Aldrich POV
Being an actor/host is so hard, but I love my job.
Mahirap kasi maraming nakatingin at sumusubaybay sa bawat galaw mo. Hindi naman ako sobrang sikat, pero masasabi naman isang kilalang actor. Madami na din ako nagawang pelikula, teleserye at hinost sa television. 4 years na din ako sa showbiz at masasabi kong sanay na sanay na ako.
Inspiration ko ay ang girlfriend ko. Si Erina, matagal na kami na halos kasing tagal din ng showbiz career ko. Umiikot ang buhay ko sa kanya at sa showbiz. Si Erina din ako kumukuwa ng lakas tuwing sobrang pagod at puyat na ako. Walang araw na hindi ko siya puwedeng hindi makita, dahil mababaliw yata ako. Pag nasa ibang bansa nga ako siya lang iniisip ko.
"Mr.Cruz, I want to know if everything is okay and ready now?" kausap ko ngayon sa phone ang restaurant manager ng hotel.
"Yes Mr.Villafuente everything is okay now. Naka ready na po ang lahat ng pinahanda ninyo."
"Thank you Mr.Cruz." paalam ko na dito.
This is a double celebration for me and to my girlfriend. Well, every month we celebrate our monthsarry. Bonding and date na din namin. Dahil sa sobrang busy ko madalas sa bahay namin or bahay na lang nila kami nakaka pag bonding at nakakpag usap. Kaya napag usapan namin na kahit 1 a month may date kami dalawa, kahit madalas ay patago pa.
Malawak ang pang unawa ng girlfriend ko, mababaw lang din ang kaligayahan namin parehas. Magkasama lang kami ay okay na, that's why I love her so much. She is so understanding and so caring to me. Wala na ko mahihiling pa because she is so perfect for me.
Outdoor dinner ang pinahanda ko, I want romantic dinner now. Very romantic dinner. Pinahanda ko ang lahat sa Road Manager ko pati ang fireworks after the dine.
Everything is settled and ready now. Walang naging problema sa gabing ito.
"Love, may inihanda ka na pala isusuot ko tonight, nagdala pa naman ako." Erina said, nasa likuran ko siya ngayon nakayakap siya mula sa likod ko. She is so sweet. Pagkasama ko siya kailangan ng matinding pag pipigil. Madalas maakit ako sa kanya, at sobrang paghihirap ko talaga pag na aattempt na ako.
"Of course Love, sabi ko naman sayo ako na bahala sa lahat. Nagkamali ako na sabihin sayo na mag dala ka ng damit. Well it's okay may reserba ka. Mainam na yung may reserve right?" humarap ako sa kanya at yumakap din sa kanya. Hanggang balikat ko lang ang taas niya. Napaka dali niyang buhatin at yakapin. Inamoy amoy ko ang mabango niyang buhok ang amoy na amoy ko din ang nakakahalina niyang bango. Well, kaliligo lang niya.
Araw araw ay mas nababaliw ako sa kanya. Matagal na kami OO pero yung pag mamahal ko sa kanya hindi nababawasan, lalo pa itong nadadagdagan araw araw na magkasama kami.
Isa, kung bakit ko siya sobrang mahal ay yung pagiging masayahin niya, yung mga mata niyang lagi nakangiti. I love her smile. Well, mahal ko lahat ng sa kanya. Mahal ko buong siya. Ganyan ako ka baliw sa babaeng ito. Isa siyang sakit na kumakalat sa buong katawan ko. Sakit na walang lunas, na buong puso kong tatanggapin kahit ikamatay ko pa.
"Love, mag ready ka na..... Baka hindi ako makapag pigil hindi na tayo lumabas sa suite na toh." bulong ko sa kanya. Haha hinampas niya ako sa dibdib ko... My innocent girlfriend..
"Love!" gulat na sigaw niya sa akin. Haha I make her blush. Kuntento na ako, she always have affect on me.
"Go Love, hindi ako nagbibiro. Gustong gusto kong halikan yang labi mong sobrang mapang akit. Habang nakakapag pigil ako ay umalis ka na." seryosong sabi ko sa kanya. Sino ba kasi nagsabing nagbibiro ako? Iyan talaga ang nararamdaman ko ngayon.