Ikaanim ba Kabanata

15 1 0
                                    

Ikaanim ba Kabanata

Isang linggo na simula nung nagkita kami ni Dom. 

Nag lie low muna ako. Hindi muna ako masyadong nagpaparamdam sa kanya. Pero sya halos araw-araw pa din nagtetext at tumatawag pero bihira ako sumagot sa mga text nya at hindi ko sinasagot ang mga tawag nya.

Nakatulala na naman ako dito sa kwarto ko. Nag-iisip. Narealize ko nga bigla, ang boring ng buhay ko. Lagi lang akong nasa bahay, kung wala naman na sa school.

Ang boring diba?

Napatalon naman ako bigla ng marinig kong magring yung phone ko.

Tinignan ko kung sinong tumatawag. Kinabahan agad ako, akala ko si Dom. Hindi pa kasi ako sure kung ready na agad akong makipag-usap sa kanya.

Nakahinga naman ako ng malalim ng makita kung sino. Si Joyce.

Sinagot ko agad ito.

"Waaaaaaa, Kayls!" Nilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko. Joyce talaga eh! Ang ingay.

Nang sa tingin ko ay hindi na sya sumisigaw ay inilapit ko na ulit ang phone ko sa tenga ko.

"Oh, anong problema mo?" Tanong ko rito sa naiiritang tono! Hehe. Kunwari lang.

"Pag tumawag may problema agad? Hindi ba pwedeng may sasabihin lang?" I roll my eyes. Parang bata si Joyce! Ugh!

"Oh, bakit ka napatawag?" Binago ko na ang tanong ko ha! Kasi naman.

"Kayls, may reunion daw tayong batch! Excited na ko. Waaaa!" Nilayo ko ulit yung phone sa tenga ko. Grabe talaga si Joyce. Hindi makapagsalita ng hindi tumitili? Nakooo.

Pero kaming batch may reunion? E kakagraduate lang kaya namin nung March, reunion agad?

"Hoy Mikayla, sumagot ka nga!" Yan ang narinig kong sigaw nya mula sa kabilang linya ng ibalik ko sa tenga ko ang phone ko.

"Eh kasi naman, sigaw ka ng sigaw! kainis!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya.

"Tse! So ano, sa December 22 daw gaganapin yung reunion! Weee. Excited na ko!" Sabi pa nito.

"Oh, yun lang ba ang dahilan bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya.

"Taray mo ngayon ah! May sasabihin pa ko." Napataas naman ang isa kong kilay, bigla kasi syang naging seryoso.

"Oh, bakit?"

"Kamusta kayo ni Dom? Any development?" Alam ko, kahit hindi ko sya nakikita ngayon ay nakangisi na ito. 

Napabuntong hininga na lang ako. Wala. Wala naman kasing development. 

Last week lamang e gustong gusto ko na syang sagutin. Ngayon naman parang nagdalawang isip ako bigla.

"Wala. Hindi ko alam." Napaupo ako sa kama ko.

"Ha? E kala ko ba okay na okay kayo ha? Diba last sunday nagkita pa kayo?" Another sigh.

Ano bang sasabihin ko. Hay.

"Basta Joyce. Saka na ko magkekwento." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya dahil binabaan ko na sya.

Kababa ko pa lang ng phone ko ng biglang magring ulit ang phone ko.

Asar kong kinuha ito at sinagot agad ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

Sana'y Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon