Chapter 7: Miss so much

2 1 0
                                    


Aldrich POV


I have nothing to do to my schedule. Lahat ay rush, lahat ay may deadline. Kailangan madaliin ang tapping namin para sa movie ngayong darating na December, meron na lang kami isang buwan para sa tapping kasabay ang promotion nito sa mga tao. 

Halos wala na kaming uwian, the crew and the staff. Nararanasan kong matulog na lang sa sasakyan ko, hindi na ako makauwe ng bahay. Ang P.A. ko na lang bahala sa lahat, sa mga gamit ko at sa lahat ng mga kailangan ko. 

Tapping sa hapon hanggang madaling araw, at shows sa tanghali. What the fucking life. 

Pinangarap kong sumikat, pero hindi ganitong halos wala ng pahinga. Wala na akong time para sa sarili ko, lalong lalo na kay Erina. 

May time na gustong gusto ko na siya matawagan man lang pero hindi ko magawa dahil sa sobrang busy ay nakakalimutan ko na. 

May usapan kami na uuwe ako sa condo niya ng gabing iyon pero hindi ko nagawa dahil may biglaang shows at meeting para sa bagong movie namin. Hindi ko naman kayang pabayaan. Kami ang demand ngayon sa mga tao, at hindi ko kayang biguin ang mga tao, hindi ko kayang maging unprofessional. 

Humingi ako ng sorry and she said that's OK. It means nothing to worry. May tiwala ako sa salita na yon. Alam kong naiintidihan niya ako, sa lahat ng tao siya lang ang alam kong napaka lawak ng pang unawa. Ang lahat ay kaya niyang intindihan. Isa iyon sa sobrang minahal ko sa kanya. 

Dumating ang Sunday, at wala pa din akong karapatang mag pahinga, she texts me kung available ako that day, because of family dinner. Every Sunday kasi ay may Family dinner sila at madalas ay bahagi ako nito being part of the family. I sadly said I'm not available, at sinabi ko ang dahilan ko sa kanya. 

Pero wala na ko na received na kahit anong reply mula dito. 

Maybe she's mad at me? 


Lumipas ang mga oras, hindi ko na naisip na baka nga nagtatampo na ito sa akin. Hinayaan ko na lang. 

Out of town ang naging tapping namin, nasa Zambales kami ngayon. 2 days kami mag stay dito,at kailangan namin matapos ang scene bago kami bumalik ng Manila. 

Maraming fans ang mga nanunuod sa amin, halos pagkaguluhan kami dito sa tapping buti na lang ay marami ang security ang nakabantay.

Maraming lumalapit na fans, may nag aabot ng mga chocolates, stuff toys , flowers at kung ano ano pang personalized gifts sa amin ni Marianne. 


"Aldrich, paki bigay naman ito kay Marianne." isang fans na babae ang nag abot sa akin ng bouquet of roses. Malaki ito siguro mga 36 pieces ang roses na nakalagay dito. 

"Sige po." sabi ko sa fans. Tumili pa ito sa kilig at nagpa picture pa sa akin, pinag bigyan ko naman. Kahit sino naman ang lumapit sa akin at hangga't maaari ang pinagbibigyan ko lahat. 

I gave the flowers to Marianne. "Yan-yan, pinabibigay ng fans mo." tumabi ako sa kanya sa upuan. I'm tired... really tired. Malaki kasi ang upuan na yon maginhawang sumandal. I want to nap kahit ilang minuto lang. 

"Thanks Drich" nickname basis lang kaming dalawa, dahil sinanay na din ng mga crew and staff na iyon ang maging tawagan namin. Dahil ang loveteam namin ay tinawag na "YanDrich". 

Nakatulog ako sa pag sandal na iyon sa upuan nito, hindi ko na namalayan ang mga nangyari pa. 


My Boyfriend is A PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon