Chapter 1: Love At First Sight

4.7K 48 1
                                    

(Back in 2009)

Cassy's POV


Nakaupo ako sa bench. Nakatulala, malalim ang iniisip ng bigla akong nagulat sa tili ng bestfriend ko. Si Dessiree Ocampo ang first friend ko dito sa school dahil pareho kaming transferee pero hindi kami magka-klase. Magkasing edad lang din kami. "Hoy! Casssyy! ang layo ng iniisip natin ha?" sabi ni Dessiree. "Ha?? hindi naman Dess." sabi ko sabay tawa "Bakit ka nandito??" tanong ko sa kanya. "Siguro magyayaya na naman itong maglakwatsa, maglakad-lakad sa campus" bulong ko sa isip ko" lumapit siya sa akin at ikinawit ang kamay niya sa kamay ko "Wala lang Cass, tara gora tayo sa room namin" tinignan ko siya sabay sabi "At ano naman gagawin natin sa room niyo? Di ba dun ka galing? Bakit ka pa babalik?" ngumiti siya "Eh kasi may kantahan na nagaganap sa Room namin. Tara manood ka.Ang gagaling nila" Hinila na niya ako at hindi na ako nakapag protesta pa.



Nang makarating kami sa room nila pinapasok niya ako at pinaupo. At may nagkakantahan nga. Bigla akong napalingon sa lalakeng kumakanta habang tumutugtog ng gitara. Biglang tumalon ang puso ko. Kasi ang gwapo niya, his eyes we're inviting and his voice is like music to my ears. Maganda rin ang shape ng katawan niya medyo masculine at mukhang 5'8 ang height niya tama lang sa weight niya. "LOVE AT FIRST SIGHT NA ATA ITO" bulong ko sa isip ko. Speechless ako habang kumakanta siya ng Upside-Down by 6cyclemind. "Oh! Di ba ang galing nila Cass" biglang nagsalita si Dess. " Yeah! You're right. Ano pangalan nung naka gray na V-neck Shirt?" tanong ko sa kanya "Ahh, Si Nathan yun bakit crush mo?" sabi niya habang nakangiti. "No, I just like the way he strum his guitar and sing. I find him attractive" ..."Oh kaya nga Cass crush mo nga??" sabi niya. "I said NO..N--O as in NO" tinitigan niya ako sabay sigaw ng "Defensive?" at tumawa. Nanatili akong nakaupo at pinapanood sila. "Alam mo ba yan si Nathan ay singer slash dancer. Magaling din siyang mag-gitara at mag-piano" biglang sabi ni Dess. "Wow! As in Wow!" I think I like him already. I can't take my eyes off him. Bigla siyang napatingin sa akin pero nilihis din niya.


Nagpaalam na ako kay Dess sabi ko pupunta na ako sa room namin at may klase pa ako. " Dess, mauna na ako may klase pa ako ehh. Salamat sa pag invite " .."Oh siya sige. Ingat sa daan" lumabas na ako sa classroom nila. Habang naglalakad ako papunta sa room naalala ko na naman si Nathan, yung ngiti niya. Napapangiti tuloy ako hanggang sa makarating ako sa room namin. Umupo ako agad sa pwesto ko wala pa si Prof. Gutierrez. Nakatulala pa rin ako at malalim ang iniisip ng biglang lumapit yung kaklase ko at ginulat ako "Baaa!! " nagulat ako at muntik ng mapamura "Shit! It almost got killed me moron!" hinahawakan ko pa rin ang dibdib ko dahil di pa ako naka get-over. "Masyado ka kasing seryoso at napakalalim ng isip mo" sabay tawa ng malakas. "You're crazy Justin! It's not funny" tinignan niya ako at tinanong "Eh, ano ba naman kasi ang iniisip mo at parang lutang ka?? Are you inlove?? You're blushing"

Aaminin ko totoo ang sinabi niya at pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang kilig. "Of course not. Why should I be inlove and kanino naman ako mai inlove aber?!" tumawa siya ng malakas sabay sabi ng "Nagtanong ka pa, edi ako. Inlove ka na sa akin ano?? this time ako naman ang natawa "Ano ba yan ? Joke? " natawa din siya kaya nagtawanan na kaming dalawa.


Bigla namang dumating si Prof. Gutierrez at tumahimik na kami. "Magandang Hapon sa inyo. Nag aral ba kayo ng leksyon natin kahapon? Magbibigay ako ng pagsusulit ngayon tungkol sa pinag-aralan natin kahapon" nakatunganga yung ibang kaklase ko na wala ng inatupag kung hindi ang magpa ganda. Napansin siguro ni Justin na tinitignan ko sila kaya bigla siyang nagsalita at sinabing "Sigurado ako na walang maisa sagot yang mga yan sa pagsusulit. Puro pagpapa ganda ang inaatupag"


At inumpisahan na naming sagutin ang mga sagot. Nang matapos ko ng sagutin ay ipinasa ko na. Hinihintay ko lang na ma dismiss kami. Bigla na naman pumasok sa isip ko si Nathan. My God ano ba yan. Ngayong umaga ko lang siya nakita pero ginugulo na niya ang isip ko.After 15 minutes we're dismissed.


Pagkalabas ko sa room namin naupo muna ako sa bench habang hinihintay si Dess. Nakita ko si Nathan sa kabilang bench nakaupo. Kasama niya ang mga barkada niya mukhang may hinihintay. Nangi-ngiti na naman ako. At habang ine- enjoy ko yung view at nagmo-moment ako. Sumulpot na naman ang bestfriend ko habang kumakanta. "Pasulyap-sulyap ka kunwari. Patingin-tingin sa akin. Di maintindihan ang ibig mong sabihin. Kung mayroong pag-ibig ay ipagtapat mo na sa akin. Agad naman kitang sasagutin." Aba! at tinapos talaga niya yung chorus ng kanta. "At hindi raw niya crush si Nathan. Alam mo Cass kung ice cream lang si Nathan kanina pa tunaw yan. Sobra ka kasi kung makatitig eh." sabay tawa ng pagkalaaas-lakas "Sira ulo!" hinampas ko siya ng pabiro sa braso. "Halika na nga" sabay hila ko sa kanya. Bago ako tumalikod sinulyapan ko siya ulit. At naglakad na kami papunta ng cafe sa loob ng campus.

11-03-15
Comment, Vote and Share ☺

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon