Erina's POV
Hindi ko alam kung paano ko ipapakita ang tunay na nararamdaman ko ngayon, pero isa lang masasabi ko. Napaka saya ko ngayon, malapit ng maging ganap na maging akin ng buong buo ang taong pinaka mamahal ko.
Ganito pala ang feeling, para kang na sa heaven. I'm feeling like in heaven, para akong lumulutang sa sobrang saya.
Selfish man pero hiling ko sana ay ganito na lang kami lagi. Panginoon, kalabisan man po sana ganito na lang po kami lagi, wla po sana mabago pa.
After the fireworks masaya kaming nag party lahat. May mini stage na naka set up doon para sa band, ang mga kaibigan ni Aldrich ay isang grupo ng banda, si Aldrich talga ang tumatayong vocalist nila.
Nag sayawan at kantahan kaming lahat habang umiinom ng iba't ibang klaseng alak. Ang mga matatanda ay nakikisiya din noong una pero kalaunan ay nauna na din pumasok sa loob ng hotel para mag pahinga dahil na Out of place na daw sila hindi na masabayan ang kahiligan namin.
Ang mga kapatid ko naman ay nakikisiya din kasama ang mga kaibigan namin. Nang mapagod kami sa pag sayaw ay nag set up sila ng isang mahabang mesa para doon kami mag harap harap para mag inuman. Madalas namin ito gawin pag may occasion. Kaya hindi na din bago ang bawat isa sa amin.
Ang mga kaibigan ni Aldrich ay parang mga kaibigan ko na din. Parang kami isang barkadang nabuo. Ang mga Kuya ko naman ay hindi nalalayo ang edad sa kanila at nag kakasama din sila sa gimikan kay magkakasundo sila.
Ang isa sa pinaka napansin ko ngayong gabi ay si Sue, masyado silang malapit ni Kuya Echo. Ang pangalawa sa amin magkakapatid.
Ang panganay sa amin ay si Kuya Jayson na may pamilya na. May 1 cute na cute akong pamangkin sa kanya na super love ko, babae ang anak ni Kuya kaya napaka sarap bihisan at ayusan. 2 years old na ang baby girl namin. Siya din ang namamahal ng company namin katulong ni dad sa pamamahala. Engineer yan, at isa sa pinaka magaling na engineer sa bansa.
Pangalawa naman ay si Kuya Echo, binata pa at katulong din ni dad sa pamamahala. Business management naman ang course niyan at siyang namamahala ng finance and accounting matters ng company. Pinaka matalino sa amin yan. Pinaka loko din.
Pangatlo naman ay si Kuya Jarred, pinaka mabait sa lahat. Siya pinaka kasundo ko siguro dahil magkasunod kami. Partners in crime ko yan and super spoiled ako dyan in a good way naman. Sa amin 4 siya lang ang walang interest sa company ng pamilya, dahil ang hilig niya ay photography and paiting. He's into art. He is so artistic, na siya din ang malaking impluwensiya sa akin. Natuto ako gumuhit ng dahil sa kanya, pero mas nagustuhan ko gumawa ng magagandang bahay at building kaya Architectural ang kinuwa ko.
Ayan na describe ko na ang mga kapatid ko. Ang mga kaibigan ko naman ay saka na lang. Basta isa lang masasabi matatalik ko silang kaibigan sa hirap at ginhawa ay maaasahan.
Iba't ibang klaseng alak ang nakalabas may mga expensive liquors at local beers. Karamihan maiingay na at mukang may tama na. Ako naman ay umiinom din pero hindi ganun ka dami. Lagi nakabantay si Aldrich pag ako na ang mag shot.
"Love, hinay hinay." bulong nanaman niya na narinig ni Sue.
"Ang KJ mo Aldrich, celebration nga eh NO Limitations." pangbabara ni Sue kay Aldrich.
Tawanan ang lahat. "Hindi daw magandang tingnan sa babae ang malakas uminom." hirit naman ni Kuya Echo.
"Wala ako paki alam sa paniniwala mo." barado si Kuya sa bunganga ni Sue. Isigaw pa naman.
Namula si Kuya, ng nakabawi ay nagsalita ulit "Turn off" nahinang sabi niya sigurado akong narinig ni Sue iyon dahil narinig ko din eh..
"Stop that! Youre too primitive Echo, hindi maganda sa lalaki yan." pang pipigil ni Kuya Jayson sa dalawang malapit na magkainitan.