Chapter 5: Contented

1 0 0
                                    

ALDRICH POV

She's crazy. Hindi daw niya ako kilala! Sino niloko niya?

Diyan kami nagsimula ni Erina, bangayan at awayan. Para kaming aso't pusa nong simula at bandang huli ay nahulog ang loob ko sa kanya.

She is really funny, weird, sweet, naive and amazingly beautiful. Niligawan ko siya ng ilang buwan bago ako sinagot.

May mga trial man sa relasyon namin ay na survive namin ang lahat ng iyon. Naging mahirap para kay Erina noong una dahil marami siyang naririnig na negatibo tungkol sa akin, at napatunayan ko naman sa kanya na seryoso talaga ako at handa ako mag bago para sa kanya. Madali lang sa akin ang kailimutan ang mga babae dahil nahanap ko na ang babaeng hinahanap ko. At si Erina iyon.

Pagkatapos ako masahihin ni Erina sa likod ay tumabi na ito sa akin at yumakap. Sa ginawa niyang masahe ay naramdaman ko lahat ng pagod at kawalan ng tulog ng ilang araw. Ngayon ay makakatulog ako ng mahimbing sa tabi ng mahal ko.

Kinabukasan....


10:00am na ako ay nagising, nagising ako sa vibrate ng phone ko na mukang kanina pa may tumatawag.

Shit, maaga pala call time ko ngayon sa studio dahil may performance kami ng live mamaya.

Nagmadali ako sa pag bangon at dumiretso sa bathroom para maligo. Hindi ko nakita si Erina pagkagising ko, siguro ay nasa labas na ito. Mayang hapon pa kasi ang klase nito ngayong araw.

Tama, naabutan ko itong nagluluto. Siguro ay lunch, nilapitan ko ito at binigyan ng back hug.

"Good morning love" bati ko dito sabay halik.

"Good morning din love, I prepare our brunch. Hindi na kita ginising para makapag makatulog ka ng matagal." Paliwanag ito. It doesn't matter na hindi niya ako ginising. I'm thankful pa nga kasi concern lang siya para sa akin. "May work ka pa mamaya diba? Baka late kana?"

"It's okay love, ngayon lang naman ako ma late sa work. Magdadahilan na lang ako. Pero kailangan ko na din mag madali kasi hinahanap na nila ako." Kailangan din maging professional.

"Wait love ha, ipaghahain lang kita. Alam mo naman na hindi din kita paalisin ng wala man lang laman iyang tiyan mo."

"I know love. Tulungan na kita." Tinulungan ko na siya sa paghahain at sabay na kami kumain. She really have talent, huwag lang mag hugas ng pinggan.

"Ako na maghuhugas ng pinagkainan natin love, you may go now you have a work pa." She said. Sa ganitong pagkakataon ay hinahayaan ko na siya. Wala na din naman ako choice. I really need to go. Hindi ako pwde mag absent sa noontime show ko ngayon sa panahon na in demand kami sa mga Tao. Lalo na ako.

"Thank you love. Kung pwde lang mag stay na lang ako dito sa tabi mo buong maghapon ay gagawin ko. Kaya lang wala yata ako karapatan mag rest day sa mga panahon na ito." Niyakap ko siya at hinarap sa akin. Naglalakad kami ngayon pa punta sa may pintuan. Hinatid niya ako hanggang elevator.

My Boyfriend is A PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon