Chapter 2

65 0 0
                                    

Chapter 2: "Jelly? Or jellies?"

***

I knew I made the right choice. Tama ang desisyon ko. And I won't regret it.

Napahiga ako sa kama ko at huminga ng malalim. I know I missed out an opportunity na makasama si Theo. Then the thoughts hit me again at napaupo ako.

TAMA BA ANG GINAWA KO?

Dahil hindi na ako mapakali, tumayo ako at sumilip sa bintana. Viewing kasi dito ang garden nila Jeremy kung saan nag-iingay ang varsity players ngayon. They're all boys that's why hindi ako sumama.

Hindi ko nalang namalayan na matagal na akong nakasilip hanggang sa tumunog yung doorbell namin. At dahil nasa trabaho pa ang parents ko at ako pa lang ang tao dito sa bahay, ako nalang ang nagbukas.

"Iaine!" tumambad sa akin si Dianne. Teka, anong ginagawa niya dito? Well it's not as if hindi siya pwedeng pumunta rito pero unusual lang na unexpected ang oras na ito.

"Dianne? Whatcha doing here?" nauna akong naglakad papasok ng sala namin at umupo sa sofa pero siyempre iniwan kong nakabukas ang pinto nang sa ganun ay makapasok ang kaibigan ko

Pero imbes na sumunod sa akin ay nasa pinto pa rin siya at nakatayo.

"Naghihintay ka pa ba ng invitation pumasok? Anong gusto mo, printed or handwritten? Wait. I prefer handwritten na lang. Mahal kasi magpa-print eh." bumalik ako sa kanya "Hoy."

She stared at me.

"Ang kulit mo talaga, Iaine. Nandito ako para samahan ka sa bahay ni Jeremy." dire-diretso niyang sabi.

Huh? Is she even aware na andun si Jake dun? Not to mention the whole varsity team?

Oh wait.

"Oh eh bakit mo ako sasamahan? At sino naman ang---"

"Tatayo na lang ba tayo dito?" hinila niya ako palabas ng bahay "Haay naku Iaine. To cut the story short, ni-invite ako ni Jeremy sa small gathering nila."

Huuuh? Bakit naman? Anong event ngayon? May nagbe-birthday ba? Wala naman ah?

"Anong small gathering? That gathering consists of the varsity team. Di kaya dahil mapapaligiran tayo ng mga nagagwapuhang mga lalaki kaya ka pupunta dun? Stalker ka rin ba? Huh, Dianne?" hila-hila pa rin niya ako -_-

Dahil dun sa sinabi ko, napatigil siya.

"What the fudge, Iaine. Tinawagan ako ni Jeremy kanina at pinapunta ako dito dahil anniversary ng parents niya...at invited tayo."

Oh. EH BAKIT KASI HINDI SINABI NI JEREMY KANINA?! Argh.

Wala na akong nagawa. Anniversary pala nila Tito at Tita eh. Kaya nga lang, importante rin ang bahay namin kaya't bumalik muna upang isara ang pinto at gate namin. Pagdating naman namin sa bahay nila Jeremy, agad naman kaming sinalubong nina Tito at Tita at binati naman namin sila. Napapansin ko lang ah, konti lang ang bisita nila. Parang officemates lang at...the whole varsity team and me and Dianne.

"Iaine! At last napilit ka rin!" lumapit si Jeremy sa akin

Sinuntok ko siya sa braso at napasimangot siya. Tsk. Serves him right!

"Ba't di mo sinabi na anniversary pala ngayon ng parents mo? Akala ko naman walang event ngayon. Tsk." Me

Inakbayan niya ako at nang nilingon ko siya,  naka-pout na siya. Yucks lang.

"Sorry na." he said while still pouting.

Okay okay I admit cute ang best friend ko when he pouts.

10 Signs With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon