Masyadong mabilis, hindi ko inaasahan. Halos higit isang buwan pa lamang kaming magkakilala. Nakakatakot at nakakakaba. Paano na si Gaz? He needs to know this too. Para patas. Ako na ang MAGANDA!
Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari kanina.
“Gusto ko po sanang ligawan ang anak ninyo”
Kitang kita ang pagkagulat ng pamilya ko. Kanya kanyang ekspresyon ang mababasa mo sa mukha nila.
Binatukan ko si Ayds “Joke time! Ayds, nakakatawa.HA-HA-HA” pilit kong tawa habang pilit na iniiba ang aura ng aking pamilya. Ang tatay at nanay ko nakanganga, si kuya naka ngisi. Si ate napa takip ng bibig
“Anong joke time Ritz, Seryoso ako at totoo. Tito, hayaan nyo po akong ipakita na kaya ko pong alagaan at mahalin ang anak nyo ng buong buo”
“Ayds, Magtigil kana” bulong ko sakanya dahil hindi pa sila nakakabawi sa aknilang pagkabigla
“Hindi ba masyadong mabilis iho?” tila nagbalik sa realidad ang aking ina
“Hindi po tita, sigurado po ako sa nararamdaman ko sa anak nyo”
“Iho, alam mo bang may matagal ng manliligaw ang anak namin. Yung boss nya mismo ang nanliligaw sakanya.” Biglang sabi ng tatay kong gwapo
“Alam ko po”
“Ikaw anong trabaho mo? Nasaan ang mga magulang mo? Anong natapos mo? Ilang taon kana? Saan ka nakatira? May kapatid ka ba? Pinagtritripan mo ba ang anak ko?” Gulat na gulat ako sa tanong ng tatay ko, ayan kasi. Napapala nya! May ganun ganun pa kasi eh.
Again, that was Epic.
*Bzzt.Bzzt*
Eli [goodnight, Ritz. Sleep ang get rest okay, tell to your ate congratulation. J]
Hindi ko na nireplyan si Aidan pero sa totoo lang natutuwa ako. Pero ewan ko….. magulo pa din hanggang ngayon….. natatakot ako…….
“GoodMorning Iha” Ngiti lang ang tanging nasagot k okay nanay. Nanlalata ako... Sumosobra na ata ako sa pagiisip. Mali ito. Hindi dapat ako naguguluhan, alam ko sa sarili ko hindi ako pumapayag mag paligaw. Siya na ang bahala sa buhay nya!
Day Off ko ngayon kaya naman dito lang ako sa bahay, mamahinga. Mabuti na din at busy si Gaz kung hindi panigurado akong lalabas kami. Sa pag kaka alam ko ngayon naman ang uwi ni Renz, at siguro naman itetext ako ni Sunny pag nagpaparty sila.. Humilata na ako sa sofa ng biglang.....
*D-O-Y-O-U-L-OV-E-M-E D- O-Y-O-U-L-O-V-E-M-E*
Napatayo ako sa gulat, agad kong inayos ang buhok ko at huminga ng malalim bago ito sinagot
H-hello?
Goodmorning Ritz, labas ka naman ng bahay nyo. At pinatay nya na ang tawag
Inayos ko ang sarili ko saglit bago tuluyang lumabas ng bahay, pagkabukas ko pa lamang ng pinto kitang kita ko na ang mukha ng mokong na ito, nakasandal sya sa kotse nya at parang may hinahanap.
Ng tumingala sya nakita nya ako
“Goodmorning” sabay ngiti ng pagkalawak
Halos malaglag ang panga ko sa ginawa nya, alam ko naman na gwapo talaga sya, pero iba pag nakangiti sya. Oo lagi kami magkakwentuhan at magkasabay umuwi pero di sya ganung kadalas ngumiti although bakas sa boses nyang Masaya sya
Mas nagulat ako ng nakita ko yung sasakyan nya. F*CK, yung kotse ni Lee Min Ho. Syet! Para syang may ari ng Pilipinas sa pag arte nya ngayon. Hindi ako nadadaan sa yaman, iyon ang totoo. Hindi mo ako kayang silawin ng pera, kagaya ng mga sinasabi ng chismosa nap era lang ang habol ko kay Gaz. Doon ako natatakot, na baka isang araw ganun na lang ang talagang tingin nila sakin kahit naman hindi, dahil hamak lamang ako trabahador nya at sya ang boss.