CHAPTER 26: Luli Island

1.8K 42 3
                                    

AUTHORS NOTE

Hep! I on mo muna yung background music bago mo basahin 😂😂😂 para mas mafeel mo yung story 💞💕 Sana magustuhan niyo 😉

-zsazsalaz

                               ➡➡➡➡➡➡➡➡

Cassy's POV.                

Habang nasa biyahe kami nagkukulitan lang kami ni Nathan. Kagaya ng dati naming ginagawa. Si Czarr kasi ang sarap ng tulog. After 1 hour nakarating din kami kung nasaan yung private plane nila. Binuhat na niya si Czarr at pinahiga sa eroplano. Tinulungan naman kami ng mga crew ng eroplano para buhatin yung mga gamit namin.

Magkatabi kami ni Nathan sa upuan habang si Czarr nakahiga at sinolo ang isang upuan. Sila mommy at daddy ang magkatabi at si Dess at ang boyfriend niya naman nasa likuran namin. Di ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising lang ako dahil may kumukurot sa ilong ko. I opened my eyes and saw Nathan laughing.

"Andito na tayo"

Umayos na ako ng upo, pagtingin ko wala na yung mga kasama ko pati si Czarr. Kami na lang palang dalawa ang nasa Plane.

I asked him "Where's Czarr?"

"Ayun, bumaba na kasama ang lolo at lola niya excited ehh"

"Kanina pa ba tayo nandito.?"

"Hindi naman"

"Bakit hindi mo ako ginising? " sita ko sa kanya

"Ehh, ang sarap ng tulog mo . Tsaka sinulit ko lang yung oras na nakahiga ka sa balikat ko" sabi niya habang nakangiti

"Loko ka! Halika na bumaba na tayo"

Pagbaba ko ng eroplano nakita ko si Czarr nakaupo kasama sila mommy at daddy naman. Si Dess at yung boyfriend niya nowhere to found baka nag CR.

"Kailangan muna natin sumakay sa bangka bago makarating doon. Heto nga pala si Kuya Edgar, siya ang caretaker sa Rest House at siya rin ang maghahatid sa atin doon" wika ni Nathan.

Sumakay na kaming lahat sa bangka at habang tinatahak namin ang daan patungo sa Luli Island si Nathan panay ang kuha ng litrato sa amin. Mapapa Wow ka sa ganda ng PALAWAN. Sa hinaba-haba ng biyahe narating din namin ang rest house nila Nathan. Pagbaba namin naalala kong itanong kung paano ang set-up ng pagtulog namin.

"Nathan, before I forgot saan ang kwarto namin ni Czarr?"

Bigla ngumiti ang loko

"3 lang ang kwarto dito Cassy, 1 sa mommy at daddy mo, 1 kela Dess at kay Laurence tapos yung isa sa ating tatlo nila Czarr. Gusto kong katabi ang mag-ina ko. Okay lang ba sayo?"

"It's okay. Walang problema"

Ibinaba na lahat ni Kuya Edgar ang mga gamit namin at ipinasok sa loob.

"Enjoy your stay here Mam" sabi niya bago umalis

Pumasok na ako sa loob para ayusin ang gamit naming tatlo. Pagbukas ko ng pinto nakita ko may mga nakasabit na picture nilapitan ko para tignan. Mga picture pala namin ni Nathan noon. May mga picture na kuha nung sumayaw kami. Tapos nung nagpunta kami sa beach nakahawak siya sa baywang ko at ang saya-saya namin tignan. Ang nakakuha ng atensyon ko yung malaking picture frame. Kuha yun nung nasa beach kami stolen shot kuhang-kuha niya yung pagtawa ko. Natawa tuloy ako sa itsura ko pero maganda siya. Mahilig pala kumuha ng litrato ang mokong na yun sabi ko sa isip ko.

Inilagay ko na sa Cabinet ang damit namin. Naitabi ko na rin ang nga maleta para iwas abala. Ilalagay ko sana yung cellphone ko at iPad ko sa drawer ng side table ng mapansin kong may photo album. Kinuha ko ito at binuklat. Bigla akong napangiti. It was Nathans baby pictures kamukhang-kamukha niya nga si Czarr nung bata siya. Kasalukuyan kong binubuklat ang photo album ng bumukas ang pinto.

"Hoy! Bruha! Di ka ba lalabas dito?? I enjoy mo naman ang init sa labas. " Si Dess naglilitanya na naman.

"Susunod na po magbibihis lang ako."

"Mag two-piece ka ha.". sabi niya sabay tawa.

"Loka-loka, malamang. Ano ba akala mong isusuot ko? Gown?"

"Oh siya sige maiwan na kita. Sumunod ka na ha?" sabi niya sabay talikod.

Kinuha ko yung Neon Orange na Two-piece ko syempre pinaghandaan ko ito. Gusto ko maganda pa rin ako sa paningin ni Nathan. Nagpalit na ako at pinatungan ko lang ng white na long sleeve pero unbuttoned ang two-piece ko. Inayos ko ang buhok ko "Messy-bun" tapos kinuha ko yung aviator shades ko. Tumingin ulit ako sa salamin "PERFECT"na.

Paglabas ko nakita ko si Nathan at Czarr naghahabulan. Aba ang bruhang Dess at jowa niya nagsa sun-bathing na. Si mom and dad naman naglalakad-lakad sa di kalayuan. Nilapitan ko ang mag-ama ko.

"Mommy" sigaw ni Czarr dahilan para mapalingon si Nathan

Biglang sumipol si Nathan "Witweew"

"Hello baby, nag e-enjoy ka ba?"

"Yes mommy" masigla namang sagot niya.

Lumapit si Nathan sa akin at bumulong. "Honey, you're so sexy and you're giving me a massive boner"

"Che! Ikaw ha?! Tumigil ka. "sabi ko sabay hampas sa braso niya habang tinatawanan ako.

Nakipaglaro na rin ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa nagyaya ng maligo si Czarr. Kaya tinanggal ko na ang long sleeve top ko at shades. Hinila kaming dalawa ni Nathan sa malalim na part luckily marunong lumangoy ang anak ko dahil nag swimming lesson siya noon.

"Anak, bakit ang galing mong lumangoy" nagtatakang tanong ni Nathan.

"Mom enrolled me in a swimming lesson before dad"

"Wow, so you raised him well kahit wala ako" he said while smiling.

"Of course, he's my son, our son dapat palakihin ko siya ng maayos"

Nilapitan ako ni Nathan at niyakap ng mahigpit

"Thank you Cassy, thank you for everything. Thank you for giving me Czarr" then he give me a quick peck on my lips.

 Thank you for giving me Czarr" then he give me a quick peck on my lips

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Note

-ohh! Alam na, tabi silang matutulog. 😂😂😂😂  May mangyayari kayang something!!! ??? 😂😂😂😂 Thank you for reading! Dont forget to vote and share.. Thank you 😘😘😘😘

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon