Chapter 1: "Color & Numbers"
***
Panaginip lang ba ang lahat ng yun? Haaays tae naman itong bestfriend ko. Sobrang paasa -____-
"Hoooy Dianne, sige na. Hindi naman ako naniniwala na ikaw talaga ang nagdala sa akin sa clinic."
Tumigil siya sa paglalakad.
"Ilusyonada ka talaga Iaine. Sa tingin mo ba, totoo talaga yun? HALER! Si Theodore Jake Francis Santiez na kaya yun! You're just a Cinderella without the Prince Charming." natatawang sabi ni Dianne
Impaktitang ito, masyadong pranka kung makasalita. >___<
Eh paano kasi, sabi niya sa akin, siya daw talaga ang naghatid sa akin sa clinic at nababaliw na raw ako. Imposible raw na si Theo ang magdala sa akin. >_______<
"H-hoy. Anong ibig mong sabihin na Cinderella without the Prince Charming? Excuse me, may Prince Charming ako no!"
"Hay naku ang slow mo talaga, girl." napa-facepalm siya "Sa tingin mo, mai-inlove si Theo sa'yo na super gwapo, matangkad, chinito, maputi, basketball player at higit sa lahat mabait? Eh halos magkalayo nga ang buildings niyo eh! Di man lang kayo nagkakasalubong. Tsaka coincidence lang yun kung magkataon."
"P-pero..."
"Wala nang pero-pero. Tara na nga. Male-late pa tayo sa next class natin eh."
Coincidence nalang ba talaga ang pagkikita namin? :/
***
“Woooh! Go Jeremy! Talunin mo sila!”
“Oo nga! You make talo those ugly shokoys!”
Ugh. Isang conyo at isang slow. Well okay lang naman maging conyo pero ang bobita lang talaga ng mga babaitang ito. Makasigaw, wagas eh. Ang mas nakakairita pa ay nagchicheer sila pero di naman kailangan talaga. HELLO PRACTICE PA ITO. Yung tinatawag nilang shokoy ay parte din ng varisty players ng school.
Paano ako nakarating sa Gym? Nanonood din ako dahil...
DAHIL SA KAPITBAHAY KONG SI JEREMY. Sabay kasi kaming umuwi everyday tsaka itinuturi na naming ang isa’t-isa bilang magbestfriends.
Habang naglalaro sila, may isang player ang nahagip ng mga mata ko.
“Oyy Stacey! CUTE BOY ALERT.” – sabi ni bobita
Stacey pala ang pangalan ng conyo.
“Oo nga? Pero CHE! AKIN SIYA!” Stacey
“Yung number 22? Bakit kayo ba? Ikaw ba girlfriend?”
JERSEY # 22.
Isang tao lang ang nakasuot ng jersey na ganyan. Ever since second year pa lang ako, iyang number na yan ang palagi niyang ginagamit. Diba may meaning ang mga numbers na pinipili ng mga players?
NOVEMBER 15. Dun ko lang naalala ang birthday ko.
Kung ang birthday niya ay JUNE 7 tapos ako NOVEMBER 15. So that means...if you add 15 + 7...
*dug dug dug dug dug dug*
WAAAAAAAAAAAH! >///////<
But wait.
Sabi nga ni Dianne na wag daw ako mag-assume. Oh edi sige. Hindi na maga-assume. -________-
Pero hindi eh. Hindi pa rin ba ako maga-assume kahit nakatingin siya dito?
BINABASA MO ANG
10 Signs With Him
Novela JuvenilMeet Iaine, a girl who follows the signs to him. But the question is: where will those signs really lead her?