Ikapitong Kabanata

18 0 0
                                    

Ikapitong Kabanata

"Kayls!" Si Joyce.

Umupo ito sa tabi ko.

"Ano na namang nangyari? Bakit ganyan yang mukha mo?" Tanong nito sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sya sinagot.

"Joyce, nag da doubt na ko ngayon kay Dom. I don't know kung nagsasabi pa siya ng totoo sa'kin." 

Yes. Ilang araw ko din tong pinag-iisipan. Nakakainis na nga eh! Eto na lang lagi ang iniisip ko.

"Bakit?" Takang tanong nito. Buti na lamang at hindi siya masyadong hyper ngayon. Wala pa naman ako sa mood.

Kwinento ko sa kanya lahat. Napabuntong hininga na lang siya ng matapos akong magkwento. Kahit siya siguro ay hindi alam kung anong maipapayo sa'kin.

"Ewan ko lang Kayls ha? Pero kung nag-eeffort pa din naman siya para sa'yo, baka totoo naman yung mga sinasabi nya." Nakatingin ito sa malayo habang nakatingin naman ako sa kanya.

Kaasar naman! Ano bang dapat kong gawin? Tingin ko nga ay mahal ko na ata si Dom.

Kung kailan gusto ko naman na sana syang sagutin saka ganito.

"Hay naku Kayls, yaan mo na muna yan!" Napangiti na lang ako.

"Oo nga pala, sabi nila Yumi, tayo daw bahala sa foods para sa reunion." Si Yumi ang class president namin noong highschool kami. Kaya siya rin siguro ang nag-aayos ng lahat para sa reunion.

Naalala ko bigla. Classmate ko si Louie noong highschool. Hindi kaya kasama din siya?

Pero malamang oo! Classmate ko nga eh. Tss

Pero para makasigurado ay itatanong ko na lang kay Joyce.

"Ah, Joyce..." Tumingin naman ito gamit ang kanyang nagtatakang mukha. Hinihintay ang kadugtong ng sasabihin ko. "Ah, kasama ba si-" 

"Louie? Oo. Classmate natin siya eh." Parang wala lang sa kanya kung sinabi niya iyon.

"Ah.." Napayuko na lang ako.

"Tell me Kayls, may nararamdaman ka pa ba para kay Louie?" Hindi na ko makatingin sa kanya.

Bakit ba sobrang seryoso niya na! 

"Ah. May gusto ka pa nga sa kanya." Balewala nya lamang na sabi.

Gusto ko sanang sabihin na oo! Gusto ko pa din siya hanggang ngayon! Oo mahal ko pa sya! At oo hindi ko pa din siya nagagawang kalimutan! Kahit na ako yung nakipagbreak sa kanya, bakit feeling ko ako pa yung mas nasasaktan! Bakit pakiramdam ko, siya masaya habang ako nanghihinayang at nagsisisi!

Alam kong ang babaw ng dahilan ko para makipagbreak sa kanya, kaya nga eto ako ngayon oh! nagsisisi.

--

Hindi na rin naman nagsalita si Joyce sakin kanina. Mukhang nainis siya sa naging reaksyon ko sa tanong nya. 

Isa din naman siya sa nagpumilit sakin sa pakikipaghiwalay kay Louie kahit hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko eh! kaya wag siyang ganun. Nakakairita eh.

Naglalakad na ko palabas ng campus ng biglang may tumugtog. 

*Now playing: It girl

Napahinto tuloy ako. Hindi naman kasi nagpapatugtog dito sa school eh. At ito pa ang tugtog?

Sana'y Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon