Xyle
Natapos na ang Christmas Masquerade Ball at nagustuhan ko ang mga binigay na gifts sa akin. May mga blouse, perfume, accessories at iba pa. Oha sikat! Hehe joke.
Nakita kong papalapit si pres sakin. Syempre nagulat ako noh.
"Oh Kyler?"
"Uhm pwede ba tayong pumunta sandali sa garden?"
"Uh okay."
Medyo malapit-lapit lang ang nilakad namin dahil malapit lang rin naman ang garden dito.
"Xyle."
"Hmmmm?"
"May aaminin ako."
"AAMIN KA NA BANG ISA KANG DRUGLORD?! NAKU SABI NA NGA BA!"
"Pft. Hindi. Kumalma ka."
Kumalma naman ako.
"Xyle. Gusto na kita. Ay hindi. Mahal na pala. Dati pa. Nung una kitang nakita nung kinder, crush na kita. Hanggang sa nag elementary tayo, naging bestfriends tayo. Kaso lang pinalipat kami ni Nicolas sa Japan. Bumalik ako dito nung grade7 tayo pero mukhang di mo naman ako naaalala kaya nagpa as if nalang rin akong hindi kita kilala. Tapos gumawa ako ng secret account ko na pinangalanan ko ng Kevin Ian Gomez at nagulat nalang ako nung bigla mo akong chinatan. Kaya nag go with the flow nalang rin ako nun. Ansaya ko nun dahil palagi tayong nachachat pero dumating si Nick nun kaya hindi na tayo nagchat. Tapos bigla siyang nawala nung nakaalala ka na dahil ayaw niya raw tayong guluhin. Nagustuhan ka na rin nun eh. Pero syempre akin ka lang. Nanlumo ako nung chinatan mo lang ako nung nawala siya. Pero okay lang dahil naalala mo na ako. Hindi nga lang ako yung naalala mo kundi King lang. Nung foundation day na hindi ako yung nagsabi sayo na tumigil ka sa photobooth. Si Derrick yun. In fact, masaya nga akong nakikita kang masaya nun. Kaya kagabi, gumawa ako ng excuse para maging partner ka ngayon. Hindi lang naman tayo ang walang partner eh. Marami pa, kaso natatakot akong maagaw ka kaya inexcuse ko yun. So yun nga, ako yung stranger na palagi mong chinachatan,ako si joker, ako si tsk, at si ShyBoi. Ako rin ang knight in shining armor simula nung bata pa tayo. I like you Xyle. Tss no I love you. Ugh sht! Ang corny!"
"Uh... Thank you?"
"Aba! Thank you lang? Potek antaas ng speech ko Xyle!"
"Eh sa wala akong ibang masabi eh?"
"Tss. Pasalamat ka mahal kita. Tara na nga."
-
Pauwi na kami at todo jamming na kami sa sasakyan. Parang walang nangyari confession kanina at di na siya snob. Ang saya namin kaso nangyari ang hindi namin inaasahan.
"King/Xyle!"