Chapter 6:Leave Me Lonely

774 13 16
                                    

Kakalabas ko lang ngayon ng classroom. Pumunta muna ako sa canteen dahil nakaramdam ako ng gutom.

Kinuha ko ang wallet ko at tinignan ko kung kaya pa ng pera ko ang mga gusto kong bilhin at sa wakas naman ay meron din dahil nga pala ay nilagyan ni Mommy ang wallet ko dahil tinitignan niya ito kung meron o wala dahil kapag meron ay hindi na muna niya ito lalagayan at kapag wala na ay tsaka niya ito lalagyan dahil daw ay alam niyang lagi ako bumibili ng pag-kain. Ang swerte ko talaga dahil siya ang naging mommy ko.

"Nga naman ohh!! Gutom nanaman si Ms. Majubis!!" -Boy 1

"Lagi naman yang gustom ehh!!!!" -Boy 2

"Ilang years na 'yan??!!!" -Malandi Girl 1

"Woww! Hindi talaga nauubusan ng pera basta kapag pag-kain ang bibilhin!! HAHAHAHAHAHA!" -Malandi Girl 2

"Magsikapit kayo baka lumindol!! HAHAHAHA!" -Boy 1

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" -lahat

Nag tawanan naman silang lahat sa mga pinagsasabi nang mga nang-bully nanaman sa 'kin. Kaya lang naman nandito sila kasi minsan ay dito na sila tumatambay sa canteen, minsan naman ay aabangan nila ako kasi nga ako ang lagi nilang trip.

Umupo ako sa pinakalikod dahil kasi ayaw ko sa maraming tao masyado, yung gusto ko ako lang dahil sanay naman akong mag-isa na lang. Maraming napatingin sa pintuan dahil ay nanduon ang mga nagga-gwapuhang mga lalaki at isa duon ay si JAKE????!!!!! Yung totoo? Kailan pa siya napasali sa mga yan? Ni hindi ko nga alam tsaka kabago-bago niya lang dito kasali na agad siya sa mga 'yan.

Nag focus na lang ako sa pag-kain na mga binili ko. Maraming nag-bubulungan kasi nga ay may bago at yun ay si Jake marami ring nagsa-sabi na yung nga ay gwapo siya tsaka tama lang.

"Hoy!!!! Ms. Majubis!!!" Napahindto ako sa pag-nguya ng may narinig akong tumawag sa 'kin kaya naman ay dahang-dahan kong tinignan kung sino ang tumawag sa 'kin at yun naman pala ay ang mga feeling gwapo pero hindi sila ang mga Kuya ko ahh..

Yung mga lalaking kaibigan ni Jake...

"B-Bakit?" Natatakot kong sabi dahil nga sa kinakabahan ako kung ano ang gagawin nila sa 'kin at baka pa ay pag-tripan nila ako.

"Lonely?" Nangaasar na tanong ni ewan ko sa pangalan niya.

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ko ang pag-kain dahil ayaw kong sayangin ang oras ko sa walang kwentang bagay na yan. Nang matapos na ako kumain ay tatayo na sana ako ng sindya niyang ibuhos sa 'kin ang juice na iniinum niya.

"Sorry sadya." Nag tawanan silang lahat at mas nasaktan ako ng makita ko pati si Jake ay tumatawa na rin kaya naman mas lalo ako nakaramdam ng hiya sa sarili ko sa ngayon dahil lahat sila ay nag-titinginan na sa 'kin dahil sa mga pinag-gagawa nila.

"H-Hindi k-ko na nagugustuhan ang mga pinag-gagawa niyo!! Kala niyo ba maganda, huhhh??!! Nakakasakit na kayo kung alam niyo lang 'di porke't isa akong Majubis ay gaganyanin niyo na ako!!! Hindi na maganda yang pinag-gagawa niyo kasi kung tutuusin kayo ay mga sikat sa paaralan na 'to at ang daming nagkakandarapa sainyo kaya kung mang-bully kayo ay wagas!!" Umupo ako ulit sa upuan ko para kumalma at hindi mailabas ang luha ko. Iyakin kasi ako.

Napansin kong marami na nagsi-silabasan at yung iba naman ay patingin-tingin pa sa 'kin. Pinunasan ko ng panyo ang mga luha kong panay agos dahil nga hindi ko na gusto pa ang pinag-gagawa nila tsaka kahit naman na pag-sabihan mo ang mga 'yan ay hindi pa rin sila titigil ehh.. kasi nga ganyan na yang mga yan.

Dati may mga binubully na rin yung mga yan at yung student na 'yun ay umalis na lang sa school na 'to dahil nga sa mga pinag-gagawa nila sa kanya, kamusta na kaya yung babaeng yun? Sana mabuti na siya sa paaralan kung nasan man siya at ngayon naman ay ako na ang susunod na aalis dito kahit na amin pa 'tong paaralan na 'to.

Pero hindi naman ako papayagan na umalis sa school na 'to dahil ayaw ng mga parents ko na mag-iba ako ng school, sabagay ay wala naman silang alam sa mga nang-yayari sa akin dito sa paaralan na ito kaya hindi talaga nila ako papayagan umalis sa school na 'to nang walang rason na may nagpapakita g katotohanan.

Wala ng tao sa canteen kundi ako na lang talaga at sinarado na muna nila kasi ay nag-uumpisa na ang klase at mga ganitong oras ay bawal mag-palabas ang mga guro.

May bumukas ng pinto at pag-tingin ko ay nakita ko si Jake may dala siyang ewan! Kasi hindi ko naman alam kung ano ang hawak niya ehh.. lumapit siya sa 'kin at binigay niya sa 'king ang uniform??!!! S-saan niya kaya nakuha to??!

Kinuha ko na sa kanya ang uniform. "T-Thank y-you." Aalis na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko.

"You're welcome, pero sana naman kung tanga ka at hindi mo man lang isipin na umalis ka na lang kanina bago kami dumating edi sana hindi ka napag-tripan ng mokong na 'yun di ba?! Tss. Alis na ako at wag mo sanang ipag-sabi sa iba na binigyan kita nang uniform na yan!!" Umalis na siya ng tuluyan at nawalan na naman ako ng gana kaya umupo na lang ako kasi bakit ba??!! Nang hingi ba ako ng uniform?

Tss! Lagi naman akong iniiwan ehh.. pero okay lang naman ehh,, Sanay naman na ako.



A/N:

Wahhhh!!!!!! Alam ko pong parang ang layo ng title ng chapter sa chapter na 'to pero sana po ay naintindihan niyo po kung bakit siguro Leave me lonely ang title pero kung hindi po ay sasabihin ko na, kaya ganyan ang tittle kasi nga po ay iniwan siya ng lahat at pati ang new crush niyang si Jake na napaka-yabang



Ms. Majubis Transformation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon