Chapter 2

48 3 0
                                    

AFTER TWO YEARS

“Ritz, are you joining us for dinner party tonight?”

“No, hindi na. I need to go home, my family is waiting for me may konting handaan sila ate at yung boyfriend nya” dirediretsong sabi ko.

“Sagot ni sir to” tumango tango nalang ako habang inaayos ang mga gamit ko.

Ang totoo nyan gusto ko talagang sumama pero hinahantay ako nila nanay kaya wala akong choice.

“c’mon ritz, sumama kana!” nagulat ako ng biglang dumating si sir at nasa tabi ko na sya

“sir, hindi na po salamat nalang po”

“ipinagpaalam na kita kila tita and she said yes, I just need to bring you home early dahil may mini celebration daw kayo” napailing na lang ako si sir Gerick or si sir Gaz talaga. Nakakahiya na masyado sa kanya. Masugid ko syang manliligaw, it’s been 5 months pero until now di pa rin sya sumusuko sakin, I don’t know pero may kung anong pumipigil sakin na sagutin sya yet I know that the Feeling is mutual. Mabait, Maalaga at gentleman si Sir, sa 1 taon ko dito sa company talaga namang hindi nya ko pinabayaan at hindi din makakailang na napaka sweet ni sir.

Sino ba naman ako para magChoosy diba, eh kung tutuusin ang swerte ko na nga saknya.. kaya nga lang para talagang may kulang.

“ang lalim na naman ng iniisip mo” napalingon akong bigla kay sir Gaz

“Sorry, so makakahindi pa ba ko? Let’s Go.” Pag aya ko sakanya.

Iginaya na nya ako papunta sa kotse niya, tignan nyo nga? Sino ba namang babae ang hindi matututuwa sa kanya diba? Lahat na na sakanya. Mayaman na may kotse pa.

Nakarating kami sa isang napaka ganda, simple pero eleganteng restaurant, ibang klase talaga si Sir, Sabagay, kung saan saan na nga ako nito dinadala kapag inaaya nya ko magdate. Amantes De la comida del Restaurante

10 kami mahigit kaya naman tunay na maingay kami, pero ayos lang yun dahil VIP kami dito. Hahaha

Maya maya lang may nagserve na saming babae, at napanganga na lang ako sa ganda nya, parang di sya bagay na mag waitress!

“Ganyan talaga dito, maganda at mga gwapo ang server nila and take note, tapos silang lahat ng college. See? High standard daw kasi dito” bulong sakin ni Sir

Ahhhh, kaya pala. Napatingin naman ako sa pwesto ni sir, para syang nakaakbay sakin pero sa upuan lang. Nakakahiya pero sanay na ko.

“kaya pala ganun na lang din sya makatingin syo” sabi ko habang tumatango.

May bigla na namang pumasok na waiter para mag serve ng drinks. Pero laking gulat ko kasi ang gwapo nya as in. Take note WAITER SYA PERO DI MUKHANG WAITER. Hindi lang ako ang napatunganga pati na din ung iba kong kasamahan!  Di ko mabasa yung name plate nya.

My heart! Abnormal Beat. Geez! Nakukuha ko na naman to sa pagbabasa ehhhh!

“Sarado mo, baka pasukan ng langaw.” Ow, Em Gee. Nakakahiya, binulong ni Sir Gaz sakin yun habang sinasardo ung bibig ko! And Jesus nakatingin sakin ung lalaki.

“e-ehem, tawagin ka nalang namin pag may kelangan pa kami”

“O-Opo Sir”

Agad namang tumalikod sammin ung waiter. Geeeez! Ang corny ko.  Feeling teenager.

“Bakit mo naman tinakot ung waiter?”matawa tawa kong tanong sakanya

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon