Ikalimang Kabanata

15 0 0
                                    

Ikalimang Kabanata

Mabilis lumipas ang mga araw. Ang daming naging effort ni Dom sa panililigaw sa'kin.

Pumunta pa sya one time sa school. Inaabangan nya pala akong umuwi at hinatid ako. Grabe unexpected talaga yun. At sobrang kinilig si Joyce. Kasama ko kasi sya ng mga panahong yun. Ang swerte ko daw. Ang sweet daw ni Dom. Dahil kahit na medyo malayo sya dito sa'min, 2 oras din ata ang byahe, ay nag-abala pa syang sunduin ako at ihatid. Kumain pa kami noon sa labas.

At sobrang kilig at saya ko noon. Napagpasyahan ko nga noong kinagabihang nakahiga na ako at nagreready ng matulog na 'di ko na papatagalin at sasagutin ko na sya dahil pareho lang naman kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.

Linggo ngayon at kakabangon ko pa lang.

Kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko ng pababa ako ng hagdan.

"Good morning."  Bati ko.

Nang tumingin na ko sa baba ay nakangisi si mama ng abot tenga at si papa naman ay nakasimangot habang nakatingin sa'kin.

Tumingin pa ako sa paligid at nakita ko yung isa naming kasambahay na nasa baba ng hagdan habang may dala-dalang...

Bouquet of flowers??? Wow. Ang aga-aga may nanliligaw agad kay Ate Jom? 

Tumingin pa ko muli kila mama at papa. Mas lalong lumawak yung mga ngiti ni mama. Si papa naman nakasimangot pa din.

Nang pagbaba ko ay inabot sa'kin nung kasambahay namin yung hawak nyang bouquet.

"Kayla, para daw sayo." Nabigla naman ako pero kinuha ko na din. 

Inamoy ko muna ito kahit na hindi ako sure kung para talaga sa'kin ang mga iyon. 

First time ko kayang makahawak ng bouquet of flowers!

"Para sa'kin daw to?" Tanong ko kila mama at papa. Ganoon pa din ang mga reaksyon sa mukha nila. Si mama ngiting-ngiti. Habang si papa naman ay nakabusangot.

"Oo anak, kanino daw galing?" Lumapit pa si mama sa'kin at akmang kukunin nya yung letter ng ilayo ko ito sa kanya.

"Hmmp. Patingin lang eh." Sabi pa ni mama. Hindi ko na lamang sya pinansin at nagdiretso na sa kusina. 

Inilapag ko yung flowers sa tabing upuan ng inupuan ko. Kinuha ko na din yung letter at binasa.

Hi Myks.

Good morning to the most prettiest lady in my eyes. Hope you like this.

- Dom

My goodness! Ang aga aga pinapakilig ako ng lalaking 'to. Buti na lamang at biglang umubo si papa para siguro maagaw ang atensyon ko dahil sobrang lawak na ng ngiti ko dito, kung hindi baka nangisay na ko sa kilig e kay aga-aga!

"Kanino daw galing?" Tumingin ako kay papa ng may pagtataka. Kunwari hindi ko alam kung anong tinutukoy nya. LOL.

"Kanino daw galing yung flowers mo anak." Humagikhik pa si mama na katabi si papa na nakatayo sa kabilang dako ng dining table namin.

Hinintay ko munag umupo silang dalawa bago ko sagutin yung tanong nila.

"Hmm. Kay Dom po." Baliwala kong sagot. Ayokong ipakitang natetense ako! Kasi naman si Dom. Kainis. Hihi. Ang hilig sa biglaan. Hindi ako lagi ready!

Nakita ko namang napataas ang kilay ni father! Nako. Medyo overprotective pa naman yan. 

"Who's Dom?" Napakagat ako sa labi. Anong sasabihin ko? A friend? E bakit nagpadala ng flowers?! Kaasar. Anong sasabihin ko????

Sana'y Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon