Missing Chapter 4:Without You

311 5 7
                                    

A/N: Nag update ako ngayon kasi friday naman. HAHAHA! So, eto na po pala yung missing na chapters. Napaisip naman ako kasi ang alama ko ay may mga ginawa na akong chapters kaya pano pa mawawala ang mga 'yun. Okay, sorry po ulit sa mga typos.




⚫⚫⚫⚫⚫




After naming mag picture ay nagsipuntahan na ulit kami sa loob kasi naisip namin na mag ihaw ng baboy 'tas nag handa kami ng lamesa sa may tabi lang din ng pool. Naglalaro kami ni Sean ng icing kasi nagb'bake kami ng cupcakes pero yung icing na dapat sa cupcakes ay napunta sa mukha namin dahil sa pahidan kaming dalawa HAHAHA! Nag-gagantihan kasi kaming dalawa kaya ang lagkit na sobra ng mukha naming dalawa.


Nag-hilamos ako ng mukha ko. Bumalik na ako dito sa baba pero wala pa rin si Sean, baka di pa siya tapos mag hilamos ng mukha kasi mas madami sa kanya ehh.. siyempre di ako nagpatalo sa kanya.


Gumawa na ako ng panibagong icing kasi ang tagal talaga ni Sean. Nang matapos na ako sa pag b'bake ng cupcakes ay nilagay ko na yung icing sa top at nilagyan ko din ito ng cherry and mga kung anu-ano pang mga pwedeng i toppings sa kanila.


At dahil wala pa din si Sean ay naisipan ko nang puntahan siya sa visitors room. Kumatok ako ng mga 5 times na pero wala pa ding bumukas kaya ako na lang mismo ang nagbukas kasi parang wala naman siyang balak buksan yung pintuan.


A/N: Paki-play na lang po ng music video sa may multimedia at dun naman sa mga naka offline ay kung may kanta kayong WITHOUT YOU ni chris brown ay i play niyo na lang sa songs niyo.


Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad sa 'kin ang isang tarpolin na may nakasulat na 'I LOVE YOU' at may mga kasama pang design at glitters dun. Nakita ko naman siya na may hawak na boquet at sabay lapit sa 'kin tsaka niya sunod na ginawa ay binigay niya sa 'kin ang boquet na may kasamang matamis niyang ngiti kaya pati ako ay napangiti na din.


Nang makapasok na ako ng tuluyan ay may mga picture namin sa loob. Kaming dalawa lang nandito. Bigla niya na lang ako hinawakan sa bewang at sabay tugtog ng isang kanta then nag sayaw na kaming dalawa habang tumatawa sa di malaman na dahilan, baka naman dahil sa parehas lang talaga kaming kinikilig HAHAHA!


"Aira...." Maypagka-seryoso yung boses niya kaya tumigil mo na ako sa pag-kilig nang todo. "Ano kasi ehh..." Hinihintay kong ituloy niya yung sasabihin niya pero parang di siya ready.


"Ano ba kasi ang sasabihin mo?" Medyo naiinis na kasi ako.


"Ano ahm--- K-Kailangan ko na kasing b-b-bumalik sa London." Bigla akong nanlumo sa sinabi niya kasi di pa nga kami umaabot ng one month ay iiwan na niya kaagad ako. "Pero siyempre di ko naman kaya g gawin na iwan ka kaya kahit na nasa ibang bansa pa din ako ay siyempre mag v-video call pa din tayong dalawa." Halatang pilit na ngiti lang ang ipinapakita niya sa 'kin.


"Sasama na lang ako sa'yo." Nakikiusap kong sabi sa kanya.


"Bbalik din naman ako kaagad, Babe.." Ewan o pero parang biglang may dumayong kuryente sa 'kin HAHAHA! Babe.


"A-Ano kasi-- Ano ba?! pwede naman akong sumama sa'yo ahh. Ayaw mo ba?!" Naiinis ako sa kanya kasi pwede namang gawan ng paraan para pakasama ako sa kanya.


"Babe, di ba nga kaya ka pinauwi ng mga magulang mo dito kasi dito kana mags'stay. Ayaw ko naman masira yung ginawa nilang effort para lang mapabalik ka dito sa Pinas kahit na ayaw mo." Sinabi niya 'yan habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay.


"P-Pero ano kasi--- ayaw ko talagang iwan mo ko pero kung 'yan talaga ang gusto mo edi pagbibigyan kita, mahal kita ehh.." Nagyakapan kami pareho sabay ni-kiss niya ako sa noo ko.


"Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Aira Lopez. Oh! Soon to be Mrs. Merxedes." Sabay kindat pa siya sa 'kin kaya hinampas ko nga siya sa braso, kainis kasi eh! Mesyede niye ekeng penepekeleg neng tede. HAHAHA!


"Kailan ka babalik?" Tanong ko sa kanya ng ikinabigla niya.


"E-Ewan ko ehh.. di ko alam." Sabay yuko siya.


"Umamis ka nga! Bbalikan mo pa ba ako?" Feeling ko kasi di na niya ako babalikan kasi di siya sure sa sagot niya sa tanong ko.


"A-Ah? B-Balikan k-ki-kita.." Hahawakan niya sana ako sa balikat ko pero hinawi ko bigla ang dalawa niya kamay.


"Sean! Sumagot ka nga nang maayos! Nagmumukha akong tanga sa'yo ehh." 


"Aira, nagsasabi ako nang totoo. Di ko talaga alam kung kailan ako babalik pero sure akong babalik dito---" Di ko na siya pinatapos pa dahil ako na mismo ang nagpatuloy sa sinasabi niya.


"Na may kasamang iba." Bigla naman nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.


"Aira! Hindi ako ganun." Medo napataas ang boses niya sa pag banggit sa pangalan ko.


"Oh talaga?! Di ka ganun? Naks naman!" Pumalakpak pa ako ng tatlong beses.


"Aira naman! Dahil lang sa sagot kong 'yun ay nagalit kanakaagad! Bakit ba wala kang tiwala sa 'kin?" Dapat nga ba akong mag tiwala sa kanya?


"Urgh!!! Ewan ko sa'yo, Sean! Pero feel ko talagang di ka na babalik.." May pumatak na luha galing sa mata ko. "Pero tandaan mo, Sean na kahit di ka na babalik pa ay umaasa pa din ako kasi ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba pa. Kaya sana ganun din ako sa'yo, hidi yung ako lang yung nagmamahal sa 'ting dalawa. Sean, wag mo naman sana akog paasahin a pangako mong 'BABALIK' ka pa. May tiwala ako sa'yo, tandaan mo 'yan. Gagawin ko ang lahat para maging tayo pa rin hanggang dulo, kaya Sean sana ganun din ang gagawin mo. Sana nga.. sana." 


Lalabas na sana ako sa kwarto ng makita silang lahat sa pintuan. Tumakbo pa din ako palabas ng kwarto hanggang sa makapunta na ako sa kwarto ko at sabay lock nito. Humagulgol ako sa kakaiyak dahil hindi ko talaga kaya ehh.. parang feeling ko di na talaga siya babalik pa, pero sana naman hindi mangyari ang inaakala ko kasi di ko 'yun kakayanin.




⚫⚫⚫⚫⚫


A/N: Ewan ko ba kung bakit ganito ang naisipan kong gawin sa chapter na 'to ehh. HAHAHA! Sdyang wala na akong maisip pa talaga.Okay, alam kong naiinis na kayo sa typos ko pero ieedit ko na din, dejk! baka matagl-tagal pa.





Ms. Majubis Transformation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon