Chapter 3
*Lecture Room*
"Good Morning Kids! "-masayang bungad ko pagkapasok sa loob. Lumapit naman sila lahat sakin at niyakap ako.
"Good morning ate/Mama!! "-sabay sabay na sigaw nila habang nakayakap sakin.
^_^
" Kamusta na kayo? Hindi niyo ba kinukulit sina Sis. Tisa? "- yumuko ako para maging kalevel ko ang mga bata.
" Okay lang po kami, Ate Joy"- masayang sagot ni Lucas. Siya ang pinakamantanda sa kanilang lahat kaya para na din nila itong kuya.
" At behave po kami ate Joy. Promise!"-singit naman ng may katabaang pangangatawang si Makoy.
"Very good!"- sabay pat ko sa ulo nila Makoy at Lucas. Sila kasing dalawa ang kuya kuyahan nila sa orphanage.
Bigla namang lumapit si Ana na maydala dala pang manika. Siya ang pinakabata sa kanilang lahat. Mama din ang tawag niya sakin dahil gusto niya daw akong maging mama.Actually, dalawa lang silang tumatawag na mama sakin, si Anthon at itong si Ana. Gusto ko nga silang umpunin eh, silang dalawa ni Anthon. Pero hindi pa pwedi, sa kadahilanang hindi pa ako kasal."Oh baby, may problema ba?"-sabay garga ko dito at pinaupo sa lap ko. 5 years old pa lang kasi Ana. Sanggol palang siya ng dinala dito sa bahay ampunan.
"Mama Joy, alam niyo po ba ang lungkot ni Kuya ngayon. Ayaw ko po tyang nakikitang malungkot"-malungkot na sabi nito."Ano naman kaya problema ni Anthon? " itinuring na ni Ana si Anthon na totoo nitong kuya sa kadahilanang si Anthon ang nakita sa kanya nung iniwan siya sa labas ng bahay ampunan.
" Wag ng malungkot ang baby ko. Kakausapin ni Mama si Kuya Anthon mo, okay ba sayo yun? "- ayaw na ayaw kasi nitong makikitang malungkot ang kuya Anthon niya.
" Gutho ko po yun,mama!"- bulol na sagot nito. Salamat naman at ngumiti na din si Ana. Para ko na talagang anak tung bang to. Ginulo ko naman ang buhok nito at ibinaba sa pagkakaupo sa lap ko. Kailangan ko pang kausapin si Anthon.
"Baby, I'll talk muna ni mama Joy si kuya Anthon ah. "-sabay halik ko sa pisngi nito. Tumingin naman ako kay Lucas at Makoy at nagsalita.
" Alis muna si Ate mga bata ah. Lucas at Makoy kayo na bahala sa mga bata,okay?"- sabay pat ko sa mga bata.
"Kami na po bahala, Ate Joy. "- sagot naman ni Lucas. Tumango lang din si Makoy bilang pagsang-ayon dito.
"Sige, alis na ko. Bye mga bata! "- kaway ko dito at nagsimula ng maglakad pa puntang pintuan.
" Bye Ate/Mama!"- rinig kung sigaw nila at tuluyan nadin akong lumabas. ^_^ Nakakagaan ng loob na makasalamuha sa mga batang yun. Dahil sa kanila nakakalimutan ko panandalian ang tungkol sa marriage proposal.
Nakita ko naman agad si Anthon na nakaupo lang sa ilalim ng puno habang tinitignan ang isang papel na hawak nito. Lumapit naman ako dito.
" Ano yan? "- pag-uusisa ko sabay upo sa bakanting upuan. Bigla naman nitong tinago ang papel sa likod nito.
" Wala po, mama Joy. "-pilit na ngiti nito.
" May problema ka ba Anthon? Pwedi mong sabihin sakin. "- tumingin muna ito sakin at nabuntong hinga at ipinakita sakin ang papel nahawak hawak niya kanina.
" Di ko kasi alam kung pupunta ako event nayan sa school. "-nakayukong sabi nito. I pat his shoulder and said.
" Gusto mo samahan kita dito?^_^"- napaangat naman ang ulo niya sa sinabi ko.
" Nakakahiya naman po sayo mama. Baka busy po kayo,kaya wag nalang po. "- tamayo ako at umupo sa harap niya para makalevel ko siya.
" Ano pa't tinawag mo akong mama kung di kita sasamahan dito? Kaya wag kanang malangkot jan, kasi pupunta ako sa araw na to, okay? "- nakangiti kung sabi kay Anthon. Family day kasi sa School nila ngayon Friday, yun ang nakasulat sa papel.
Tumingin naman si Anthon sakin na parang naiiyak."Thank you, mama! "-sabay yakap nito sakin. Hinimas ko nalang yung likod nito para di na ito tuluyang umiyak.
*Click*
Napahiwalay naman ako kay Anthon ng makarinig ako ng Flash ng camera. Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang isang lalaking may hawak na DSLR. Matangkad ,maputi ang balat na mahahalatang may halo ito, Maskulado dahil nahahalata sa suot nitong white V neck at panatalon. Simple lang itong manamit pero masasabi mong gwapo at hot ito sa suot niya. Inaamin ko talaga na gwapo ang lalaking to. ^_^
" Pero sino ba to? "
BINABASA MO ANG
One Click, One True Love [ One-shot]
Romance"Every Click of my Camera Can capture a One Love Story. "