last

94 9 15
                                    

A/N: dinagdagan ko na po. bitin daw eh??

-

King

Haaaay. Sana ganito nalang palagi. Masaya. Walang problema.

Nga pala,kami na ni Xyle. Mabilis ba? Syempre nagmamahalan eh. Kung nagtataka kayo kung anong nangyari nung natapos ang ball? Eto ikukwento ko sa inyo.

Flashback (11 months ago)

"King/Xyle!"

"Yung themesong natin!!!"

"I've never had to pretend you've always known who I am!"

Kaya ayun patuloy lang kami sa pagkanta hanggang sa-

"Aaaaaaahhh!!"

-

Nagising kami ng nasa ospital na. Kahit pagod pa ang mga mata ko pinilit kong buksan ang mga mata ko.

"X-xyle?"

"Huh? Sino ka?"

Dinurog ang puso ko saking narinig.

"Hoy joke lang. Jusko naman King bakit mo binangga yung Innova na yun gago talaga!"

"Psh sorry naman. Ganda mo kasi eh."

"Alam ko namang dyosa ako. Hays. Tsk ge lang okay na naman tayo eh."

End of flashback

"Kyler Ivane Nicolas Guttierez! Bilisan mo!"

Naku po! Tinatawag na ako ng dyosa kong reyna! Pft. And yup. May date kami ngayon😉

"Wait lang sweetiehoneybunchie!"

"Yaks King. Bawas-bawasan mo ang kakornihan mong leche ka!"

"Tsk to naman."

Magdadate kami sa hindi niya alam kung saan. Sasabihin ko sa inyo pero wag kayong maingay ha? Sa Verazul Hills kami papunta.

"King naman eh! San ba tayo papunta? Baka mawala tayo baka may masagasaan ka na naman jusmiyo!"

"Tss Queen. Wag ka ngang mag hysterical diyan. Siyempre alam ko kung san tayo papunta at di na muna ako titingin sayo kasi napura na ako haha."

"Aba dapat lang!"

Dumating kami nang manghang-mangha si Xyle. Sus sabi na nga ba magugustuhan niya to.

"King ang ganda naman ditooooo. Paano mo ba nasearch sa google ang lugar na to?"

"Shungek ka. Dito ako dinala ni mommy before kami bumyahe sa Japan. Sabi niya iiyak ko nalang raw muna ang lahat dito at dito muna iwanan ang mga memorya natin. Pero syempre umiyak lang ako at di ko iniwanan ang mga memorya natin."

"Ahhh. Teka para satin ba yang table na yan? Hala ang ganda! May balloons! Party hats! Lootbags! Omg thankyou Kinggg!"

"You should've told me na gusto mo mag children's party. And no, di yan para satin. Magdadate tayo hindi party. Ano ka bata?!"

"Paasa ka naman eh."

"Kasalanan ko bang umasa ka?"

"Umaasa naman kasi talaga ako sayong mamahalin mo ako pabalik! Kaso anong ginawa mo? Sinayang mo ako! Pinili mo yung hipon na yun!"

"Hipon na ba ang tingin mo sa sarili mo? Pft. Kailan pa kita pinagpalit? And from the very start minahal na naman kita ah?"

"Pwe korni natin kain na nga tayo."

Natapos kaming kumain at nagpasyang mag stargazing.

"King, alam mo ba? Ang saya saya ko ngayon. Thank you hari ko."

"Mas masaya ako reyna ko. Ikaw palang ang nakapagpasaya sakin ng ganito ngayon. Sana malagpasan natin lahat ng pagsubok na ibibigay ni Lord satin."

"Oo nga. Tingnan mo yung dalawang twinkling stars na magkatabi. So close yet so far. Parang tayo pero so close yet so close nga lang. Hahaha!"

"Haha. I love you Xyle."

"I love you too King."

At natapos ang monthsary namin ng puno ng kasiyahan.

-FIN-

A/N: hindi na ba bitin? Huehue. Sabaw foreves. Thanks for reading! :)

xyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon