Xandara Myles: hoy gague san ka na
Kyler Ivane: sandali lang magpeperfume lang ako
Xandara Myles: wag yung matapang na perf yoko nun ew
Kyler Ivane: syempre kilala na kaya kita tss |
Kyler Ivane: kkk
-
King
Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan ko. Malapit na ako sa bahay nila Xyle nang naalala ko ang kapatid kong si Nicolas. Tss. Buti naman at umalis na ang pesteng yun.
Bago pa ako makalabas sa sasakyan nakita ko na si Xyle. Pakshet ang ganda niya! Tsaka yung curves potek.
"Ugh! Kylerrr! Antagal mo naman! Alam mo bang ilang beses na kitang tinexan pero wala kang reply tskk."
"Nagdadrive ako kaya paano kita marereplyan?"
"Hmf sabagay."
Pinagbuksan ko siya ng upuan at nahiya naman siya. Gentleman ako eh.
Tahimik lang kami sa sasakyan papuntang school KO. And yes, ako ang may-ari nun. Oy, di ako mayabang ah! Sa function room kasi iheheld ang Ball.
Pagdating namin binuksan niya na ang pinto pero nakuha ko pa rin naman ang kamay niya para sabay kaming pumasok doon. Galawan diba!
Hindi pa masyadong marami ang tao sa room kaya nilubos na ni Xyle ang oras niyang kumuha ng mga pagkain sa buffet table. Pft. Ganda niya pa rin. Nga pala, ngayon na ako aamin sa kanyang ako yung "stranger" niyang kachat at ako yung childhood bestfriend niya. Antanga niya naman para di marealize na King ang initials ko. Tsk.