Chapter 3:I Accept What I'am

942 16 10
                                    

A/N:

Dahil hindi naman po ako naka-punta sa try-out ko para sa volleyball ay magu-update na lang muna ako at napag-isipan ko rin na sa sunday na lang ako magre-review. Sana po magustuhan niyo ang update ko ngayon.





⚫⚫⚫⚫⚫






Kaka-uwi ko lang galing school at ayoko na i-kwento pa ang nang-yari dahil alam niyo naman na ang mga pinag-gagawa nila sa 'kin sa school ehh kaya wala na ako dapat i-kwento pa maliban na lang kung may nang-yari na napaka-ganda sa akin sa school, Aba! Isa iyong himala.

Pumunta na ako sa ref at nag-tingin ng pwedeng kainin na masarap pero di ba nga ay diet ako kaya dapat lang na sanayin ko na ang sarili ko na wag na masyado maging matakaw dahil mahirap na at baka mas lalo pa akong maging mataba imbis na maging payat.

Share ko lang, hanggang sa shoulder ko lang kasi ang buhok ko kaya mas lalong halata ang pagiging mataba ko tsaka mataba ako ehh kaya halatang-halata talaga ang taba ko pero what i mean is.. lalo akong nagmu-mukhang mataba kasi nga ay maiksi ang hair ko kaya gusto ko ng mag-pahaba ng buhok para pag pumayat na ako ay long hair na ako.

Pumunta na ako sa Dining dahil tutal naman ay may ulam na 'dun. Papunta pa lamang ako dun ay langhap ko na ang napaka-bango at nakakatakam na ulam namin.

OHHHHHH! TUKSO LAYUAN MO AKO!!!!! I NEED TO DIET!!!! Umupo na ako sa upuan at kumuha ng hindi naman gaanong karaming kanin dahil nga sasanayin ko na ang sarili ko na huwag muna mag-pakarami ng kanin.






⚫⚫⚫⚫⚫







Fact: Dalawang kanin

Hindi ko napigilan sarili ko ehh dapat nga dadagdagan ko pa pero naisip ko na lang ang diet ko ehh.. feeling ko nawawalan na talaga ako ng pag-asa pang pumayat ehh...

Uminom na ako ng tubig at dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng ref namin, ewan! Parang hindi ko na mai-control pa ang sarili ko ehh dahil nag grocery si Manang kaganina kaya naman ay may mga chocolates pala dito dahil alam niyang mahilig ako.

"Lil sis!!!!!" Epal na Kuya Ian na 'yan.

"Bakit??!!! Mang-aasar ka na naman ba??!!! Please lang wag ngayon!!!" Dahil kumakain pa ako, gusto ko sanang dagdagan pero wag na lang.

"Tse! Pag-kain na naman 'yang inaatupag mong baboy ka." Umalis na siya at narinig ko ang yapak ng paa niya papunta siguro sa kwarto niya.

Ano naman kayang trip nun? Wala na naman siyang maisip na gawin.

Bakit pa nga ba kasi ako nagd'diet ehh.. wala na rin naman na akong pag-asa pa ehh sa laki kong 'to ay di na ko papayat pa dahil mananatili na akong mapayat. Wala naman akong mapapala kung pumayat ako ehh kasi wala akong kaibigan dun na magiging masaya sa 'kin ehh baka nga sabihan pa ako ng iba nang kung anu-ano kaya mas tatanggapin ko na lang na mataba ako.

Mataba na kung mataba tsaka hindi ko na talaga pa inisip na magiging mapayat din ako someday ehh kasi nga masaya na ako sa pagiging Majubis ko, ang pag tutuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko.




I accept what I'am

Ms. Majubis Transformation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon