Hindi ko inaasahan na ngayong umaga, makakasabay ko na naman etong gwapong lalaki na ito, matagal tagal na kaming mag kakilala ata sabi nya Masaya daw akong kasama, parang tadhana lang dahil tuwing gabi ay nagkakasabay kami, pero tuwing umaga. Malabo not until now.
“GoodMorning Ms. Ritz”
“Goodmorning Ayds, ang aga mo ata?”
“hmmmmm, Gusto ko lang, masama ba? Nagbreafkfast kana ba?”
“Yes, bago ako umalis kumakain muna ako bakit? Ikaw?”
“hmm, aayain sana kita eh, sayang naman, What time uwian mo mamaya?”
“Ewan ko pa eh, bakit ba ang dami mo atang tanong?”
“Wala nga lang. Tara na, libre kita pamasahe ngayon”
Sumakay na kami sa jeep, hindi kami masyado naguusap ngayon, ewan ko din kung bakit
“Ayds, may problema ka ba?”
“huh? Ahh. Wala! Dito ako sa may building nyo bababa, may pupuntahan ako eh”
“Sigurado kabang walang problema? Ahh okay”
“Para po”
Naghiwalay na kami ni Aidan sa pagpasok sa building, sobrang Masaya talagang kasama si Ayds, ang gaan sa feeling at Masaya.
“Goodmorning Sunny, ang aga mo ata ngayon?”
“Ginising ako ni Renz kanina eh, sabi nya uuwi na sya sa Linggo eh”
“ahh kaya pala ehh, Sunny, naaalala mo yung si Ayds?”
“Oo bakit?”
“nakasabay ko sya kanina ehh”
“best, Iba na yan ahhh.”
“Ritz, let’s have dinner tonight, don’t bother to argue with me” Sabi bigla ni Sir Gaz
Napatango tango nalang ako, kahit kelan hindi ako nanalo sa kanya, pero ayun habang tumatagal, lalo ko syang nagugustuhan.
“Sunny, I’ll give it a try. Sasagutin ko na si Sir mamaya”
“Ritz, you sure? Tandaan mo, ang relasyon, hindi yan basta basta, hindi yan go lang ng go, pinag iisipang mabuti yan at dapat sure kayo sa feeling nyo sa isa’t –isa. Baka naman nabibigla ka lang? Ritz, it is not about how long you two know each other, hindi yan sa haba ng ligawan, hindi rin sa awa, it is not about the chocolates, flowers, date, mamahaling restaurant o kung ano pa.Ang Pag ibig kusa yang mararamdaman, kahit kakikilala nyo palang as long as tumibok yung puso mo, kahit isang araw pa lang naiintindihan mo ba Ritz?”
“Salamat Sunny, alam ko, alam ko. Kaya nga susubukan ko lang diba? Malalaman ko naman yun pag hindi ako Masaya sa kanya at syempre magpapakatotoo ako sakanya kung ganun man dahil ayoko syang masaktan”
-
-
-
-
-
Nagpunta ulit kami ni Gaz sa Restaurant na kinainan namin dati, kaya sigurado ako na nandito ngayon si Ayds at Ting! Hindi nga ako nagkamali sya ang magseserve ng oorderin namin.
Kitang kita ang pagkagulat sa mga mata nya, hindi ko alam kung ano iyon, pero naiinis ba sya? Bakit naman kaya sya maiinis? Alam ko, lagi nya ako kinukulit tuwing nagkakasabay kami tungkol kay Gaz at hindi ko naman sya masagot. Why do i have this feeling? Parang ayoko syang galit? Parang kelangan ko magexplain.