Ikawalong Kabanata

18 0 0
                                    

Ikawalong Kabanata

Agad-agad akong pumasok sa bahay nang makarating ako. 

Binura ko agad ang lahat ng pictures namin ni Louie na magkasama kami. Kahit yung may mga kasama naman kaming iba pang kaklase namin nun.

Napabuntong-hininga ako nang matapos kong burahin lahat. Hay. Buti na lang.

Tumayo ako at nag-unat. Medyo napagod ako ngayong araw na 'to ah.

Pasalampak akong humiga sa kama ko. Inalala ko lahat ng nagyari kanina at hindi ko mapigilang mapangiti.

Lahat ba talaga 'yon ay totoo? Bakit parang sobrang swerte ko naman ata?

Hindi na ata maalis 'tong mga ngiti ko sa labi. Hindi ko talaga maintindihan 'tong sarili ko. Para na siguro akong baliw na pangiti ngiti dito ngayon.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Maaga kasi akong nagising! Ang sarap nga ng tulog ko, pero ewan ko ba, maaga talaga akong nagising ngayon.

30 minutes before class ay nasa school na ko. Tas etong ngiti ko hanggang ngayon hindi pa din nawawala.

"Siya yung ex ni Louie diba? Kahapon may guy na nag flash mob dito para sa kanya eh! Ang swerte nya naman. Hindi naman siya kagandahan."

"Lucky bitch"

"Akala ko naman maganda siya kasi ang gwapo ng ex at nung guy kahapon, hindi naman pala."

Ayan. Ayan ang mga naririnig kong mga sinasabi sa'kin ng mga kung sinu-sino sa paligid. Hindi ko naman sila kilala pero akala mo kilalang kilala nila ko kung makapagsalita. If I know mga naiinggit lang sila.

Kaya yung napakagandang ngiti ko kanina ngayon ay nawala na. Wala eh. Nabadtrip ako dun sa mga babae kanina! Asar.

Nakita ko si Joyce na nakikipagtawanan sa mga kaklase nya siguro sa isang bench kaya tumakbo ako palapit sa kanya.

"Joyce!" Tawag ko sa kanya ng makalapit ako. Tumayo naman siya at niyakap ako.

"My ghad, nakita din kita sa wakas! Kinikilig ako! Magkwento ka na dali." Halata dito na kilig na kilig at excited siya sa kwento ko kaya napangiti ako.

"Oh? What's wrong? Bakit ganyan mukha mo?" Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit kaya kumunot ang noo nya.

"Girls, wait lang ha, see you in class na lang mamaya." Sabi niya sa mga babaeng kasama nya kanina at hinila na ko.

Nakarating kami sa may cafeteria at umupo kami sa pinakadulong pwesto.

Wala pa din namang ganung tao ngayon dahil masyado pang maaga.

"Tell me, bakit?" Sabi nito sa'kin. Ngumiti muna ako sa kanya bago magsalita.

"Hindi mo ba naririnig yung mga sinasabi sa'kin ng mga tao ngayon. Hay, ang lakas ko lang sa mga iniisip kong gusto kong gawin, pero pag magsasalita na ko para ipagtanggol ang sarili ko wala na kong masabi."

Mukhang hindi naman niya naintindihan ang sinasabi ko kaya nagsalita ulit ako.

"Kasi... kanina eh." Napayuko ako. Mahina talaga ako. Kahit na parang ang maldita, ang sungit kong tignan, mahina talaga ko. Buti nga at andyan si Joyce. Lagi nya kong ipinagtatanggol noon pa mang mga bata pa kami, bago ko pa makilala si Louie.

"About those gossips? Tungkol sa mga nangyari kahapon?" Tanong nya. Tumango naman ako.

Nagbuntong-hininga muna siya bago ulit magsalita.

Sana'y Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon