo! Pero wala, dapat may parusa." Sabi pa nito. Nag cross arms na lang ako at tumalikod sa kanya. Aba dinadaan daan ako sa mga bola nya. Naglakad na ko palayo nang tawagin nya ang pangalan ko at hawakan ako sa braso.

"Myks!" Humarap na ko sa kanya habang nakacross arms pa din at tinitigan lang sya na nakunot ang noo ko.

"Ang daya mo naman! Sige na wala ng parusa." Ngumiti ako bigla nung sinabi nya yun. Hinigit ko na lang sya papunta sa iba pang games.

Sana'y Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon