Chapter 4: "Zombies!"
-DIANNE'S POV-
Haaaay nako itong si Iaine. Iiwanan na naman ako. Paano kasi, hindi nagbabantay sa mga lumilipad na mga bola! Marunong namang magbasketball pero yan ang problema sa kanya minsan. Ayan tuloy wala na naman akong kasabay umuwi! -_-
Naglalakad ako ngayon sa school halls dahil time na for my next class. Supposed to be blockmates kami ngayon ni Iaine pero magiging loner na naman ako! Argghhhhh
"HOY DIANNE!" biglang may tumalon sa harap ko
"AYY ANAK KA NG NANAY MO KEITH! ANO BA?!?!?!?"
Guys sino ba ang hindi magugulat eh tahimik na yung hall ng school tapos ginawa pa niya yon. Badtrip.
"HAHAHAHAHA ang dali mo naman magulat Dianne! Para ka namang tuta diyan. HAHAHAHAHAHAHA"
Bwisit. Bwisit. Bwisit. Bwisit.
Anong ginagawa niya dito?
Me: "UMALIS KA NGA SA HARAP KO. KAINIS 'TO."
Keith: "Ano bang ginawa ko? Kanina pa kita tinatawag pero di mo naman ako pinapansin. Parang malalim iniisip mo."
Me: "Ewan ko sa'yo."
Inirapan ko siya at nauna nang naglakad.
"T-teka lang Dianne! Sabay na tayo!"
Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Nakakabwesit siya! NAKAKAINIS! >___________<
WHAT THE HELL?!?!
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko "Anong sabay na tayo? Ulul ayoko." sinabi ko yon ng hindi nakaharap! Aba aba
"Ang kulit mo talaga Dianne!"
WELL BAHALA SIYA!! NAKAKAINIS!
Mabuti nga't nakarating ako sa room ng matiwasay...meaning iniwan niya talaga ako dun sa hall.
Naabutan ko ng naga-attendance na prof namin. Haaaay salamat hindi pa ako natawag.
"Miss Salvacion?" oh great. Napansin ako ni Prof.
"Ayy sorry po Maam! Good morning po. Hehehehe" okay naman sa akin ang teacher na ito eh. Minsan nga magka-vibes kami.
"Nasaan ba si Miss de Vera? I think this is her first time to be absent in my class?" tinanong niya ako
Ah yeah. First time talaga ni Iaine mag absent sa class na ito. Sa lahat ng classes, ito lang ang may complete attendance sa kanya. Shet naman Iaine! Bakit tatanga-tanga sa court eh! Ayan tuloy forever alone ang peg ko dito.
"Ayy Maam. Umuwi sa bahay nila. Natamaan kasi ng bola kanina sa P.E. class nila. Ayun sapul sa mukha tapos nahimatay. HAHAHAHA!"
Weird ko ba? Hahahaha ganito lang talaga kami ni Iaine sa isa't-isa. If I know sinisiraan din niya ako pag ako ang absent.
"Ayy talaga? Nakakapanibago." yeah Maam. I know right?
Ayun continue si Maam sa attendance tapos tinawag na ako tapos...
"Mr. Yap! You're late again."
Oh I forgot. Blockmate ko rin pala ang tukmol na ito. -______-
"Sorry po Maam. I went to the clinic kasi Maam."
Ano bang pinagsasabi ng kumag na ito? Sus reasons. Tsaka CLINIC? Hellooo, nakasabay ko kaya siya kanina! Err...before ko siya tinaboy.
BINABASA MO ANG
10 Signs With Him
Novela JuvenilMeet Iaine, a girl who follows the signs to him. But the question is: where will those signs really lead her?